wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Review 1.5 in Filipino 6

Total questions: 20

Worksheet time: 17mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa panahon at lugar kung kailan at saan naganap ang kuwento.

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

tunggalian

2.

Ito ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at galaw ng mga tauhan sa kuwento.

a)

bahay

b)

banghay

c)

bangay

3.

Ito ang naglalabang puwersa tulad ng tauhan laban sa kapwa niya tauhan.

a)

tunggalian

b)

papataas na pangyayari

c)

kasukdulan

4.

Ito ay ang mga tao na gumanap sa kuwento.

a)

tagpuan

b)

tauhan

c)

bida

5.

Ito ang maiiwang magandang kaisipan, leksiyon, o natutuhan sa kuwento

a)

aral

b)

tunggalian

c)

tagpuan

6.

Alin sa sumusunod ang HINDI uri ng tauhan?

a)

bida

b)

kontrabida

c)

direktor

d)

tagasuporta

7.

Ito ay tumutukoy sa pangunahing tauhan sa kwento.

a)

kontrabida

b)

bida

c)

tagasuporta

8.

Sila ang pangalawang tauhan na sumusuporta sa pangunahing tauhan o bida.

a)

bida

b)

kontrabida

c)

tagasuporta

9.

Siya ang sasalungat sa bida o lalaban sa kapwa niya tauhan.

a)

bida

b)

kontrabida

c)

tagasuporta

10.

Ito ang mga pangyayari sa kuwento kung saan magtutunggali ang pangunahing tauhan at ang kanyang mga kalaban.

a)

pasidhi o papataas na pangyayari

b)

kakalasan o pababang pangyayari

c)

kasukdulan

11.

Ito ang pangunahing pangyayari sa kuwento.

a)

simula

b)

papataas na pangyayari

c)

pababang pangyayari

12.

Ang mga pangyayari dito ay nagpapakita kung malulutas o hindi ng pangunahing tauhan ang suliranin.

a)

kasukdulan

b)

papataas na pangyayari

c)

pababang pangyayari

13.

Ito ang pangyayaring pinakamataas ang pananabik at pinakamahalagang bahagi ng kwento.

a)

kasukdulan

b)

papataas na pangyayari

c)

pababang pangyayari

14.

Ito ang huling parte ng kuwento.

a)

simula

b)

gitna

c)

wakas

15.

Ano ang SIMULANG BAHAGI ng kuwentong "Alamat ng Pinya"?

a)

Isang araw, magroong mag-inang nagngangalang Pina at Aling Rosa. Mahal na mahal ni Aling Rosa si Pina.

b)

Nagkasakit si Aling Rosa kaya si Pina na ang dapat gumawa sa gawaing bahay kahit ayaw niya.

c)

Naging pinya si Pina.

16.

Ano ang PAPATAAS NA PANGYAYARI sa kuwento tungkol sa Alamat ng Pinya?

a)

Isang araw, magroong mag-inang nagngangalang Pina at Aling Rosa. Mahal na mahal ni Aling Rosa si Pina.

b)

Nagkasakit si Aling Rosa kaya si Pina na ang dapat gumawa sa gawaing bahay kahit ayaw niya.

c)

Naging pinya si Pina.

17.

Ano ang KASUKDULAN base sa kuwento?

a)

Nagkasakit si Aling Rosa kaya napilitan si Pina na gawin ang mga gawaing bahay.

b)

Habang nagluluto si Pina, hindi niya makita ang sandok. Sinabihan siya ni Aling Rosa na "Sana'y magkaroon ka ng maraming mata para makita mo ang iyong hinahanap."

c)

Inalagaan ni Aling Rosa ang Pinya tulad ng kanyang pagmamahal sa kanyang anak na si Pina.

18.

Ano ang PABABANG PANGYAYARI sa kuwento?

a)

Hinanap ni Pina ang sandok sa labas ng bahay. Hindi na siya nakabalik pa.

b)

Mahal na mahal ni Aling Rosa si Pina kaya ayaw niya itong gumawa ng mga gawaing bahay.

c)

Naging pinya si Pina.

19.

Ano ang WAKAS ng kuwento?

a)

Nakita ni Aling Rosa ang isang prutas, pinangalanan nya itong Pinya, at inalagaan ito.

b)

Nagkasakit si Aling Rosa.

c)

Natutong magluto si Pina. Ngunit isang araw, hindi niya makita ang sandok.

20.

Ano ang ARAL na mapupulot sa kuwento?

a)

Maging responsableng anak at matutong gumawa ng mga gawaing bahay.

b)

Huwag maging tamad para hindi maging pinya.

c)

Huwag hanapin ang isang bagay.