wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kontemporaryo Rebyu # 3

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod na grupo ng mga pahayag ang HINDI tumutukoy sa Kontemporaryong Isyu?

a)

A. Ang KONTEMPORARYONG ISYU ay tumutukoy sa iba’t ibang hamon o problema na hinaharap ng ating lipunan at ng

daigdig sa kasalukuyan

b)

B. Ang KONTEMPORARYONG ISYU AY tumutukoy sa mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at

nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon.

c)

C. Ang KONTEMPORARYONG ISYU AY tumutukoy sa mga pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at

nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon.

d)

D. Ang KONTEMPORARYONG ISYU ay mahusay na tagapagpalaganap ng fake news sa ating lipunan

2.

Ang pinakamalaking bahagdan ng basura sa ating bansa ay nagmumula sa ____________?

a)

A. residensyal o tahanan

b)

B. industriyal

c)

C. institusyunal

d)

D. komersya

3.

Ang polusyon ay isang suliraning pangkapaligiran na nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng maraming tao, bilang mag-

aaral paano ka makatutulong upang maiwasan ang polusyon?

a)

A. Pakikilahok sa mga gawain ng komunidad

b)

B. Pagtatanim ng mga puno at halaman

c)

C. Pagtulong sa mga gawaing bahay

d)

D. Wastong pagtatapon ng basura

4.

Ang pamilya ni Mang Berting ay bagong lipat sa Pampanga, upang matiyak niya kung ang kanilang lugar na nilipatan ay

ligtas sa anumang peligro ay humingi siya ng Geohazard Map sa DENR. Ano ang naibibigay na kabutihan ng Geohazard

map?

a)

A. Natutukoy ang mga magagandang tanawin na maaaring pasyalan

b)

B. Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga lugar na madaling tamaan ng mga kalamidad

c)

C. Nagbibigay ng mga pangalan ng bundok na maaaring sumabog anumang oras

d)

D. Nagbibigay ng babala kung gaano kalakas ang mga parating na bagyo

5.

Maraming dahilan kung bakit hindi natatapos ang problema ng bansa sa usaping basura o hindi tamang pagtatapon ng

basura dulot ng patuloy na kawalan ng disiplina ng ilang mamamayan. Alin sa mga sumusunod na gawain ang HINDI

kabilang sa mga ito?

a)

A. Ang pagtatapon ng basura sa mga kanal , estero, bakanteng lote at maging sa ilog at pampublikong lugar

b)

B. Ang pagsusunog ng mga plastic , gulong at goma sa mga bakuran

c)

C. Ang paggawa ng compost pit at tamang seggragation ng basura

d)

D. Hindi pagreresiklo ng mga basura upang magamit pa sa ibang bagay.

6.

Mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran, maliban sa isa:

a)

A. Makahikayat ng mga dayuhan upang mapataas ang kita ng turismo ng bansa.

b)

B. Nararapat na magtulungan upang masugpo ang mga suliraning pangkapaligiran.

c)

C. Mapanatili ang kaayusan at ang kagandahan ng ating mga likas na yaman.

d)

D. Upang hindi na maglabas ng pondo ang pamahalaan para sa pagpapanatili ng kaayusan ng ating likas na yaman.

7.

Isa sa maituturing na isyung pangkapaligiran ang naranasan sa Abuyog, Leyte nang magkaroon ng malawakang pagguhong lupa o landslide na naging dahilan ng pagkasawi ng maraming pamilya , ito ay nagpapakita ng epekto ng unti-unting

pagkaubos ng mga puno sa kagubutan gawa ng mga illegal logging o pagkakaingin. Alin sa mga sumusunod ang pinaka

MABISA na hakbang ang maari mong gawin upang mapigilan ang suliraning ito?

a)

A. Mag-post sa social media ng mga larawan at ipahayag ang mga saloobin hinggil sa isyung may kinalaman sa kapaligran

upang makakuha ng maraming suporta

b)

B. Sumali sa iba’t ibang programa na may kinalaman sa pagsasaayos at pagpapanatili ng maayos na kapaligiran gaya ng

Clean Up Drive Program at Tree Planting.

c)

C. Batikusin ang pamahalaan at iba’t ibang lider sa mga maling gawain at pagpapahitulot ng pagpuputol ng puno.

d)

D. Magbigay ng tulong gaya ng pagkain , damit at tubig para sa mga biktima ng ganitong uri ng trahedya at suliraning

pangkapaligiran.

8.

Ang sumusunod ay iba’t ibang uri ng kalamidad na maaaring maranasan ng ating bansa, MALIBAN sa isa.

a)

A. Bagyo

b)

B. COVID-19

c)

C. Lindol

d)

D. Pagguho ng lupa

9.

Nagdeklara ang kagawaran na suspendido ang klase sa mababa at mataas na antas ng paaralan dahil ang hanging dala ng bagyo ay nasa 61-100 kph. Ang bagyo ay may typhoon signal na;

a)

A. Typhoon Signal # 1

b)

A. Typhoon Signal # 2

c)

A. Typhoon Signal # 3

d)

A. Typhoon Signal # 4

10.

Alin sa sumusunod na mga gawain ang nararapat na gawin BAGO dumating ang bagyo?

a)

A. Gumawa ng tik-tok para maipaalam ang paparating na bago

b)

B. Mag-ingat sa mga naputol na kawad ng kuryente na nakakalat sa daan.

c)

C. Ipunin ang mga kaibigan at magplano ng mga gawaing makatutulong sa gagawing earthquake drill

d)

D. Maghanda ng emergency kit na naglalaman ng mga kagamitang kakailanganin para sa tatlong araw

11.

Alin sa sumusunod na mga gawain ang pinaka-angkop na gawin HABANG may baha?

a)

A. Ihanda ang inyong emergency kit.

b)

B. Mag-ingat kapag babalik at papasukin ang binahang bahay.

c)

C. Huwag lumusong o tumawid sa baha, ilog, o sapa kapag mabilis ang daloy ng tubig.

d)

D. Ipaalam sa mga kinauukulan ang mga nasirang kawad ng kuryente at tubo ng tubig.

12.

Kung ikaw ay nakaranas na ng hazard o kalamidad tulad ng pagbaha, lindol, o bagyo, ano ang dapat mong gawin pagkatapos ng hazard o kalamidad?

a)

A. Tanggapin ang sinapit at patuloy na umasa sa tulong na ibinibigay ng gobyerno at maging positibo sa buhay.

b)

B. Tanggapin ang sinapit, matuto sa pangyayari at humingi ng tulong sa mga kaibigan at maging positibo sa buhay.

c)

C. Tanggapin ang sinapit, matuto sa pangyayari at sikaping makabangon muli at isaayos ang mga nasirang ari-arian at

maging positibo sa buhay.

d)

D. Tanggapin ang sinapit, lumipat ng lugar na hindi apekto ng hazard.

13.

Sa iyong palagay, ano ang nararapat nating gawin at inaasahan sa atin ng pamahalaan matapos ang kalamidad?

a)

A. Tumulong sa mga nasalanta ng nagdaang kalamidad kahit na ikaw ay napinsala rin.

b)

B. Magpatuloy na lamang sa pagharap sa hamon ng buhay.

c)

C. Alamin kung gaano kalaki ang naging pinsala ng bagyo.

d)

D. Magreklamo sa pamahalaan.

14.

Ito ay malaking alon na resulta ng landslide o debris flow sa ilalim ng tubig buhat sa pagputok ng bulkan.

a)

A. Ash

b)

B. Lahar

c)

C. Seiche

d)

D. Volcanic Tsunami

15.

Ito ay ligtas na lugar kung saan tayo dapat lumikas. Tinatawag itong

a)

A. Evacuation Plan

b)

B. Evacuatiion Floor

c)

C. Evacuation Area

d)

D. Evacuatiion Rules

16.

Ano ang ipina-iiwas sa mga tao sa panahong pagkatapos ng lindol at ikaw ay nasa loob ng gusali.

a)

A. gumamit ng elevator

b)

B. gumamit ng lubid

c)

C. gumamit ng drone

d)

D. gumamit ng megaphone

17.

Habang lumilindol, dumungaw sa bintana at humingi ng tulong.

a)

A. SAFE

b)

B. UNSAFE

18.

Makinig sa radyo o manood ng telebisyon upang malaman ang pinakahuling balita sa mga volcanic o seismic activity.

a)

A. SAFE

b)

B. UNSAFE

19.

Kapag huminto ang pagyanig, lumabas agad sa bahay o gusali.

a)

A. SAFE

b)

B. UNSAFE

20.

Dumaan sa tulay, underpass, tunnel, o flyover kung naramdamang may pagyanig habang nagmamaneho.

a)

A. SAFE

b)

B. UNSAFE