wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 8 MID QUARTER ASSESSMENT 2ND QUARTER

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa saknong ng tula.

"Halos gumapang na ako sa haba ng ating nilakad."

a)

pagtutulad

b)

pagtanggi

c)

pagsasatao

d)

pagmamalabis

2.

Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa pahayag.

Sa sobrang talino ni Percy hindi na maunawaan ang kanyang sinasabi.

a)

pag-uyam

b)

pagmamalabis

c)

pagsasatao

d)

pagtutulad

3.

Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa saknong ng tula.

Dala ng malakas na hangin wari'y mga taong nagsasayawan ang mga puno.

a)

pagmamalabis

b)

pagsasatao

c)

alusyon

d)

anapora

4.

Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa saknong ng tula.

Narinig ng buong mundo ang kabog ng dibdib ko nang sabihin mong "Mahal kita!"

a)

pag-uyam

b)

pagtutulad

c)

pagmamalabis

d)

anapora

5.

Tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa saknong ng tula.

Pag-asa,nasaan ka na?

huwag mo sanang ipagkait

sa isang dukhang kagaya ko

a)

pag-uyam

b)

pagtawag

c)

pagsasatao

d)

pagtutulad

6.

Tukuyin kung ang pahayag ay katotohahan o opinyon.

Sa aking palagay, ang fruit bats (Pteropodidae) o paniki, chimpanzees, gorillas, unggoy, mga usa at porcupines sa gubat ang kinukonsiderang pinanggalingan ng Ebola Virus.

a)

Opinyon

b)

Katotohanan

7.

Tukuyin kung ang pahayag ay katotohahan o opinyon.

Ayon sa isang pahayagan,may isang kumakalat na nakakatakot na sakit na kumitil nang maraming buhay sa kontinente ng Africa. Ito ang Ebola Virus. Ito ay unang nakita noong 1976 sa dalawang magkakasabay na paglaganap sa Nzara, Sudan at Yambuku, Democratic Republic of Congo.

a)

Opinyon

b)

Katotohanan

8.

Tukuyin kung ang pahayag ay katotohahan o opinyon.

Batay sa pag-aaral, tinutukoy na lumalaki ang bílang ng mga taóng nahawa ng sakit na ebola kabílang na ang mga medical practitioner sa mga lugar na apektado ng sakit na ito.

a)

Opinyon

b)

Katotohanan

9.

Siya ang tagapamagitan ng paksa na ipaglalaban ng dalawang mambabalagtas sa pamamagitan ng tulaan.

a)

Mambabalagtas

b)

Hurado

c)

Lakandiwa/Lakambini

d)

Manonood

10.

Ano ang tawag sa makabagong duplo na isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula?

a)

karagatan

b)

rap battle

c)

fliptop

d)

balagtasan

11.

Tukuyin ang pagpapakahulugan ng salitang nakasalungguhit. I-type kung konotatibo o denotatibo.

Bituin- Isang artista; sikat

(a)  

12.

Tukuyin ang pagpapakahulugan ng salitang nakasalungguhit. I-type kung konotatibo o denotatibo.

Buwaya- mapagsamantala; gahaman

(a)  

13.

Tukuyin ang pagpapakahulugan ng salitang nakasalungguhit. I-type kung konotatibo o denotatibo.

Bituin- tala

(a)  

14.

Tukuyin ang pagpapakahulugan ng salitang nakasalungguhit. I-type kung konotatibo o denotatibo.

Buwaya- uri ng hayop na nabubuhay sa tubig man o lupa

(a)  

15.

Tukuyin ang pagpapakahulugan ng salitang nakasalungguhit. I-type kung konotatibo o denotatibo.

Kanang kamay- katiwala; pinagkakatiwalaan; alalay

(a)