NEW
Font size
WorksheetsAP6_TERM EXAM
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Sinong bayani noong digmaang Pilipino-Amerikano ang nakilala dahil siya ay isang batang heneral at tinaguriang bayani ng Tirad Pass?
Hen. Emilio Aguinaldo
Hen. Miguel Malvar
Hen. Gregorio Del Pilar
Alin sa mga sumusunod ang HINDI TOTOO kaugnay sa mga layunin ng pagsakop ng Amerika sa ating bansa?
Mapakalat at mapasunod ang mga Pilipino sa relihiyong Hinduismo at Buddhismo
Makapagtatag ng base-militar upang mapangalagaan ang kanilang mga teritoryo sa Asia-Pacific
Gawing kolonya ng Amerika ang Pilipinas na mapagkukunan ng mga hilaw na sangkap.
Si Marga at Cassie ay naatasang gumawa ng pananaliksik kaugnay sa digmaang Pilipino-Amerikano. Alin sa mga sumusunod ang maaari nilang gamiting basehan sa kanilang pananaliksik?
Ang lawak at sakop ng pangongolonya ng Amerika sa ibat-ibang panig ng mundo bukod sa ating bansa
Mga pamamaraan na ginawa ng mga Pilipino upang ipaglaban ang ating bansa .
Ang kabuuang nagastos ng bansang Amerika sa kanilang pangongolonya sa ating bansa
Ang mga mag-aaral ni Gng. Mondragon ay pinagagawa ng poster para sa darating na Filipino-American Friendship Day. Alin sa mga sumusunod ang maaari nilang gamiting inspirasyon sa pagbuo ng poster?
Kung ang pinakamahalagang impluwensiya ng mga Espanyol ay ang Kristiyanismo, ano naman ang pinakamahalagang impluwensiya ng mga Amerikano?
Libreng Edukasyon
Pagdiriwang ng mga Kapistahan
Hinduismo
Ang pananatili ng kalinisan ay isa sa mga impluwensiya ng mga Amerikano sa ating mga Pilipino. Sa panahon ng pandemya bakit mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman kaugnay sa sanitasyon at pangangalaga ng katawan?
Napakahalaga na mayroon tayong sapat na kaalaman kaugnay dito upang may maisagot sa mga pagsusulit
Ang sapat na kaalaman kaugnay sa sanitasyon ay mahalaga para maligo araw-araw.
Mahalaga na mayroon tayong sapat na kaalaman kaugnay sa sanitasyon upang maiwasan natin ang paglaganap ng COVID 19.
Bilang Setonian, sa papaanong paraan mo maipapakita ang pagpapahalaga sa Edukasyon?
Hayaan ang mga kagrupo na gawin ang mga pangkatang gawain at matulog sa tuwing may mga gawain sa breakout room
Maupo at patayin ang camera tuwing Lunes habang tayo ay umaawit ng Lupang Hinirang at nanunumpa sa watawat
Makinig sa mga paalala ng gurong tagapayo at maghanda tuwing may mga parating na mga pagsusulit.
Alin sa mga sumusunod ang maaaring gamitin ni Sir Jhoew na basehan ng islogan na kanyang gagawin kaugnay sa kahalagahan ng edukasyon?
"Mga Pilipino, tunay na matapang! Dakila at mahusay sa lahat ng larangan"
"Mag-aaral na Pilipino; Sabay-sabay na hakbang tungo sa maunlad na kinabukasan"
"Ang di magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda"
Alin sa mga sumusunod ang HINDI impluwensiya ng mga Espanyol?
"Mas pinipili at tinatangilik ng mga Pilipino ang mga produktong banyaga kaysa lokal na produkto ng ating bansa." Aling konsepto ang sinusuportahan ng pangungusap na ito?
Crab Mentality
K-pop Mentality
Colonial Mentality
Alin sa mga sumusunod ang HINDI magandang epekto ng impluwensiya ng mga Amerikano sa ating mga Pilipino?
Mas tinatangkilik ng mga Pilipino ang produktong banyaga kaysa mga produktong gawa ng ating mga kababayan.
Maraming bilang ng mga kabataan ang nakapasok sa mga paaralan.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan na pumasok at makatanggap ng pormal na edukasyon.
Ano ang tawag sa mga produktong mula sa ibang bansa na nabibili sa mga lokal na merkado/tindahan sa ating bansa?
Imported
Exported
Produktong Lokal
Si Roberto ay pupunta ng Amerika, nagdala siya ng Sinigang Mix, Magic Sarap at mga candy na sampaloc at langka para sa kanyang pamilya at kaibigan. Anong katangian ng mga Pilipino ang ipinakita ni Henry sa sitwasyong ito?
Pinagkakakitaan ng mga Pilipino ang ating sariling kultura kaya ito ay kanilang pinananatili kahit sila ay nasa ibang bansa na.
Likas sa ating mga Pilipino ang may pagpapahalaga at pagmamahal sa ating kulturang kinalakihan kung kaya kahit tayo ay nasa ibang bansa na, atin pa rin ito inaalala.
Ang mga Pilipino ay mas pinipili ang bagong kultura at kinalilimutan ang kulturang kanilang kinalakihan.
Humihina na ang industriya ng banig sa ating bansa. Bilang isang mag-aaral, sa papaanong paraan natin mabubuhay ang industriyang ito sa ating bansa?
Gumawa ng FB Page na magpapakita ng ganda at gamit ng banig ng sa gayon ay magkaroon ng kaalaman ang mga Pilipino kaugnay dito.
Hikayatin ang mga kakilala na bilhin ang mga carpet kaysa sa banig dahil mas matibay ito.
Sapilitang ibenta sa mga kakilala at presyuhan sa pinakamataas na halaga.
Si Romina ay nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa susunod na linggo. Sa papaanong paraan kaya siya makatutulong upang mas tangkilikin ang mga lokal na produkto?
Humingi ng imported at mamahaling regalo sa mga bisita.
Umorder ng pizza at burger sa mga kilalang mga fast foods para sa mga bisita.
Suportahan ang mga kakilala na nagtitinda ng pagkain online at umorder sa kanila ng panghanda para sa mga bisita.
Sa papaanong paraan natin mas mahihikayat ang mga Pilipino na tangkilikin ang mga lokal na produkto?
Laging mamili sa online shops tulad ng shoppee at lazada.
Paunlarin ang kalidad ng mga Pilipinong proudukto at hikayatin ang mga kababayan na bumili nito.
Gumawa ng review vlog kaugnay sa mga bagong gamit na ipinadala sa iyo ng iyong tita na nasa America.
Sa larangan ng Agham at Teknolohiya, sa papaanong paraan ipinakita ng mga Amerikano ang kanilang suporta sa mga Pilipino?
Ipinagpatuloy ang pagtuturo ng relihiyon at katekismo sa mga paaralang sakop ng Parokya.
Maraming bilang ng mga mag-aaral na kinakitaan ng husay ang ipinadala sa Amerika upang magsaliksik at bumuo ng kanilang mga imbensyon.
Pinanatili ng mga Amerikano ang mga kamaparaanan ng mga Espanyol sa larangan ng edukasyon.
Alin sa mga ito ang HINDI kabilang sa impluwensiya ng mga Amerikano sa ating bansa?
Pagpapatupad ng Encomienda at paniningil ng tributo para sa mga magsasaka
Pagkakaroon ng mga makabagong kagamitan sa pagluluto tulad ng rice cooker at oven toaster
Pagkakaroon ng mga makabagong kagamitan sa pagluluto tulad ng rice cooker at oven toaster
Ang Patakarang Pasipikasyon ay ipinatupad upang mabuwag ang mga grupo ng mga nasyonalista/rebelde na nais lumaban sa mga Amerikano noong panahon ng kanilang pangongolonya sa ating bansa.
TAMA
MALI
Ninanais ng _______________ na magkaroon ng kakayahan ang Pilipinas na makapamahala sa sarili nitong bansa sa tulong at gabay ng bansang Amerika.
Patakarang Ko-optasyon
Patakarang Pasipikasyon
Benevolent Assimilation
Ang _____________________ ay ipinatupad ng mga Amerikano na naglalayong ipakilala sa mga Pilipino ang kultura at makasiguro ng katapatan para sa kanila.
Patakarang Pasipikasyon
Patakarang Homestead
Patakarang Ko-Optasyon
Sino ang naging pangulo ng pamahalaang komonwelt sa ating bansa?
Manuel L. Quezon
Emilio Aguinaldo
Sergio Osmena
Sa talakayan sa Filipino, ipinaliwanag ni Gng. Mondragon ang kahalagahan ng wika. Alin sa mga pangungusap na ito ang bahagi ng kanyang pagpapaliwanag?
Dahil sa wika, ang mga Pilipino ay lalong nawalan ng tiwala sa isat-isa.
Dahil sa wika, nagkaroon ng mas malalim na ugnayan at pagkakaunawaan ang mga Pilipino.
Dahil sa wika, maraming mga Pilipino ang piniling manirahan sa ibang bansa
Bilang isang lider, papaano mo haharapin ang mga suliranin na iyong kakaharapin sa ilalim ng iyong pamumuno?
Hihingi ng tulong mula sa mga eksperto at mananaliksik ng mga tama at maayos na hakbang upang solusyunan ang mga problema
Hahayaan na lamang ang problema at hihintayin ang susunod na lider upang bigyang solusyon ito.
Hahayaan na lamang ang mga suliranin dahil makakalimutan din ito ng mga tao.
Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng pagpapatupad ng eight-hour labor law sa mga mangagawang Pilipino?
Nagkaroon ng institusyong kumakatawan sa lahat ng mga mamamayan sa ating bansa at nagkaroon ng mas maayos na sistema ang ating pamahalaan.
Naproteksyunan ang kapakanan ng mga manggawa upang maiwasan ang pang-aabuso sa oras ng kanilang paghahapbuhay.
Maraming mga magsasaka ang nagkaroon ng sariling lupa na nakatulong upang mapabuti ang kalagayan ng kanilang pamumuhay.
