NEW
Font size
Worksheets1st_Assessment Araling Panlipunan 4
Total questions: 40
Worksheet time: 39mins
Ano sa mga sumusunod na bansa ang kapuluan o archipelago?
a. Pilipinas
b. China
c. India
d. Vatican
Ito ang itinuturing na pangunahing yaman ng bansa.
a. Teritoryo
b. Pamahalaan
c. Mamamayan
d. Soberanya
Anong bansa ang nasa hilaga ng Pilipinas?
a. China
b. Indonesia
c. Vietnam
d. Taiwan
Ito ang anyong tubig na matatagpuan sa silangan ng Pilipinas.
a. Dagat Celebes
b. Karagatang Pasipiko
c. Dagat Sulu
d. Dagat Kanluran ng Pilipinas
Anong tawag sa paglalarawan sa isang lugar batay sa relasyong kinaroroonan nito sa mga nakapaligid na katubigan at lupain?
a. Absolutong Lokasyon
b. Relatibong Lokasyon
c. Mapang Lokasyon
d. Kapit na Lokasyon
Saang direksyon matatagpuan ang bansang China mula sa Pilipinas?
a. Hilagang kaluran
b. Hilagang silangan
c. Timog kanluran
d. Timog silangan
Saang direksyon matatagpuan ang bansang Malaysia at Brunei mula sa Pilipinas?
a. Hilagang kaluran
b. Hilagang silangan
c. Timog kanluran
d. Timog silangan
Anong tawag sa paglalarawan ng tiyak na kinaroroonan ng lugar sa mundo na ginagamitan ng mga likhang isip na guhit sa mapa at globo?
a. Absolutong Lokasyon
b. Relatibong Lokasyon
c. Mapang Lokasyon
d. Kapit na Loakasyon
Ang pulong ito ang nasa pinaka hilangang dulo ng Pilipinas.
a. Saluag
b. Palawan
c. Y'Ami
d. Butuan
Saang lalawigan matatagpuan ang Bundok Apo na itinuring na painakamataas na bundok sa Pilipinas?
a. Tarlac
b. Bicol
c. Davao
d. Bohol
Alin sa mga sumusunod ang hindi pangalan ng anyong tubig?
a. Rio Grande de Cagayan
b. Manila Bay
c. Lawa ng Laguna
d. Sierra Madre
Ito ay anyong lupa na nakausli sa anyong tubig at napapaligiran ng tubig ang tatlong sulok nito.
a. Talampas
b. Kapuluan
c. Tangway
d. Pulo
Alin sa mga sumusnod ang halimbawa ng talampas?
Gitnang Luzon
Tagaytay
Baguio
Makati
Saang lalawigan matatagpuan ang isla ng Boracay na itinuturing na pinakamagandang isla sa buong mundo?
a. Bukidnon
b. Batanes
c. Aklan
d. Palawan
Alin sa mga sumusunod na yamang mineral ang hindi matatagpuan sa Pilipinas?
a. Ginto
b. Marmol
c. Diamond
d. langis
Ito ay likas na yamang makukuha sa mga anyong tubig.
a. Yamang Tubig
b. Yamang Lupa
c. Yamang Tao
d. Yamang mineral
Ang narra, molave, tamaraw, at agila ay halimbawa ng anong likas na yaman?
a. Yamang gubat
b. Yamang tubig
c. Yamang tao
d. Yamang lupa
Ito ang itinuring na pangunahing yaman ng bansa sapagkat ito ang naglilinang ng iba pang likas na yaman.
a. Yamang gubat
b. Yamang tubig
c. Yamang tao
d. Yamang lupa
Gaano na katagal na nakatayo ang Banaue Rice Terraces kaya't kinilala ito ng UNESCO bilang world heritage site?
a. 20 taon
b. 200 taon
c. 2,000 taon
d. 20,000 taon
Alin sa mga sumusunod na pook-pasyalan ang kabilang sa Seven Wonders of Nature dahil sa ganda nito?
a. Hinatutuan Enchanted River
b. Puerto Prinsesa Underground River
c. Siargao
d. Boracay
Lugar ito kung saan matatagpuan ang 75% ng mga aktibong bulkan sa buong mundo.
a. Coral Triangle
b. Typhoon Belt
c. Pcific Ocean
d. Pacific Ring of Fire
Anong tawag sa inaasahang lindol sa Metro Manila na tinatayang aabot sa magnitude 7.2?
a. The Big Bang
b. The Big Benn
c. The Big Owl
d. The Big One
Bakit mahalaga ang Coral Triangel?
a. Mahalaga ito sapagkat dito nagmumula ang tubig na ating iniinom.
b. Mahalaga ito sapagkat ito ang sentro ng saring buhay sa dagat na pinagkukunan ng mga isdang pagakain
c. Mahalaga ito sapagkat ito ang humarang sa mga bagyong nagmumula sa karagatang pasipiko.
d. Mahalaga ito sapagkat ito pinagkukunan ng mga yamang mineral tulad ng langis.
Paano nakatutulong sa atin ang PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology?
a. Nakatutulong ito sa pagkat sila ang nagbabantay sa mga bagyong pumapasok sa ating bansa upang bigyan tayo ng babala.
b. Nakatutulong ito sa pagkat sila ang nagbabantay sa mga paggalaw ng ng mga tectonics plate at aktibidad ng mga bulkan upang bigyan tayo ng babala.
c. Nakatutulong ito sa pagkat sila ang nagbabantay sa mga ilegal na minahan na nakasisira sa ating kalikasan.
d. Nakatutulong ito sa pagkat sila ang nagbabantay sa mga dayuhang fishing vessels na kumukuha sa ating mga yamang dagat.
Paano nakilala ang Mt. Pinatubo sa buong daigdig?
a. Dahil sa perpektong hugis nito.
b. Dahil sa ito ang pinakamaliit na bulkan.
c. Dahil ito ay maiba't-ibang kulay.
d. Dahil sa pagsabog nito noong 1991 na pinakamalakas na pagsabog ng bulkang naitala sa kasaysayan.
Bakit maraming aktibong bulkan sa Pilipinas? Ano ang angkop na paliwanag para dito?
a. Maraming aktibong bulkan sa Pilipinasa sapagkat matatagpuan ito sa Pacific Ring of Fire
b. Maraming aktibong bulkan sa Pilipinasa sapagkat matatagpuan ito sa Coral Triangle
c. Maraming aktibong bulkan sa Pilipinasa sapagkat matatagpuan ito sa Typhoon Belt
d. Maraming aktibong bulkan sa Pilipinasa sapagkat matatagpuan ito sa Pacific Ocean
Paano naging mahalaga ang pamahalaan sa isang bansa?
a. Mahalaga ito sapagkat ito ang namamahala at namumuno para sa kaunlaran at kapayapaan sa bansa.
b. Mahalaga ito sapagkat ito ang mga manggagawa sa bansa na siyang nagpapaunlad dito.
c. Mahalaga ito sapagkat ito ang nagsasaad ng nasasakupan at hangganan ng bansa.
d. Mahalaga ito sapagkat hinahadlangan nito ang panghihimasok o pangngailam ng ibang bansa sa Pilipinas.
Bilang isang Pilipino paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa ating bansa?
a. Bibili ako ng mga produkto mula sa ibang bansa at ipapamigay sa aking mga kakilala
b. Bibili ako ng mga produktong gawa sa ating bansa at ipamimigay ko sa mga banyaga.
c. Manonood ako ng mga palabas mula sa ibang bansa sapagkat mas maganda ito.
d. Pupunta ako sa iabang bansa upang mamasyal sapagkat maganda ang mga pasyalan doon.
Bakit mahalaga ang bulubundukin ng Sierra Madre higit na sa mga taga Luzon?
a. Mahalaga ito sapagkat dito nagmumula ang tubig na ating iniinom.
b. Mahalaga ito sapagkat ito ang sentro ng saring buhay sa dagat na pinagkukunan ng mga isdang pagakain
c. Mahalaga ito sapagkat ito ang humarang sa mga bagyong nagmumula sa karagatang pasipiko.
d. Mahalaga ito sapagkat ito pinagkukunan ng mga yamang mineral tulad ng langis.
Bilang mag-aral ano ang pinakamagagawa mo upang mapangalaan ang mga likas na yaman sa ating bansa?
a. Magtatapon ako ng basura sa kalsada dahil walang makakita.
b. Magsasayang ako ng papel dahil madami naman kaming pambili.
c. Magtitipid ako sa paggamit ng papel upang mabawasan na ang pagputol ng mga puno na ginagamit sa paggawa nito.
d. Hindi ako magmimina ng mga yamang mineral upang maiwasan ang pagkasira ng mga likas na yaman.
Horse shoe o sapatos ng kabayo ang hugis ng Pacific Ring of Fire.
TAMA
MALI
Ang mga isla ng Scarborough Shoal at Spratly Islands ay nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas.
TAMA
MALI
Isang halimbawa ng dagat ay ang Boracay.
TAMA
MALI
Ang yamang mineral gaya ng ginto, langis at marmol ay napapalitan kaya hindi dapat magtipid sa paggamit nito.
TAMA
MALI
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Typhoon belt kung saan nabubuo ang pinakamalalakas na bagyo sa buong daigdig at ang bayong Yolanda ang isa sa mga katibayan nito.
TAMA
MALI
Ang sa pagkuha ng absulutong lokasyon kailangang ibigay ang mga karatig na anyong lupa at anyong tubig nito upang matanto ang lokasyon nito.
TAMA
MALI
Ang panghihimasok ng mga Chinese Vessels sa ating teritoryong pandagat ay hindi tama sapagkat ito ay lumalabag sa soberanya ng bansa.
TAMA
MALI
Ang bulkang Mayon ay isa sa ipinagmamalaking tanawin sa ating bansa dahil sa perpektong higis nito na tanyag sa buong daigdig.
TAMA
MALI
Ang tao o mamayan ay maituturing na yaman isang bansa.
TAMA
MALI
Ang hindi aktibong bulkan ay maari paring sumabog kahit na hindi ito naputok sa loob ng mahabang panahon.
TAMA
MALI
