wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

BARAYTI NG WIKA

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.

a)

Dayalek

b)

Sosyolek

c)

Idyolek

d)

Etnolek

2.

barayti ng wika na tinatawag din bilang natatanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat na gawain o propesyon.

a)

Ekolek

b)

Etnolek

c)

Jargon

d)

Register

3.

barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.

a)

Register

b)

Jargon

c)

Pidgin

d)

Creole

4.

Barayti ng wika na nagiging identity o pagkakakilanlan ng isang indibidwal.

a)

Creole

b)

Sosyolek

c)

Register

d)

Idyolek

5.

Ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan.

a)

Sosyolek

b)

Dayalek

c)

Etnolek

d)

Ekolek

6.

Tinatawag na makeshift language o nobody’s native language.

a)

Jargon

b)

Pidgin

c)

Creole

d)

Register

7.

Ang tawag sa barayti ng wika na ang wikang nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o unang wika na ng batang isinilang sa komunidad.

a)

Creole

b)

Idyolek

c)

Sosyolek

d)

Dayalek

8.

Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo a.ka. “Dana” ang mga salitang charot, chaka, bigalou, at iba pa.

a)

Sosyolek

b)

Idyolek

c)

Register ng wika

d)

Etnolek

9.

Nalaman ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal siya sa Batanes. Saan man siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang vakkul ay alam

niyang ang salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa gamit nilang pananggalang sa init at ulan.

a)

Etnolek

b)

Sosyolek

c)

Pidgin

d)

Register ng wika

10.

Maraming ang gumaya sa paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino lalo na ang malutong niyang “Ah, ha, ha! Okey! Darla! Halika!”

a)

Idyolek

b)

Sosyolek

c)

Jargon

d)

Dayalek

11.

Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain ng isa’t isa,

bumuo sila ng wikang walang sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.

a)

Pidgin

b)

Creole

c)

Jargon

d)

Register ng Wika

12.

"Tarush na besh, Tomjones na ako"

a)

Sosyolek

b)

Idyolek

c)

Etnolel

d)

Heterogenous

13.

" Why you're so bagal ba?"

a)

Idyolek

b)

Sosyolek

c)

Dayalek

d)

Etnolek

14.

"Marhay na aga sa indong gabos"

a)

Sosyolek

b)

Idyolek

c)

Dayalek

d)

Etnolek

15.

"Magandang umaga sa inyong lahat. Sa araw na ito ay magkakaroon tayo ng mahabang pagsusulit. Ihanda na ang inyong mga papel."

a)

Sosyolek

b)

Register

c)

Homogenous

d)

Pidgin

16.

"Ang ganda naman ng dyowa mo, pre!"

Anong barayti ng wika ang salitang dyowa?

a)

Idyolek

b)

Sosyolek

c)

Etnolek

d)

Rehistro

17.

"Magandang adyao sa inyong lahat"

Anong barayti ng wika ang salitang "adyao?"

a)

Idyolek

b)

Sosyolek

c)

Etnolek

d)

Rehistro

18.

Lesson plan, Form 137, SF 1, Report Card ay anong barayti ng wika ito napapabilang?

a)

Idyolek

b)

Sosyolek

c)

Etnolek

d)

Rehistro

19.

" Ang buhay ay weather weather lang"

a)

Idyolek

b)

Sosyolek

c)

Etnolek

d)

Rehistro

20.

Syota, gurang, toma, may sayad ng mga halimbawa ng anong barayti ng wika?

a)

Idyolek

b)

Sosyolek

c)

Etnolek

d)

Rehistro

21.

Ang salitang "printer" ay isang uri ng anong barayti ng wika?

a)

Idyolek

b)

Sosyolek

c)

Etnolek

d)

Rehistro

22.

Ang salitang "laylaydek sika" o iniibig kita ay ang salita na ginagamit ng mga taga Mountain Province. Ang "laylaydek sika" ay anong barayti ng wika ito napapabilang?

a)

Sosyolek

b)

Etnolek

c)

Register

d)

idyolek

23.

"Only kolehiyalas make tusok the fishballs." ay anon uri ng barayti ng wika ito napapabilang?

a)

Idyolek

b)

Sosyolek

c)

Etnolek

d)

Register

24.

"Handa na ba kayo?"

a)

Idyolek

b)

Sosyolek

c)

Etnolek

d)

Rehistro

25.

Ang mga mag-aaral sa Senior High School ay mula sa iba’t ibang lugar at paaralan. May nagsasalita na ang wikang ginamit ay Waray, Chavacano, Cebuano, Kinaray-a, Ingles at iba pa. Nang pumasok ang guro sa Filipino ay tinawag na ang bawat isa para magpakilala sa sarili at ang ginamit naman nila ay ang Wikang Filipino na kung saan nauunawaan ng lahat.

a)

Dayalek

b)

Idyolek

c)

Register

d)

Sosyolek