wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP FUN GAME Q1 PT REVIEWER 1

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Anong rehiyon ng Asya kabilang ang bansang Pilipinas ?

a)

Timog Asya

b)

Timog Kanlurang Asya

c)

Timog Hilagang Asya

d)

Timog Silangang Asya

2.

Alin sa mga sumusunod ang tiyak o absolute location ng Pilipinas sa mapa ?

a)

1°32’ at 15°21’ hilagang latitud at 131°00 at 151°10 silangang longhitud

b)

2°43’ at 25°31’ hilagang latitud at 161°00 at 172°12 silangang longhitud

c)

3°23’ at 20°29’ hilagang latitud at 121°14 at 148°25silangang longhitud

d)

4°23’ at 21°25’ hilagang latitud at 116°00 at 127°00 silangang longhitud

3.

Bakit tinawag na arkipelago ang bansang Pilipinas?

a)

Ito ay binubuo ng tatlong malalaking pulo.

b)

Ito ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko.

c)

Ito ay napapalibutan ng mga mayayamang bansa.

d)

Ito ay binubuo ng maliliit at malalaking kapuluan na napapalibutan ng tubig o dagat.

4.

Anong karagatan ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas?

a)

Karagatang Arktiko

b)

Karagatang Pasipiko

c)

Karagatang Indian

d)

Karagatang Atlantiko

5.

Ang mga sumusunod ay mga bansang nakipagkalakalan sa Pilipinas MALIBAN sa isa. Alin dito?

a)

India

b)

Indonesia

c)

Hapon

d)

Tsina

6.

Anong isla ang hinahanap ng mga Europeo na naging daan para matuklasan ang Pilipinas?

a)

Kiribati

b)

Micronesia

c)

Moluccas

d)

D.Palau

7.

Ano mga istrukturang itinayo ng mga Amerikano para gawing sanayan ng mga sundalo at imbakan o arsenal ng mga kagamitang pandigma nila ?

a)

base militar

b)

opisina

c)

paaralan

d)

palaruan

8.

Ang Pilipinas ay sinasabing nasa estratehikong lokasyon.  Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay nito?

a)

Dahil ito ang nag-iisang lugar para sa kalakalan.

b)

Dahil napapalibutan ito ng ibat ibang anyong tubig at ng mga bansang Asyano.

c)

Dahil mainam ang lokasyon nito sa pagdaraos ng mga pandaigdigang pagpupulong.

d)

Dahil ito ay madaling marating gamit ang mga daang riles at tulay mula sa lupalop ng Asya.

9.

Mula noon hanggang ngayon ay marami nang naging usapin hinggil sa legal na pagmamay-ari  ng mga teritorya ng bansa, isa dito ay ang usapin tungkol sa isyu ng _____.

a)

East Philippine Sea

b)

West Philippine Sea

c)

North Philippine Sea

d)

South Philippine Sea

10.

 Isa sa mga dahilan ng ekspedisyon ni Ferdinand Magellan ay maghanap ng ruta papuntang  Moluccas na tinawag ding__________ .

a)

Spice Island

b)

Chili Island

c)

Sweet Island

d)

Space Island

11.

Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng kaugnayan ang lokasyon sa paghubog  ng kasaysayan ng bansa ?

a)

Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging “hospitable”.

b)

Ang mga pinuno ang nagtatakda ng kasaysayan ng bansa

c)

Maunlad ang Pilipinas dahil kabilang siya sa Timog Silangang Asya

d)

Ang Pilipinas ay madaling nasakop ng mga kanluranin ay may kinalaman sa pagiging      isang archipelago nito.

12.

Bakit kilala ang daungan ng Maynila o Pier ng Maynila bilang sentro ng pinakamainam  na daungan sa Asya?

a)

Dahil tanyag sa daigdig ang tanawing makikita mula sa dalampasigan nito.

b)

Dahil maraming matutulis at malalaking bato dito malapit sa dalampasigan.

c)

Dahil malalakas ang alon at hangin dito na angkop sa mga malalaking barko at lahat ng      uri ng sasakyang dagat

d)

Dahil ito ay nasa isang look na nagsisilbing pananggalang sa malalakas na alon at may angkop       na lalim ng tubig

13.

Naging malaki ang epekto ng lokasyon ng Pilipinas sa paghubog ng kasaysayan nito,  ano ang naging negatibong epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino?

a)

Dahil sa mga likas na daungan nito, naging bahagi ng ito ng mga rutang pangkalakalan

b)

Dahil sa estratehikong lokasyon nito, sinakop ito ng mga malalalakas na bansa gaya ng Espanya, Estados Unidos at Hapon.

c)

Dahil sa lokasyon nito na matatagpuan sa sonang tropikal, maraming dayuhan ang nagtungo       dito upang gawing bakasyunan

d)

Dahil sa napapalibutan ng mayamang katubigan ang bansa, maraming dayuhang mangingisda        ang nagkainteres sa mga yamang dagat nito.

14.

Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya o lokasyon ng isang bansa?

a)

Para maging sikat ang isang bansa

b)

Para malaman kung iilan ang naninirahan sa bansa

c)

Para makilala kung sino-sino ang mga kilalang tao sa bansa 

d)

Para maunawaan kung paano nahubog ang iba’t ibang aspeto ng kultura, ekonomiya, pamahalaan at relihiyon ng isang bansa.

15.

Tumutukoy ito sa isang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang konsepto gamit ang  siyentipikong pamamaraan ng pananaliksik ng mga eksperto.

a)

fossil

b)

teorya

c)

kontinente

d)

siyentipiko

16.

Tawag sa malaking masa ng lupa na pinaniniwalaang pinagmulan ng mga kontinente ngayon.

a)

pangaea

b)

bulkan

c)

siyentipiko

d)

kontinente

17.

Tawag sa mga labi ng halaman at hayop na naging bato dahil sa tagal na pagkakabaon sa lupa.

a)

teorya

b)

fossil

c)

pangaea

d)

kontinente

18.

Bahagi ng Pangaea na pinaniniwalaang nagmula ang Pilipinas.

a)

bulkan

b)

kontinente

c)

Laurasia

d)

Gondwanaland

19.

Siyentipikong naniniwala na ang Pilipinas ay nabuo sanhi ng pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.

a)

Harry Hess

b)

Bailey Willis

c)

Alfred Wegener

d)

Ferdinand Magellan

20.

Ang siyentistang nagpanukala ng Teoryang Continental Drift.

a)

Alfred Wegener

b)

Bailey Willis

c)

Harry Hess

d)

Ferdinand Magellan

21.

Ang teorya tungkol sa pagputok ng bulkan sa ilalim ng karagatan.

a)

Teorya ng Bulkanismo

b)

Teorya ng Tectonic Plate

c)

Teorya ng Tulay na Lupa

d)

Teorya ng Continental Drift

22.

Tawag sa bahagi ng mundo na kung saan ay may 452 bulkan at 75% ng mga pinaka aktibo  at dormant na bulkan sa daigdig.

a)

Pasipiko

b)

arkipelago

c)

kontinente

d)

Pacific Ring of Fire

23.

Teorya tungkol sa pagkatunaw ng yelo na bumabalot sa malaking bahagi ng South America  at Europa dahilan upang lumubog ang ilang kalupaan ng mundo at mga tulay na lupa nito.

a)

Teorya ng Bulkanismo

b)

Teorya ng Tectonic Plate

c)

Teorya ng Tulay na Lupa

d)

Teorya ng Continental Drift

24.

Ito ang isang patunay na dating pinagdurugtong ng mga tulay ang mga pulo sa isa’t isa  at ang Pilipinas sa ilang karatig na bansa sa Timog Silangang Asya

a)

Malalim ang mga dagat na nakapaligid sa Pilipinas.

b)

Mababaw ang mga dagat na nakapaligid sa Pilipinas.

c)

Iba – iba ang mga uri ng halaman, puno at hayop sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng Asya.

d)

Magkakatulad ang mga uri ng halaman, puno at hayop sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ng Asya.

25.

Teoryang tungkol sa unti-unting paggalaw ng mga kalupaan mula sa isang supercontinent.

a)

Teorya ng Bulkanismo

b)

Teorya ng Tectonic Plate

c)

Teorya ng Tulay na Lupa

d)

Teorya ng Continental Drift