wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q1 Filipino 10

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Bahagi ng pananalita na humahalili sa pangngalan.

a)

pandiwa

b)

pang-uri

c)

pang-abay

d)

panghalip

2.

"Patuloy ang pagtaas ng halaga ng dolyar samantalang bumababa ang presyo ng piso. Ano ang tuwirang epekto nito sa mga Pilipino?" Anong uri ng panghalip ang may salungguhit?

a)

panghalip na pamatlig

b)

panghalip na pananong

c)

panghalip na panaklaw

d)

panghalip na panao

3.

Punan ng panghalip ang pangungusap: "Kailangan ng pamahalaan ng solidong programa upang masugpo ang kahirapang nararanasan ng mga Pilipino. Upang maisagawa ______, nararapat na magsagawa _______ ng malawakang pag-aaral o pananaliksik."

a)

nito/sila

b)

nila/ito

c)

ito/sila

d)

ito/nila

4.

"Sinong tauhan sa pelikulang Up ng PIxar ang maihahalitulad mo sa tunay na buhay?" Alin sa sumusunod ang isang panghalip na halaw sa pangungusap?

a)

sa

b)

Sinong

c)

Up

d)

mo

5.

Punan ng panghalip ang pangungusap: Hindi ________ maaaring husgahan ang paninindigan _________ dahil sinunod lamang _______ ang laman ng puso at damdamin.

a)

natin/sila/nila

b)

mo/sila/nila

c)

natin/nila/nila

d)

mo/ko/ko

6.

Ang kayarian ng salita kung ito ay nasa basal na anyo.

a)

inuulit

b)

maylapi

c)

tambalan

d)

payak

7.

Sa mga salitang: kaluskos, lagitik, at kalampag. Alin may pinakamatinding kahulugan?

a)

kaluskos

b)

lagitik

c)

kalampag

8.

Alin sa sumusunod na salita ang may kayariang inuulit na parsyal?

a)

gabi-gabi

b)

maya-maya

c)

kani-kanina

d)

paruparo

9.

Ang kahulugan ng salita ay hango sa diksyunaryo.

a)

idyoma

b)

denotasyon

c)

konotasyon

d)

clining

10.

Punan ng wastong idyoma ang pahayag: Pagdating ng panahon at lumaking mabubuti ang mga anak ay tiyak na ________________ ang pakiramdam ng sinumang magulang.

a)

pusong-mamon

b)

pantay ang paa

c)

nakalutang sa ulap

d)

huling hantungan

11.

"May mga pagkakataon ding kailangang magtiis at maghigpit ng sinturon ang magulang para lang maibigay ang mga bagay na makabubuti para sa mga anak." Ano ang kahulugan ng idyomang ginamit sa pahayag?

a)

mapagpasensya

b)

mayabang

c)

maawain

d)

magtipid

12.

Aling salita ang hindi kaugnay o may naiibang kahulugan sa pangkat?

a)

nagsumagsag

b)

naghirap

c)

nagmadali

d)

nag-apura

13.

Alin ang wastong ayos ng salita ayon sa tindi ng kahulugang taglay nito?

a)

umalma, nagreklamo, naghimutok

b)

naghimutok, nagreklamo, umalma

c)

nagreklamo, umalma, naghimutok

d)

naghimutok. umalma, nagreklamo

14.

Ang kahulugan ng kanyang mga sinasabi ay nakakubli sa mga palaisipan. Ano ang kasinghahulugan ng salitang nakakubli?

a)

nakatiklop

b)

nakadungaw

c)

nakikita

d)

nakatago

15.

Ang kaniyang paglisan ay labis na ikinalungkot ng kaniyang kaibigan. Aling salita sa pangungusap ang maykahulugang "pag-alis"?

a)

ikinalungkot

b)

labis

c)

kaibigan

d)

paglisan