WorksheetsKIAC - World History 2
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Noong panahon ng Renaissance, ang mga tao ay naging interesado sa ______
Pag-aaral ng relihiyon
Kabilang buhay
Paghahanapbuhay
Pagtuklas ng mga bagay sa daigdig
Ang mga humanista ay nag-aaral tungkol sa ______
Sangkatauhan
Kalakasan ng tao
Mga unang tao
Mga lahi ng tao
Si Giovanni Boccacio ay isang manunulat ng kuwento mula sa ______.
England
France
Italy
Germany
Aling kontinente ang unang nilakbay ng mga Europe noong taong 1400 CE?
Africa
Asia
America
Australia
Ang imbensiyon at pagpapaunlad ng compass ay nakatulong ng malaki sa mga ______.
Marinero
Siyentipiko
Sundalo
Negosyante
Ang unang paglalakbay sa palibot ng dadigdig ay pinangunahan ni ______.
Kapitan James Cook
Christopher Columbus
Ferdinand Magellan
Marco Polo
Hangad ng mga Europeo na marating ang Moluccas dahil sa taglay nitong mga ______.
Ginto
Seda
Pampalasa
Alipin
Ang ekspedisyon ni Magellan ang nagpatunay na ______.
Maaring maglakbay paikot sa daigdig
Mapanganib tumawid sa mga di kilalang dagat.
Mahabang lakbayin ang ruta patungong timog
Kailangang magbuwis ng buhay at yaman para sa mga ekspedisyong alay sa hari
Kapag ang isang tao ay naakusahan ng pagiging erehe, siya ay pinaniniwalaang ______.
Nagkakalat ng kasinungalingang tungkol sa Simbahan
Humihiwalay na sa Simbahan
Tumatanggap ng mga aral ng ibang relihiyon
Nagtatatwa ng katotohanan ng mga paniniwala ng Simbahan.
Inatake ni Luther ang ______.
Pagbebenta ng indulhensiya
Paggawad ng indulhensiya
Paghahabol para sa indulhensiya
Pagputol sa karapatan sa indulhensiya
Ito ay tumutukoy sa isang paniniwalang pang-ekonomiya na ang yaman at lakas ng isang bansa ay nakasalalay sa dami nitong yamang ginto at pilak.
Kapitalismo
Komunismo
Merkantilismo
Sosyalismo
Ang sumusunod ay mga salik ng paglunsad ng unang yugto ng paggalugad at pananakop ng mga lupain maliban sa ______
Paghahanap ng bagong ruta sa pangangalakal
Mga kuwento ng yaman at ganda ng silangan batay sa aklat ni Marco Polo.
Pagnanasa ng mga manlalayag na manirahan sa ibang bayan.
Pagkakaimbento ng mga kagamitan sa paglalayag.
Nagdiwang ang mga tao sa France sa pagbagsak ng Bastille sa pagsiklab ng Rebolusyong Pranses sapagkat ang Bastille ay ______
Simbolo ng kahirapan ng mga Pranses
Simbolo ng mapaniil na dinastiyang Bourbon
Maraming Pranses ang nakakulong dito.
Nakalaya ang maraming presyo mula dito.
Ang mga alinsunod na pangyayari ang kaugnay sa paglaganap ng Repormasyon sa Europe.
Pag-aalsa ng mga mambubukid sa Germany
Pagtiwalag ni Haring Henry VIII ng England sa simbahang Romano.
Paglagda sa Peace of Ausburg
Lahat ng nabanggit
Kung nais mong malaman ang kalagayan at kagandahan ng Asya sa pamamagitan ng China, aling aklat ang iyong babasahin?
The Babylonian Captivity of the Christian Church
The Prince and the Pauper
The Travels of Marco Polo
Wala sa mga nabanggit.
Isa sa mga masamang epekto ng eksplorasyon ay ang kalakalan ng alipin sapagkat ______.
Nasira ang katutubong kultura ng Africa at nabawasan ang populasyon nito.
Naibenta nang mura sa mga Kanluranin ang mga aliping galing sa Africa.
Nalaman ng mga Kanluranin ang natatanging kultura ng mga Aprikano
Lahat ng nabanggit
Ito ay tumutukoy sa panahon ng pag-unlad ng pilosopiya at kaalamang pang-intelektwal.
Rebolusyong Pangkaisipan
Rebolusyong Komersiyal
Rebolusyong Industriyal
Rebolusyong Siyentipiko
Ang sumusunod ay ambag ng Renaissance maliban sa ______.
Umuunlad ang pananaw at kaalaman ng mga tao sa politika, sining at panitikan.
Nagbigay-daan ito sa pag-usbong ng repormasyon
Nagbigay-inspirasyon sa mga tao sa paglalakbay dahil sa paglawak ng kaalaman tungkol sa daigdig.
Wala sa mga nabanggit.
Alin sa sumusunod ang ipinaskil ni Martin Luther sa pintuan ng Wittenburg bilang pagtuligsa sa Simbahang Katoliko?
Act of Succession
Address to the Nobility of the Christian Nation
Ninety Five Theses
Peace of Augsburg
Mahalaga ang pagkakaimbento ni Johannes Gutenburg ng movable press sapagkat ______.
Napadali ang paglimbag ng mga aklat at iba pang babasahin
Dumami ang nahikayat na mag-akda at magtinda ng mga aklat.
Dumami ang taong nahilig sa pagbabasa
Lahat ng nabanggit
Ang mga taon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagbigay-daan sa pag-alsa ng ______.
Imperyo
Makabagong kolonya
Kilusang Pangkalayaan
Malakas na bansa
Ang Cold War ay nagbigay-daan sa pagbuo ng mga bagong ______.
Organisasyon ng mga bansa
Kasunduang militar sa paggamit ng armas nukleyar
Isang kasulatan ng sa paggamit ng armas nukleyar
Teknolohikong digmaan
Noong 1945, naglunsad ang United States ng bagong armas pandigma sa ______.
Europe at Africa
Nagasaki at Hiroshima
Asya at Pasipiko
North at South America
Ang alyansang North Atlantic Treaty Organization (NATO) ay ______
Isang kasunduang pang-ekonomiya
Alyansang militar
Isang kasulatan para sa kapayapaan at kooperasyon
Isang kilusang pangkapaligiran
Ang puspusang pagsalakay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isinasagawa ng ______.
Britain
Germany
France
Soviet Union
Upang mapanatili ang kapayapaang pandaigdig pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagtatag ang mga magkakaalyadong bansa ng ______.
League of Nations
Land-Lease Act
Neutrality Act
United Nations
Ang paglusob sa Pearl Harbor ay inilunsad ng ______.
Germany laban sa United States
Japan laban sa Britain at United States
Japan laban sa United States
Japan laban sa United States at Soviet Union
Malaking kahinaan sa League of Nations ang ______.
Pagsisikap nitong mapahinto ang mga digmaan
Pag-gipit nito sa Soviet Union
Pagiging hindi kasapi ng United States
Hindi nito pagiging demokratiko
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga bansa ng Libya, Eritrea, at Somalia ay nagiging ______ ng France at Britain
Alyado
Bansang supil
Komonwelt
Kolonya
Ang taguring anti-Semitism ay tumutukoy ______.
Sa maramihang pagpatay sa mga Hudyo
Sa matinding pagkasuklam laban sa mga Hudyo.
Sa pagtanggal ang tulong at serbisyo sa mga Hudyo.
Sa estratehiyang pandigma na ginamit ng Germany laban sa mga Hudyo
Namayani ang Komunistang pamamahala sa Silangang Europe pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sino sa sumusunod na mga lider komunista sa Russia ang hindi kabilang?
Nicolai Lenin
Karl Marx
Joseph Stalin
Leon Trotsky
Sino sa sumusunod ang nakaranas ng matinding pinsala sa buhay na dulot ng mga Aleman noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Amerikano
Hapon
Hudyo
Italyano
Alin sa sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa naging sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig?
Pagbagsak ng mga kilalang imperyo tulad ng Germany, Austria, Hungary, Russia, at Ottoman
Paglabag sa labing-apat na puntos ni Pang. Woodrom Wilson.
Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand ng Austria habang nasa Saravejo, Bosnia
Pagtakas ni Adolf Hitler matapos ang sunod-sunod na pagkatalo laban sa mga puwersang Allied
Ang United Nations ang pangunahing pandaigdig na organisasyon na ang layunin ay itaguyod ang mga hangarin para sa kapayapaan, kaunlaran, at katarungan sa daigdig. Ang ilang hakbang na naging daan sa paglikha ng United Nations ay
Moscow Conference
Yalta Conference
San Francisco Conference
Lahat ng nabanggit
Ipinatupad ito noong 1969 na nakapagpaluwag ng tensyon sa pagitan ng United States at USSR.
Detente
Glassnost
Peaceful co-existence
SALT
Maaalala sa buong mundo si Winston Churchill bilang isang kilalang ______.
Heneral ng sandatahang lakas ng Allied Forces
Tagasuporta ng partido Nazi ni Adolf Hitler
Lider-manggagawa sa panahon ng Rebolusyong Industriyal
Punong Ministro ng Great Britain noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Isang paniniwala na naglalahad na ang paggamit ng dahas at pakikidigma ay hindi kapakinabang para ayusin ang sigalot sa daigdig.
Deismo
Kapitalismo
Monarkismo
Sosyalismo
Naging mahalaga ang mga slogan sa panahon ng digmaan sa paggising ng makabayang damdamin. Ang katagang "Give me liberty or give me death" ay ipinahayag ni Patrick Henry. Anong bansa ang gumamit nito sa kanyang himagsikan?
Germany
United States
Indonesia
Italy
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula dahil sa
Pagdating ng armas galing sa United States para sa England
Pagkatalo ni Hitler laban sa magigiting na sundalo ng England
Pagpatay sa napakaraming Hudyo sa Europe
Pagsalakay ng mga Aleman sa Poland noong 1939
Alin sa sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa interes ng Japan nang kanyang salakayin ang Pearl Harbor noong 1941?
Makatulong sa mga bayang sakop ng mga Europeo sa Asya
Makontrol ang daloy ng kalakalan sa Pasipiko
Mapabilang sa mga bansang kaanib ng United Nations
Mapalaganap ang kaisipan at imperyo ng Japan sa Asya.
