Font size
WorksheetsAP6 PAG-USBONG NG KOLONYALISMO AT DIWANG MAKABAYAN
Total questions: 109
Worksheet time: 1hrs 7mins
Sistema ng pamamahala ng pampulitika at militar kung saan ang isang kapangyarihan, na kilala sa marahas na mga pamamaraan upang matupad ang layunin ng isang kolonisador ng mapalawak ang kanilang lupain.
KOLONYALISMO
NASYONALISMO
Nakarating si Ferdinand Magellan at ang kanyang mga tauhan sa Pilipinas noong______
1521
1522
1520
1523
Nang si Magellan ay dumaong sa CEBU, tinanggap sila nang buong puso ni __________
Rajah Humabon
Rajah Tupas
Rajah Magat Salamat
Rajah Lakan Dula
Pagkatapos MABINYAGAN bilang KRISTIYANO, inutusan ni Rajah Humabon ang kaniyang mga tauhan at ang iba pang pinuno na KILALANIN si Magellan at MAGPABINYAG din sa KRISTIYANISMO.
TAMA
MALI
Ang lahat ay kinilala si Magellan maliban kay _________ na Datu ng Mactan. Hindi niya tinanggap ang pakikipag-ugnayan ng mga dayuhan.
Lapulapu
Puti
Soliman
Humabon
Pinakiusapan ni ________si Magellan na salakayin ang Mactan. Dala ang mga makabagong kagamitang pandigma, nagtungo sila sa Mactan. Ngunit napaslang si Magellan at karamihan sa kaniyang tauhan.
Lapulapu
Puti
Soliman
Humabon
Ang tagapagsalaysay ng ekspedisyon ni Magellan na nakaligtas sa labanan sa Mactan.
Antonio Pigafetta
Pedro Valderama
Ruy Lopez de Villalobos
Miguel Lopez de Legazpi
Kailan naganap ang labanan sa Mactan kung saan napaslang si Magellan.
Abril 27, 1521
Abril 27, 1522
Abril 27, 1520
Abril 27, 1523
Sinunog ng mga natirang tauhan ni Magellan ang barkong _______ dahil kakaunti na lamang sila hindi na nila ito kayang paandarin, maari kasi itong gamitin upang hulihin sila.
Concepcion
Trinidad
Victoria
San Antonio
Santiago
Ang barkong ________ay nahuli ng mga Portuges sa isla ng Tidore sa Moluccas. Punong Barko o Flagship ito sa paglalayag ni Magellan.
Concepcion
Trinidad
Victoria
San Antonio
Santiago
Sino ang tumayong kumander ng barkong Victoria nang napaslang si Magellan.
Sebastian del Cano
Antonio Pigafetta
Miguel Lopez de Legazpi
Kasama ang (17) labimpitong mandaragat at si Pigafetta, ang barkong _________ lamang ang nakabalik sa Espanya sa pamumuno ni del Cano.
Concepcion
Trinidad
Victoria
San Antonio
Santiago
Noong ___________nakabalik sa Espanya ang barkong Victoria (nag-iisang barkong nakabalik)
Setyembre 6, 1522
Setyembre 6, 1521
Setyembre 6, 1523
Setyembre 6, 1524
Karamihan sa ekspedisyon ipinadala ng Hari ng Espanya sa Pilipinas matapos ang kay Magellan ay HINDI nagtagumpay maliban sa ekspedisyon ni ___________.
Miguel Lopez de Legazpi
Ruy López de Villalobos
Álvaro de Saavedra
Isang uri ng imperyalismo na tumutukoy sa isang patakaran na tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa.
KOLONYALISMO
NASYONALISMO
Nakarating ni Legazpi sa dalampasigan ng CEBU noong ____________at sinakop ang mga kalapit na isla nito.
Pebrero 13, 1565
Pebrero 13, 1566
Pebrero 13, 1564
Pebrero 13, 1567
Saan itinatag ni Legazpi ang kauna-unahang pamayanang Espanyol sa Pilipinas na tinawag itong "Cuidad del Santisimo Nombre de Jesus" (Lungsod ng Kabanal-banalang Ngalan ni Hesus).
Cebu
Mactan
Manila
Bohol
Noong 1571 ay nagtungo sina Legazpi sa pamayanan ng _____ sa Luzon.
Maynila
Pasay
Quiapo
Paranaque
Nang dumating sa Legazpi sa Maynila isang mayaman at malakas na kaharian na pinamumunuan ni ____________. Nabigong sila makipagkasundo sa taga-Maynila kaya sumiklab ang isang labanan.
Rajah Sulayman
Rajah Matanda
Rajah Lakan Dula
Natalo ng mga Espanyol ang mga puwersa nina Rajah Sulayman, Matanda at Lakan Dula sa pamumuno nina _____________at Juan de Salcedo. Umurong ang mga puwersa ni Sulayman mula sa Maynila.
Martin de Goiti
Miguel Lopez de Legazpi
El Adelantado
Itinatag ang isang pamayanang Espanyol sa Maynila.
Hunyo 24, 1571
Hunyo 24, 1572
Hunyo 24, 1570
Hunyo 24, 1573
(a) ay naging kabisera ng pamahalaang kolonyal ng Espanya sa Pilipinas.
Itinalaga bilang kauna-unahang gobernador- heneral sa Pilipinas.
Miguel Lopez de Legazpi
Ruy López de Villalobos
Álvaro de Saavedra
Isang pamahalaang KOLONYAL ang itinatag ng mga Espanyol sa PIlipinas nasa ilalim ng kapangyarihan ng HARI ng ESPANYA.
TAMA
MALI
Pinamumunuan ang kolonya mula sa Mexico, isang kolonya ng Espanya sa Amerika na kilala rin sa pangalang __________.
Bagong Espanya (New Spain)
Bagong Amerika (New America)
Bagong Mexico (New Mexico)
Ang ______ ng Bagong Espanya ang siyang kumakatawan sa Hari ng Espanya, siya ang nangangasiwa sa mga gawain ng pamahalaan sa mga kolonya.
Viceroy
Vice real patron
Gobernador - heneral
Datu
Dalawang (2) sangay nahahati ang pamahalaang kolonyal ng Pilipinas
Pamahalaang Sentral at Pamahalaang Lokal
Pamahalaang Sentro at Pamahalaang Look
Pamahalaang Sentro at Pamahalaang Kabesera
Namumuno sa Pamahalaang Sentral ng Pilipinas.
Siya ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaang kolonyal.
Viceroy
Vice real patron
Gobernador - heneral
Datu
Tinalaga ng Hari ng Espanya at nagsisilbing kinatawan nito sa bansa.
Viceroy
Vice real patron
Gobernador - heneral
Datu
Pangunahing tungkulin ng gobernador -heneral na_____
Pamahalaan ang kolonya at ipatupad ang kautusan ng hari.
Pamahalaan ang kolonya at sakupin ang mga lugar sa Pilipinas.
Pamahalaan ang kolonya at ipatupad ang kautusan nais nito.
Ang gobernador-heneral ang nagtatalaga sa mga opisyal sa pamahalaan, at siya rin ang namumuno sa (a)
Pinakamataas na hukuman sa kolonya na pinamumunuan ng Gobernador-heneral.
(a)
Pinamumunuan din niya ang sandatahang lakas at pinangungunahan ang mga gawaing pangkabuhayan at kalakalan sa bansa.
Viceroy
Vice real patron
Gobernador-heneral
Datu
Ay binubuo ng mga pamahalaang panglalawigan, pamahalaang pambayan, at pamahalaang pambarangay.
Pamahalaang Lokal
Pamahalaang Sentral
Isa sa dalawang Uri ng Pamahalaang Panlalawaigan:
Tumutukoy sa mga lalawigang GANAP nang nasakop ng mga Espanyol. Pinamamahalaan ng Alcalde-mayor.
Alcaldia
Corregimiento
Isa sa dalawang Uri ng Pamahalaang Panlalawaigan:
Tumutukoy sa mga lalawigang HINDI pa TULUYANG nasasakop ng mga Espanyol. Pinamamahalaan ng isang sundalong opisyal Corregidor.
Alcaldia
Corregimiento
Isa sa dalawang Uri ng Pamahalaang Panlalawaigan:
Alcaldia lalawigang GANAP nang nasakop ng mga Espanyol. Pinamamahalaan ng (a) .
Isa sa dalawang Uri ng Pamahalaang Panlalawaigan:
Corregimiento lalawigang HINDI pa TULUYANG nasasakop ng mga Espanyol. Pinamamahalaan ng isang sundalong opisyal (a) .
Ang pamahalaan sa mga bayan
(a)
Ang pamahalaan sa mga bayan o pueblo ay pinamumunuan ng (a) . Ito ang pinakamataas na posisyon na maaring gampanan ng isang katutubo o Pilipino sa pamahalaang kolonyal.
Ang pamahalaang pambarangay ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng pamahalaang pambayan. Bawat barangay ay pinamumunuan ng (a) . Ang Katungkulan ito ay karaniwang ipinagkakaloob sa mga dating DATU o isang MAGINOO sa sinaunang lipunang Pilipino.
Resulta ng sistemang _______ ________naging ganap ang pag-iisa ng simbahan at pamahalaan noong panahon ng pananakop ng Espanyol.
(a)
Patronato Real:
Sa pagsisimula ng Kolonyalismong Espanyol, nagkaroon ng Kasunduan ang Kaharian ng Espanya at Simbahang Katolika na isusulong ng Espanya ang pagpapalaganap sa Kristiyanismo sa mga lupaing mararating at masasakop nito.
TAMA
MALI
Ang sistemang pulitikal ng Espanya na nakabatay sa pagkontrol ng Simbahang Katolika ang pamahalaan at mga namumuno.
(a)
Patronato Real:
Binigyan ng Santo Papa ang Hari ng kapangyarihang magtalaga ng mga misyonerong sasama sa mga ekspedisyon at mga paring mamumuno sa parokyang itatayo sa mga bagong kolonya.
TAMA
MALI
Ang Gobernador-heneral ng Pilipinas ay kinilala bilang _______ _______. Siya ay kinatawan ng Hari na maaring magtalga ng mga paring hahawak sa mga parokya.
(a)
Ang Gobernador-heneral o ______ ______ay maari ring makialam sa mga usapin hinggil sa pamamalakad ng simbahan.
(a)
May malaking impluwensiya sa pamahalaang kolonyal. Nanguna sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo at pagtatag ng mga parokya at pagpapatayo ng simbahan at paaralan.
Prayle
Gobernador-general
Hari ng Espanya
Santo Papa
Prayle ay kadalasan sila ang natatanging Espanyol na matatagpuan sa mga pamayanan sa iba't-ibang bahagi ng Kolonya.
TAMA
MALI
Hindi ng tagal ang mga Prayle ay naging mahina ang impluwensiya sa pamumuhay ng katutubo.
TAMA
MALI
Ang matinding kapangyarihan ng Prayle ay nagbunga ng mapang-abusong gawain, pangangakam ng mga lupain at ari-arian ng mga katutubo, pagpapahirap at pagpaparusa sa mga tao at pananamantala sa mga kababaihan.
TAMA
MALI
Mga Patakarang Pangkabuhayan, karamihan sa mga ito ay nagdulot ng benepisyo sa mga Espanyol, ngunit hirap at pang-aabuso bunga nito sa mga katutubong Pilipino.
TAMA
MALI
Ano- ano ang mga Patakarang Pangkabuhayan noong Panahon ng Espanyol:
Sistemang Encomienda
Tributo
Polo y Servicio o Sapilitang Paggawa
Kalakalang Galyon
Pagtatanim ng Tabako
Ang sistemang (a) ay itinatag ng mga Espanyol para gantimpalaan ang mga Conquistador (mga sundalong Espanyol tumutulong at naging tapat sa pananakop nila sa Pilipinas).
Karaniwan ay Conquistador na nabigyan ng lupain (Encomienda) ng pamahalaang Espanya upang pamahalaan ngunit ito ay pagmamay-ari ng Espanya.
(a)
Binigyan ng kapangyarihang mangolekta ng buwis sa mga katutubo, Kapalit ng responsabilidad pangalagaan ang mga mamayan ng Encomienda (lupain pinamumunuan).
(a)
Ang mga Responsabilidad Encomendero ay panatilihin ang kapayapaan at katiwasayan, itaguyod ang edukasyon, pangalagaan ang pangangailangang pangkalusugan ng kanilang nasasakupan, at palaganapin ang Kristiyanismo.
TAMA
MALI
Ang sistemang encomienda ay unang naitatag sa _______ noong namahagi si Legaspi ng lupain sa kaniyang mga tauhan at opisyal at ito ay tinanggal noong ____
Visayas, tinanggal noong 1674
Luzon, tinanggal noong 1674
Mindanao, tinanggal noong 1674
Buwis sa pamahalaang Espanyol na kinakailangang bayaran ng mga Katutubo dahil sa pagkakatatag ng Sistemang Encomienda.
(a)
Ang Tributo ay maaring bayaran sa pamamagitan ng salapi, serbisyo o mga aning pananim.
TAMA
MALI
Ang Simbahan at Encomendero ay nakakatanggap ng bahagi ng nakokolektang buwis.
TAMA
MALI
Karamihan sa mga Katutubo ay nagbabayad ng Tributo sa pamamagitan ng mga produkto, ngunit binababaan ng mga Espanyol ang katumbas na halaga nito, kaya't napipilitan silang magbayad ng mas marami pang produkto.
TAMA
MALI
Tawag sa sapilitang paggawa na isa sa mga patakarang pangkabuhayang ipinatupad ng mga Espanyol.
(a)
Sakop ng Polo y servicio o sapilitang paggawa ang mga katutubong lalaking nasa edad _________.
16 hanggang 60
18 hanggang 50
21 hanggang 60
15 hanggang 80
Ang mga naninilbihan sa polo o polo y servicio ay tinatawag na
(a)
Ang polo o polo y servicio ay sapilitang paggawa sa lahat ng lalaking katutubo maliban sa mga _______.
Gobernadorcillo
Mestizong Espanyol
Gobernador-heneral
Cabeza de barangay
Ay isang taong may lahing Espanyol at katutubong Pilipino. Ang pagkakaroon nila ng dugong Espanyol ang dahilan para hindi sila mapatawan ng sapilitang paggawa.
Gobernadorcillo
Mestizong Espanyol
Gobernador-heneral
Cabeza de barangay
Ang mga Polo ay kailangang magsilbi sa pamahalaan sa pamamagitan ng paggawa ng mga kalsada, tulay, barko, at pagbibigay ng ibat-ibang pang serbisyo.
TAMA
MALI
Nagtatrabaho ang mga Polista nang walang bayad sa loob ng __ araw sa isang taon.
40 araw
30 araw
50 araw
20 araw
Ang (a) ay kabayaran kapalit ng pagtatrabaho, ang mga may kakayahang magbayad nito ay ligtas sa polo o sa sapilitang paggawa.
Polo y Servicio o Sapilitang Pagawa:
Ipinadadala ang mga kalalakihan sa malayong lugar para magtrabaho nang walang suweldo.
Dahilan ng mga unang pag-aaklas ng mga Pilipino
Hindi dahilan ng mga unang pag-aaklas ng mga Pilipino
Polo y Servicio o Sapilitang Pagawa:
Kinakailangan ng mga kalalakihang iwan ang kanilang mga pamilya, lupain, at hanapbuhay sa loob ng halos isa't kalahating buwan.
Dahilan ng mga unang pag-aaklas ng mga Pilipino
Hindi dahilan ng mga unang pag-aaklas ng mga Pilipino
Polo y Servicio o Sapilitang Pagawa:
Marami sa kalalakihan ang nagkasakit at namatay habang nagseserbisyo.
Dahilan ng mga unang pag-aaklas ng mga Pilipino
Hindi dahilan ng mga unang pag-aaklas ng mga Pilipino
Tinatawag ding Kalakalang Maynila-Acapulco na nagsimula noong 1565.
(a)
Dahil sa Kalakalang Galyon, ang _____ ay naging sentro ng kalakalan at komersiyo sa Asya.
Maynila
Acapulco
Cebu
Mexico
Ang mga barkong galyon ay naglalakbay mula Maynila patungong _________.
Acapulco, Mexico
Cebu
Mainland, China
Europa at Spain
Noong panahong ay wala pang direktang koneksiyon ang Espanya at Pilipinas. Kung kayat ang mga produkto mula Maynila ay ipinadadala muna sa Mexico, pagkatapos ay sa Espanya.
TAMA
MALI
Ang Kalakalang Galyon ang nag-uugnay sa Pilipinas at mga pamilihan sa Europa sa pamamagitan ng Mexico
TAMA
MALI
Ano ang maganda o benepisyo at hirap naiduot ng Kalakalang Galyon sa mga Katutubong Pilipino?
Ang Maynila ay naging sentro ng kalakalan at komersiyo sa Asya
Ang mga produktong dala ng Kalakalang Galyon tulad ng mga bagay at pagkain ay tumugon sa mga pangangailangan ng mga Pilipino
Ang mga Katutubong Pilipino ay naghirap dahil sa sapilitang pagtratabaho sa paggawa ng mga barko na ginagawang galyon.
Ang mga Polista ay hindi binabayaran sa pagtatrabaho ng 40 araw.
Ang mga produkto mula Maynila ay ipinadala muna sa Mexico, at pagkatapos ay sa Espanya.
TAMA
MALI
Ang mga galyon mula Pilipinas ay may dala ring mga produktong Tsino tulad nga sedang damit, porselana, mga rekado at garing.
TAMA
MALI
Ang Sapilitang Paggawa ay naging pangunahing pinagkakakitaan ng pamahalaang kolonyal.
TAMA
MALI
Kaylan nahinto ang Kalakalang Galyon? Ito ay nang buksan ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. Paghina at pagbagsak ng impluwensiya ng Espanya sa Koloya sa Latin Amerika ay dahilan para direktang pamunuan ang Pilipinas ng Espanya mula Madrid na lamang.
1815
1816
1814
1817
Ang pinakaunang matagumpay na pag-aaklas laban sa mga Espanyol ng mga Katutubong Pilipino ay ang________.
Labanan sa Mactan, sa pamumuno ni Lapulapu
Pakikipaglaban ng mga Muslim
Taga -Cordillera
Paghihimagsik ni Tamblot ng Bohol
Ang sumunod na mga pag-aaklas laban sa Espanyol ay hindi na naging matagumpay dahil sa mga makabagong armas pandigma ng mga Espanyol. Ngunit sa kabila ng kanilang pagkatalo, hindi nawala ang adhikain ng mga Pilipino na maging malaya.
TAMA
MALI
Noong sibubukan ng mga Espanyol na palaganapin ang Kristiyanismo, hindi ito tinangap ng lahat ng mga Pilipino, ang mga Muslimay matapang na nakipaglaban sa pananakop at tumagal nang halos 300 taon.
Pakikipaglaban ng mga Muslim
Pag-aalsa ng mga Taga- Cordillera
Paghihimagsik ni Tamblot ng Bohol 1621-22
Pag-aaklas ni Sumuroy ng Samar 1649-1650
Pag-aaklas ni Dagohoy ng Bohol 85taon 1744-1829
Nais ng mga Muslim na paalisin ang mga Espanyol, ngunit ang mga katutubong Pilipino na yumakap na sa Kristiyanismo ay tumutulong naman sa pagtatanggol sa mga Espanyol.
Pakikipaglaban ng mga Muslim
Pag-aalsa ng mga Taga- Cordillera
Paghihimagsik ni Tamblot ng Bohol 1621-22
Pag-aaklas ni Sumuroy ng Samar 1649-1650
Pag-aaklas ni Dagohoy ng Bohol 85taon 1744-1829
Nang malaman ng mga Espanyol ang mayamang kabuhayan ng mga katutubo (pagmimina ng ginto), nagpadala sila ng mga ekspedisyon upang sakupin at kamkamin ang mga ginto sa kabundukan.
Pakikipaglaban ng mga Muslim
Pag-aalsa ng mga Taga- Cordillera
Paghihimagsik ni Tamblot ng Bohol 1621-22
Pag-aaklas ni Sumuroy ng Samar 1649-1650
Pag-aaklas ni Dagohoy ng Bohol 85taon 1744-1829
Sa tulong ng kanilang kaalaman sa heograpiya ng bulubundukin , nabigong ang mga Espanyol masakop sila. Hindi rin sila pumayag magpabinyag sa Kristiyanismo at napangalagaan ang kanilang kultura at kasarinlan sa mahabang panahon.
Pakikipaglaban ng mga Muslim
Pag-aalsa ng mga Taga- Cordillera
Paghihimagsik ni Tamblot ng Bohol 1621-22
Pag-aaklas ni Sumuroy ng Samar 1649-1650
Pag-aaklas ni Dagohoy ng Bohol 85taon 1744-1829
Kaylan pinaslang ng mga taga- Cordillera si Estaban Marin, naatasang mamuno sa pagbibinyag ng mga katutubo.
Nobyembre 1601
Nobyembre 1602
Nobyembre 1600
Nobyembre 1603
Siya ay isang babylan ng Bohol at kinikilala bilang manggagamot, tagapamagitan, pilosopo at tagapanguna sa espiritwal na pamumuhay ng mga katutubo. Hinikayat niya ang mga tauhan na magbalik-loob sa kanilang mga lumang paniniwala.
Pakikipaglaban ng mga Muslim
Pag-aalsa ng mga Taga- Cordillera
Paghihimagsik ni Tamblot ng Bohol 1621-22
Pag-aaklas ni Sumuroy ng Samar 1649-1650
Pag-aaklas ni Dagohoy ng Bohol 85taon 1744-1829
Ang pag-aaklas ay naganap nang ang mga Heswitang pari na mga administrador ay tumungo sa Cebu para sa pista ni San Francisco Xavier. Nang makarating kay Don Juan de Alcarazo na alcalde mayor ng Cebu ang balita tungkol sa pag-aaklas, nagpadala agad suya ng 50 mandirigmang Espanyol, 100 sundalong Kapampangan, at 1,000 sundalong Sialo sa isla ng Bohol.
Pakikipaglaban ng mga Muslim
Pag-aalsa ng mga Taga- Cordillera
Paghihimagsik ni Tamblot ng Bohol 1621-22
Pag-aaklas ni Sumuroy ng Samar 1649-1650
Pag-aaklas ni Dagohoy ng Bohol 85taon 1744-1829
Pinangunahan ito ni Agustin _____, isang mahusay na mandaragat kasama sina Juan Ponce at Pedro Caamug. Nag-aklas ang mga Waray dahil sa sapilitang pagpapadala ng mga manggagawa mula Visayas patungong Cavite upang magtrabaho sa mga paggawaan ng barko roon.
Pag-aaklas ni Silang sa Ilocos 1762-1763
Pag-aalsa ng mga Taga- Cordillera
Paghihimagsik ni Tamblot ng Bohol 1621-22
Pag-aaklas ni Sumuroy ng Samar 1649-1650
Pag-aaklas ni Dagohoy ng Bohol 85taon 1744-1829
Pinangunahan ni Franciso ________Sendrijas , isang cabeza de barangay sa isla ng Bohol. Pinakamahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng Pilipinas. Kahit patay na siya ay patuloy pa rin ang labanan.
Pag-aaklas ni Silang sa Ilocos 1762-1763
Pag-aalsa ng mga Taga- Cordillera
Paghihimagsik ni Tamblot ng Bohol 1621-22
Pag-aaklas ni Sumuroy ng Samar 1649-1650
Pag-aaklas ni Dagohoy ng Bohol 85taon 1744-1829
Dulot ng pagmamalabis ng isang prayle, Padre Gaspar Morales ( 1744) , isang Heswitang kura nag-utos sa kay Sagarino na pulis at kapatid ni Francisco. Namatay si Sagarino nang pugante ngunit ipinagbawal ni Morales na bigyan ng Kristiyanong libing. Dahilan ng kanilang pag-aaklas pati narin ang paniningil ng buwis at tributo, at ang panggigipit sa kanila ng mga Espanyol.
Pag-aaklas ni Silang sa Ilocos 1762-1763
Pag-aalsa ng mga Taga- Cordillera
Paghihimagsik ni Tamblot ng Bohol 1621-22
Pag-aaklas ni Sumuroy ng Samar 1649-1650
Pag-aaklas ni Dagohoy ng Bohol 85taon 1744-1829
Naging hudyat ang pagpatay kay Padre Guiseppe Lamberti kura ng Jagna , noong Enero 24, 1746 sa tumitinding pag-aaklas. Ngunit noong Abril 1828, pagkatapos ng ilang taong dumating si Kapitan Manuel Sanz nagapi niya ang pag-aaklas. Ngunit pinalaya ni Mariano Ricafort, gobernador- heneral ang 20,000 rebelde.
Pag-aaklas ni Silang sa Ilocos 1762-1763
Pag-aalsa ng mga Taga- Cordillera
Paghihimagsik ni Tamblot ng Bohol 1621-22
Pag-aaklas ni Sumuroy ng Samar 1649-1650
Pag-aaklas ni Dagohoy ng Bohol 85taon 1744-1829
Dahil sa paglalakbay ni Diego isang principalia na nagtatrabaho bilang mensahero ay nasaksihan niya ang pang-aabuso ng mga Espanyol sa mga Pilipino, nakiisa siya sa mga Briton upang mapatalsik ang pamahalaang Espanyol.
Pag-aaklas ni Silang sa Ilocos 1762-1763
Pag-aalsa ng mga Taga- Cordillera
Paghihimagsik ni Tamblot ng Bohol 1621-22
Pag-aaklas ni Sumuroy ng Samar 1649-1650
Pag-aaklas ni Dagohoy ng Bohol 85taon 1744-1829
Sa kasawiang palad , hindi nakarating ang mga tropang Briton at pinatay ni Miguel Vicos si Diego, kaibigan niya na binayaran ng simbahan para paslangin siya. Humalili ang kanyang maybahay na si Gabriela bilang pinuno ngunit napadpad sila sa Abra at doon nahuli at binitay noong Setyembre 20, 1763.
Pag-aaklas ni Silang sa Ilocos 1762-1763
Pag-aalsa ng mga Taga- Cordillera
Paghihimagsik ni Tamblot ng Bohol 1621-22
Pag-aaklas ni Sumuroy ng Samar 1649-1650
Pag-aaklas ni Dagohoy ng Bohol 85taon 1744-1829
Nagtagumpay sa pagsakop sa mga isla ng Pilipinas. Itinatag niya ang Maynila bilang kabisera ng pamahalaang kolonyal noong 1571.
(a)
Ang mga Espanyol ay nagtatag ng pamahalaang kolonyal na nahahati sa 2 sangay:
Pamahalaang Sentral
Pamahalaang Lokal
Pamahalaang Panlalawigan
Pamahalaang Pambayan
Pamahalaang Pambarangay
Namumuno sa Pamahalaang Sentral
Gobernador-heneral
Alcalde-mayor (alcaldia) at Corregidor (corregimiento)
Gobernadorcillo
Cabeza de barangay
Namumuno sa Pamahalaang Lokal
Gobernador-heneral
Alcalde-mayor (alcaldia) at Corregidor (corregimiento)
Gobernadorcillo
Cabeza de barangay
Namumuno sa Pamahalaang Panlalawigan
Gobernador-heneral
Alcalde-mayor (alcaldia) at Corregidor (corregimiento)
Gobernadorcillo
Cabeza de barangay
Namumuno sa Pamahalaang Pambayan o Pueblo. Pinakamataas na posisyon na maaring gampanan ng isang katutubong Pilipino sa pamahalaang kolonyal.
Gobernador-heneral
Alcalde-mayor (alcaldia) at Corregidor (corregimiento)
Gobernadorcillo
Cabeza de barangay
Namumuno sa Pamahalaang pambaragay na nasa ilalim ng kapangyarihan ng Pamahalaang pambayan. Mga dating Datu at Maginoo sa sinaunang lipunang Pilipino.
Gobernador-heneral
Alcalde-mayor (alcaldia) at Corregidor (corregimiento)
Gobernadorcillo
Cabeza de barangay
Dahil sa sistemang (a) magkatuwang ang pamahalaang koloyal at Simbanha sa pamamahala sa mga pamayanan sa Pilipinas .
Naging mahirap ang pamumuhay ng mga katutubo noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol dahil sa mga patakarang pangkabuhayan na ipinatupad.
TAMA
MALI
Ang mga naunang pag-aaklas ay direktang tugon ng mga katutubo sa mga pang-abusong patakaran ng mga Espanyol. Maituturing din itong hudyat ng hangaring ipaglaban ang kanila mga karapatan at kalayaan.
TAMA
MALI
Basahin para sa Essay.
(a)
