wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Tayutay

Total questions: 15

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ang PAGTUTULAD ay naghahambing ng dalawang tao, bagay, o pangyayari gamit ang mga salitang parang, tulad ng, kawangis ng, kagaya ng, animo, mistulang, at iba pa.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

Alin ang sa mga pangungusap ang hindi kabilang sa pagwawangis?

a)

Si Jeremy ay maamong tupa sa kanyang mga magulang.

b)

Tila may daga sa dibdib si Alison habang umaawit sa entablado.

c)

Si Juan ay isang ibong naghahanap ng kalayaan.

3.

Sa tayutay na ito, ang mga walang buhay ay binibigyang katangian at gawi na pantao lamang.

a)

PAGTUTULAD

b)

PAGWAWANGIS

c)

PAGMAMALABIS

d)

PAGSASATAO

4.

Nahiya ang buwan kaya naman nagtago ito sa ulap. Anong tayutay ang ginamit sa pangungusap?

a)

PAGTUTULAD

b)

PAGWAWANGIS

c)

PAGMAMALABIS

d)

PAGSASATAO

5.

Sa uri ng tayutay na ito, ang pangyayari sa tao, bagay, o lugar ay inilalahad sa pamamagitan ng eksaherasyon.

a)

PAGTUTULAD

b)

PAGWAWANGIS

c)

PAGMAMALABIS

d)

PAGSASATAO

6.

Alin ang halimbawa ng pagsasatao?

a)

Umiiyak ang puso ko't sumisigaw.

b)

Susungkitin ko ang mga tala para sa iyo.

7.

Alin ang hindi kabilang sa mga pangungusap?

a)

Kitang-kita ko kung paano umusok ang ilong ng kanyang ina sa galit.

b)

Halos gumapang na ako sa haba ng ating nilakad.

c)

Tinik ng lalamunan ko ang katahimikan mo.

8.

Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin. Anong tayutay ang ginamit sa pangungusap?

a)

PAGTUTULAD

b)

PAGWAWANGIS

c)

PAGSASATAO

d)

PAGMAMALABIS

9.

Ang ama ni Solomon ay leon sa bagsik. Ang pangungusap ay halimbawa ng?

a)

PAGSASATAO

b)

PAGTUTULAD

c)

PAGWAWANGIS

d)

PAGMAMALABIS

10.

Napangiti ang langit sa iyong pagdating. Anong tayutay ang ginamit sa pahagay?

a)

PAGSASATAO

b)

PAGWAWANGIS

c)

PAGMAMALABIS

d)

PAGTUTULAD

11.

Ang iyong mga mata ay mistulang bituing maningning.

a)

PAGSASATAO

b)

PAGTUTULAD

c)

PAGWAWANGIS

d)

PAGMAMALABIS

12.

Ang pagmamahal ko sa iyo ay singlalmin ng karagatan.

a)

PAGSASATAO

b)

PAGMAMALABIS

c)

PAGTUTULAD

d)

PAGWAWANGIS

13.

Ang kanyang minamahal ay ilaw na nagbigay-liwanag sa kanyang buhay.

a)

PAGTUTULAD

b)

PAGWAWANGIS

14.

Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.

a)

PAGSASATAO

b)

PAGWAWANGIS

c)

PAGTUTULAD

d)

PAGMAMALABIS

15.

Alin sa mga pangungusap ang hindi ginamitan ng Tayutay?

a)

Siya’y langit na di kayang abutin nino man.

b)

Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.

c)

Siya ay kilala sa pagiging masigasig na mag-aaral.

d)

Sinalubong ako ng malamig na hangin.