wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP10 INTERVENTION PRE TEST

Total questions: 35

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay proseso kung saan malinaw na nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay.

a)

A. mabuting pagpapasiya

b)

B. matalinong paghuhusga

c)

C. masusing pag-iisip

d)

D. malalim na pagninilay

2.

Sa mga isinasagawang pagpapasiya, ito ay nararapat na bigyan ng sapat na _______________.

a)

a. panahon

b)

b. lakas

c)

c. pag-iisip

d)

d. kilos

3.

Ito ang pinakamabisang paraan upang malaman natin kung ano ang magandang plano ng Diyos sa atin.

a)

a. pananalangin

b)

b. pagninilay

c)

c. pagsisimba

d)

d. pamamanata

4.

Siya ang nagsabi na mula ng magkaroon ng isip ang tao hanggang kamatayan ay gumagawa siya ng pagpapasya.

a)

a. Aristoteles

b)

b. Sto. Tomas de Aquino

c)

c. Socrates

d)

d. Fr. Neil Sevilla

5.

Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang idudulot ng ating mga pasiya?

a)

a. dahil magdudulot ito ng kasigurohan sa kaniyang pagpili

b)

b. dahil maaaring marami ang maapektuhan ng iyong desisyon

c)

c. dahil magsisilbing gabay sa pang-araw-araw na buhay

d)

d. dahil bawat kilos ay may dahilan, batayan at pananagutan

6.

Bakit kailangang hindi minamadali ang pagpapasiya ng isang tao?

a)

a. upang magsilbing gabay sa buhay

b)

b. upang mapagnilayan niyang mabuti ang bawat panig ng kaniyang pagpipilian

c)

c. upang magkaroon ng mahabang oras ng pagpapahinga at pagkokondisyon

d)

d. upang matapos muna niya ang kaniyang mga gawain bago magpasiya

7.

Alin sa sumusunod ang unang hakbang sa moral na pagpapasiya?

a)

a. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos.

b)

b. Tingnan ang kalooban.

c)

c. Magkalap ng patunay.

d)

d. Isaisip ang mga posibilidad.

8.

Kung sa iyong pagpapasiya ay naghahanap ka ng mga tao o impormasyong

makakapagbigay sa iyo ng inspirasyong makagawa ng tamang desisyon, anong

bahagi ng hakbang sa moral na pagpapasiya ang ginagawa mo?

a)

a. Isinasaisip ang posibilidad.

b)

b. Magkalap ng patunay.

c)

c. Maghanap ng ibang kaalaman.

d)

d. Magsagawa ng pasiya.

9.

Sa tuwing haharap si Anna sa mga mabibigat na pagsubok at kailangang magpasiya, lagi niyang itinatanong sa kaniyang sarili kung magiging masaya ba siya sa kalalabasan nito. Anong hakbang sa moral na pagpapasiya ang tinutukoy ng ginagawa ni Anna.

a)

a. Isinasaisip ang posibilidad.

b)

b. Tingnan ang kalooban.

c)

c. Maghanap ng ibang kaalaman.

d)

d. Magsagawa ng pasiya.

10.

Ito ang pinakahuling hakbang sa paggawa ng pasiya.

a)

a. Isinasaisip ang posibilidad.

b)

b. Magkalap ng patunay.

c)

c. Magtiwala sa tulong ng Diyos.

d)

d. Magsagawa ng pasiya.

11.

Sa pagkakataong nahaharap si Romelyn sa paggawa ng mabigat na desisyon,

lagi niyang tinatanong sa sarili kung ito ba ang nais ng Diyos para sa kaniya at kung naaayon ba ito sa Kaniyang kautusan. Anong hakbang ito sa moral na pagpapasiya?

a)

a. Isinasaisip ang posibilidad.

b)

b. Magkalap ng patunay.

c)

c. Maghanap ng ibang kaalaman.

d)

d. Magtiwala sa tulong Diyos.

12.

Nakapulot ng cellphone ang magkaibigang Let at Beth. Sabi ni Let na huwag ng ibalik ang cellphone sa may-ari dahil wala namang nakakita sa kanila nang mapulot nila ito. Magagamit din daw nila ito sa online classes. Pinag-isipang mabuti ni Beth kung tama ba o mali ang kanilang gagawin at ang magiging epekto nito sa kanila at sa taong nawalan ng cellphone. Anong proseso ng moral na pagpapasiya ang ginamit ni Beth?

a)

a. Isinasaisip ang posibilidad.

b)

b. Magkalap ng patunay.

c)

c. Maghanap ng ibang kaalaman.

d)

d. Magsagawa ng pasiya.

13.

Dahil sa pandemya, marami ang nawalan ng hanapbuhay. Isa na roon si Jose. Hindi pa rin nila nakukuha ang ayudang galing sa barangay. Isang araw, nagpunta si Jose sa tindahan ng mga karne. Dahil sa gutom at awa na rin sa kaniyang asawa at anak, pasikretong kumuha ng isang plastic ng hotdog at tapa si Jose. Kung kayo si Jose, gagawin n’yo rin ba ang kaniyang ginawa?

a)

a. Oo dahil kawawa naman ang aking anak.

b)

b. Oo, dahil mabuti naman ang aking layunin, nagawa ko iyon para di magutom ang aking anak.

c)

c. Hindi, magpupunta ako ng barangay para hingin ang aming ayuda.

d)

d. Hindi, dahil masama ang magnakaw at marami pang pwedeng gawin para kumita ng pera.

14.

Nais ni Ramon na mapasama sa Top Ten ng kanilang klase upang mapasaya ang kaniyang mga magulang na doble-kayod sa paghahanapbuhay para sa kaniyang pag-aaral. Kaya naman, palagi siyang nag-aaral ng kaniyang mga aralin. Subalit hindi nakapag-aral ng leksyon si Ramon dahil nagkasakit ang kaniyang ina at may pagsusulit kinabukasan. Ano ang dapat gawin ni Ramon?

a)

a. Kumopya sa kaklase upang makapasa, minsan mo lang naman ito gagawin.

b)

b. Sagutin ang pagsusulit ng ayon sa kakayahan, ayos lang na bumagsak naging tapat ka naman.

c)

c. Sagutin ang pagsusulit ng ayon sa kakayahan at bumawi na lamang sa mga susunod na pagsusulit.

d)

d. Magsabi sa guro na nagkasakit ang iyong ina at di na nakapag-aral ng leksiyon at kung maaari kang kumuha ng pagsusulit sa ibang araw.

15.

Inaya si Lyn ng kaniyang mga kamag-aral na mag-night swimming. Sinabi nila na ang ipagpapaalam sa magulang ay may tatapusin kayong proyekto na dapat ipasa kinabukasan. Kung ikaw si Lyn, sasama ka ba o hindi?

a)

a. Sasama ako, minsan lang naman at kasama ko naman ang aking mga kaibigan.

b)

b. Sasama ako at mangangako sa sariling di na uulitin.

c)

c. Hindi ako sasama, maaari akong magkasakit pag naligo sa gabi.

d)

d. Hindi ako sasama, hindi maganda ang magsinungaling.

16.

Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?

a)

Mag-isip

b)

Makaunawa

c)

Maghusga

d)

Mangatuwiran

17.

“Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maipluwensiyahan ang kilos-loob.” Ano ang kahulugan nito?

a)

walang sariling paninindigan ang kilos-loob

b)

nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip

c)

kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti

d)

hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito

18.

Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?

a)

Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama

b)

Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip

c)

Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip

d)

Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid dito

19.

Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa

a)

kakayahang mag-abstraksiyon

b)

kamalayan sa sarili

c)

pamamalasakit

d)

pagmamahal

20.

Ang malayang kaisipan ay naipamamalas ng bawat isa kung siya ay ______.

a)

Malayang nakapagpapahag ng kanyang sa mga sallobin ng walang hadlang mula sa mga taong nakapaligid sa kanya.

b)

Sumasangguni sa kanyang kabiyak kung siya ay taong may pamilya na.

c)

Sumasangguni sa kanyang mga magulang para ito ang magpasya para sa kanya

d)

Gumamit ng media at iba pang pamamaraan upang maging batayan ng kanyang pagpapasya

21.

Panloob na pandama na may kakayahang lumikha ng larawan sa kanyang isip at palawakin ito.

a)

Kamalayan

b)

Memorya

c)

Imahinasyon

d)

Instict

22.

Panloob na pandama na may kakayahang kilalanin at alalahanin ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob.

a)

Memorya

b)

Imahinasyon

c)

Instict

d)

Kamalayan

23.

Makatuwirang pagkagusto (rational appetency) sapagkat ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.

a)

Likas na Batas Moral

b)

Kilos-loob

c)

Batas

d)

Isip

24.

Ang hayop ay may kamalayan sa kaniyang kapaligiran dahil may matalas itong kakayahan upang kilalanin ang bagay na nakikita, tunog, o amoy ng kaniyang paligid lalo na kung ito ay may kaugnayan sa kaniyang buhay. Mayroon din itong pakiramdam sa kung ano ang mabuti at masama para sa kaniyang kabutihan o kapakanan. Mula sa mga pahayag para saan ang kakayahang ito ng hayop?

a)

kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila

b)

ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kaniyang sarili

c)

mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito

d)

upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao

25.

Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito. 1. Bakit kaya ni Rona na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?

a)

ang tao ay may kamalayan sa sarili

b)

malaya ang taong pumili o hindi pumili

c)

may kakayahan ang taong mangatwiran

d)

may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon

26.

Magsuot ng damit sa klase na nakikita ang pusod dahil uso ngayon

a)

Tama

b)

Mali

27.

Isulat ang nais ipahayag sa gusali ng paaralan.

a)

Tama

b)

Mali

28.

Ang pagsasabi ng katotohanan ay nagpapasaya sa damdamin.

a)

Tama

b)

Mali

29.

Hindi sumamang magtanan si Mariel kahit na mahal na mahal niya ang kasintahan.

a)

Tama

b)

Mali

30.

Alam mong pwedeng ulitin ang isang asignatura sa darating na pasukan kaya hindi ka na pumasok pagkatapos ng ikatlong pagsusulit.

a)

Tama

b)

Mali

31.

Pinagsabihan mo ng masasakit na salita ang iyong kaibigan dahil sa sobrang galit.

a)

Tama

b)

Mali

32.

Ang pagsigaw at paghalakhak ng malakas habang nanonood sa isang pagtanghal ay pagpapakitang maganda ang pinanonood.

a)

Tama

b)

Mali

33.

Kapatid ng nanay mo ang kahera ng paaralan, pumipila ka upang magbayad.

a)

Tama

b)

Mali

34.

Bilang isang miyembro ng isang samahan sa iyong paaralan, sumama kang pumunta sa iyong punongguro upang magsumbong na hindi naglilinis ang ibang mag-aaral kung eskedyul nila.

a)

Tama

b)

Mali

35.

Binuksan mo ang sulat ng ate mo upang malaman kung sino ang sumusulat sa kanya.

a)

Tama

b)

Mali