WorksheetsACF 2nd Q: Pangngalan
Total questions: 15
Worksheet time: 9mins
Magbigay ng isang pantangi para sa pangngalang pambalanang ‘crush’. (Charot; pangngalang pambalanang ‘estudyante’ na lang.)
Ilista ang mga pangngalang pambalana sa pangungusap: “Ooh, sarap naman ng adobo, Ate!” sabik na sinabi ng bata.
adobo, bata
bata
adobo, Ate, bata
Ate, bata
“’Belos’ ang pangalan ng emperador.” Ibigay ang pambabaeng katumbas ng may salungguhit.
(a)
PANTANGI O PAMBALANA: Nakakukuha kaya ng tulog ang mga mag-aaral ng Pisay?
Pantangi
Pambalana
Alin-alin sa mga salitang ibinigay ay may kailanan na maramihan?
Magkakapatid
Magkakaibigan
Magkaklase
Magkakalaro
Ilang morepema ang kinakailangan upang mabuo ang isang maylapi?
Isa
Dalawa
Tatlo
Sino ang mananalo? [insert vicks ad] charot
MULCHO: Ano ang kasarian ng isang ‘hari’?
Di-tiyak
Pambabae
Panlalaki
Walang kasarian
Anong klase ng tambalan ang ‘punong-guro’?
Ganap
Di-ganap o Malatambalan
“Ang talino ni Amity ay nakamamangha para sa mga mag-aaral sa Hexside.”
Tahas
Basal
Alin sa mga salitang ibinigay ay HINDI payak?
kuwago
inumin
dugo
mundo
“Lumabo ang kanyang paningin nang natanto niya kung ano ang ginawa niya.”
Tahas
Basal
TAMA O MALI: Ang mga bagay, pook, at pangyayari ay yaong may sekso.
TAMA
MALI
“Mahilig si Eda sa inumin na apple blood at kaya’y lagi silang pumupunta sa palengke upang bumili." Ang kailanan ng may salungguhit ay isahan.
TAMA
MALI
“Sabay pumunta sina Luz at Amity sa silid-aklatan.” (Ayie.) Ano ang kailanan ng pangngalan dito?
Isahan
Dalawahan
Tatluhan
Maramihan
Ang ‘mahika’ ay isang di-konkreto na pangngalan.
TAMA
MALI
