NEW
Font size
WorksheetsAP FUN GAME Q1 PT REVIEWER 2
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ayon sa teoryang ito, dating pinagdurugtong ng mga tulay na lupa ang mga pulo ng Pilipinas sa isa’t isa.
Teorya ng Bulkanismo
Teorya ng Tectonic Plate
Teorya ng Tulay na Lupa
Teorya ng Continental Drift
Ang mga sumusunod ay mga paniniwalang pinagmulan ng Pilipinas.
Alin sa mga ito ang paniniwalang pangrelihiyon na sinasabing pinagmulan ng Pilipinas?
Magkakaugnay ang mga kontinente sa isang malaking kontinente.
Nabuo ang Pilipinas dahil sa pagputok ng bulkan sa ilalim ng karagatan.
Isang makapangyarihang manlilikha ang gumawa ng daigdig na kung saan ang Pilipinas ay nabibilang.
Ang Pilipinas ay bunga ng pagtaas ng lebel ng tubig sa karagatan at natabunan ang mga tulay na lupang nag-uugnay sa mga kapuluan
Ayon sa teoryang Austronesian Migration, ang tunay na pinagmulan ng lahing Pilipino ay ang Austronesian. Ito ay isinulong ni ___________________.
Dr. Bailey Willis
Peter Bellwood
Dr. Henry O. Beyer
Robert Fox
Teoryang nagsasabi na ang mga Pilipino ay nagmula sa malaking pangkat ng mga sinaunang tao sa Timog Silangang Asya at ang pagtuklas ng mga labi sa Lipuun Point sa Palawan ay ang __________ .
Teorya ng Core Population
Teorya ng Austronesian Migration
Teorya ng Wave Migration
Teorya ng Bulkanismo
Sino ang antropologong nag-aral sa pinagmulan ng lahing Pilipino gamit ang Teorya ng Pandarayuhan o Wave Migration Theory ?
Dr. Henry Otley Beyer
Prof. Felipe Landa Jocano
Dr. Bailey Willis
Alfred Wegener
Batay sa pag-aaral ni Prof. Felipe Landa Jocano, ito ang pinagmulan ng ating lahi. Nakita ang mga labi nito sa kweba ng Tabon sa Palawan.
Taong Tabon
Taong Mangyan
Taong Kuweba
Taong Bato
Ang mga ________ na natuklasan sa Peñablanca, Cagayan ang sinasabing mas naunang nanirahan sa Pilipinas kaysa sa taong Tabon .
Taong Cagayan
Taong Callao
Taong Tabon
Taong Kweba
Ang alamat o kwentong bayan na nagpapaliwanag kung saan nanggaling ang sinaunang lahing Pilipino.
Alamat ng Panay
Alamat ni Maria Makiling
Si Malakas at Si Maganda
Alamat ng Karagatan
Ang mga pangkat ng tao na unang nandarayuhan sa Pilipinas ayon sa Teorya ng Wave Migration ayon kay Dr. Henry Otley Beyer ay ang ______________.
Negrito, Indones at Malay
Indones at Austronesian
Taong Tabon,Cagayan at Callao
Malay at Intsik
Ang tao ay nilikha ng Diyos sa Kanyang kaanyuhan at kawangis sapagkat tayo’y mahal Niya.
Parabula
Alamat
Pabula
Kwento mula sa Bibliya
Ito ay tumutukoy sa salitang Austronesian o Austronesyano na ang kahulugan ay tao mula sa timog.
Indones
Malayo
Nusantao
Polynesian
Ang pangunahing hanapbuhay ng ating mga ninuno na malapit sa ilog at dagat.
Pagmimina
Pagsasaka
Paghahabi
Pangingisda
Ang sistema ng pakikipagkalakalan na ginamit ng ating mga ninuno na kung saan ang mga produkto ay ipinapalit sa ibang produkto na dala ng ibang lahi.
Kaingin
Barter
Pagmimina
Pangangayaw
Ang mga unang Pilipino ay piniling tumira sa tabing - dagat , sa gitna ng kabundukan at sa kapatagan. Bakit pinili nila ang ganitong lugar ?
Mahilig sila sa kalikasan
Mahilig silang magsaka at mangisda
Nahihiya silang tumira sa maraming tao
Marami ritong likas na yamang mapagkukunan ng kanilang ikabubuhay
Kung sakaling sa iyong pamamasyal sa isang lugar at nakatagpo ka ng labi o bakas ng sinaunang tao, ano ang pinakamabuti mong gawin?
Iuwi at gawing souvenir
Huwag pakialaman
Ipagbigay alam sa awtoridad
Kunan ng retrato
