wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan 5 Q1

Total questions: 113

Worksheet time: 1hrs 25mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa bangka na gingamit ng mga sinaunang Pilipino?

(a)  

2.

Ilang pamilya ang bumubuo sa barangay?

(a)  

3.

Alin sa mga sumusunod ang hindi tungkulin ng datu?

a)

tagapagbatas

b)

tagapagpaganap

c)

tagahukom

d)

tagasilbi

4.

Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng datu?

a)

tagasilbi

b)

tagatago ng sikreto

c)

tagatanim ng makakain ng barangay

d)

tagapayo

5.

Ito ay may sarili at malayang pamahalaang binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya na pinamumunuan ng datu.

(a)  

6.

Ano ang tawag sa mga tagapayo ng datu?

(a)  

7.

Ano ang simbolo ng pagkakaibigan ng mga barangay?

(a)  

8.

Ano ang tawag sa pamahalaang Muslim na binubuo ng sampu hanggang labindalawang nayon o higit pa?

(a)  

9.

Alin sa mga sumusunod ang may katotohanan?

a)

Ang pamahalaang sultanato ay pinamumunuan ng isang datu.

b)

Katulong ng Sultan sa pagdedesisyon ang konseho na kung tawagin ay Council of Elders.

c)

Ang pamahalaang sultanato ay higit na matatag at sentralisado dahil napagbubuklud-buklod bito ang hiwa-hiwalay na lugar sa Mindanao.

d)

Ang batas ay dapat nasusulat, na isang mahalagang sangkap ng pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa pagpapanatili ng kaayusan sa pamayanan noon pa man.

10.

Sino ang tinuturing na lider sa pamahalaang sultanato?

(a)  

11.

Ano ang tawag sa konseho ng estado sa pamahalaang sultanato?

(a)  

12.

Ano ang ang Ruma Bichara?

a)

Isa itong konseho ng estado na katulong ng sultan sa pagdedesisyon sa pamahalaang sultanato.

b)

Ito ay ang mga nakatatandang tagapayo ng datu na tinatawag ding Council of Elders.

c)

Ito ang ngalan ng tao na unang nakapagsaliksik sa pamumuhay at pamahalaan ng sinaunang PIlipino.

d)

Ito ay tawag sa isang sinaunang pag-aaral ng pamahalaang sultanato.

13.

Alin sa mga sumusunod ang tinuturing na mabigat na krimen?

a)

pagpatay at pangkukulam

b)

pakikiapid at pagpatay

c)

pagpatay at pangungupit

d)

pakikiapid at kawalang galang sa pinuno

14.

Alin sa mga sumusunod ang maituturing na mabigat na krimen?

a)

pangkukulam at panggagahasa

b)

pagpatay at pakikiapid

c)

pakikiapid at pangungupit

d)

pangkukulam at pakikiapid

15.

Alin sa mga sumusunod ang maituturing na magaan na krimen?

a)

pangkukulam at pakikiapid

b)

pangkukulam at pangungupit

c)

pangungupit at pakikiapid

d)

kawalan ng galang sa pinuno at pangkukulam

16.

Tama o Mali: Ang batas ay maaaring di nakasulat.

(a)  

17.

Tama o Mali: Ang mga likas na yaman ay napakahalaga sa pamumuhay ng mga katutubong Pilipino.

(a)  

18.

Tama o Mali: Gumagamit ng matataas na uri ng teknolohiya sa kanilang pamumuhay ang mga PIlipino noon.

(a)  

19.

Tama o Mali: Hindi nagustuhan ng mga unang Pilipino ang industriyang pantahanan.

(a)  

20.

Aang Hagdan-Hagdang Palayan ay isa sa mga patunay na may kaalaman na sa irigasyon at patubig sa pagsasaka ang mga Pilipino noon pa man.

(a)  

21.

Tama o Mali: Ang pagmamay-ari ng lupa noon ay maisasapribado sa pamamagitan ng pagpunta sa munisipyo.

(a)  

22.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng implikasyon ng lokasyon ng bansa sa paghubog ng kasaysayan nito?

a)

Ang Pilipinas ay nasa Timog-silangang Asya.

b)

Tinaguriang ‘Pintuan ng Asya’ ang Pilipinas.

c)

Malaking bahagi ng kulturang Pilipino ay impluwensya ng mga Tsino dahil sa estratehikong lokasyon ng bansa na malapit sa China.

d)

Napapaligiran ng mga anyong tubig ang Pilipinas.

23.

Ang tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas ayon sa mga guhit longhitud ay ________.

a)

116°S at 125°S longhitud

b)

118°S at 12°S longhitud

c)

127°S at 118°S longhitud

d)

115°S at 126°S longhitud

24.

Ito ay pagtukoy sa lokasyon batay sa mga anyong tubig na nakapaligid sa isang bansa.

a)

Bisinal

b)

Kritikal

c)

Insular

d)

Relatibo

25.

Dahil sa estratihikong lokasyon ng Pilipinas kung kaya tinagurian itong 

      “________ ng Asya.”

a)

Daanan

b)

Bintana

c)

Pintuan

d)

Daluyan

26.

Tumutukoy sa isang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang konsepto gamit ang siyentipikong pamamaraan ng pananaliksik.

(a)  

27.

Ano ang tawag sa malalaki at makakapal na tipak ng lupa na bahagi ng crust?

(a)  

28.

Ito ay tumutukoy sa kumpol ng mga tradisyunal na kwento, mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala.

(a)  

29.

Ito ang nagpapaliwanag sa paggalaw ng mga kalupaan sa mundo.

(a)  

30.

Isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala ng mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatauhan sa epirituwalidad at          minsan sa moralidad.

(a)  

31.

Isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala ng mga sistemang kultural at      pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatauhan sa epirituwalidad at          minsan sa moralidad.

a)

relihiyon

b)

teorya

c)

kasaysayan

d)

siyentipiko

32.

Mito o Relihiyon: Labanan ng langit at dagat

(a)  

33.

Mito o Relihiyon: Paglalaban ng tatlong higante gamit ang mga bato at lupa

(a)  

34.

Mito o Relihiyon: May higit na puwersa na naglalang sa daigdig

(a)  

35.

Mito o Relihiyon: Paghiling ng Punong Pinagmulan na magkaroon ng lupa at kagubatan na madapuan ang ibon.

(a)  

36.

Mito o Relihiyon: Ang Diyos ang may likha ng sandaigdigan.

(a)  

37.

Kailan nagpatuloy na maglakbay ang ibang pangkat ng Austronesian patimog      mula sa kapuluan ng China?

a)

1500 BCE

b)

7500 BCE

c)

4500 BCE

d)

6500 BCE

38.

Ayon sa Banal na Bibliya, lahat ng lalaki at babae ay nagmula sa unang lalaki na si __________ at sa unang babae na si _____________ na nilikha ng Diyos.

a)

Malakas at Maganda

b)

Jose at Maria

c)

Eba at Adan

d)

Adan at Eba

39.

Ayon sa mitolohiya ng Luzon, kanino nagmula ang unang pangkat ng mga tao sa Pilipinas?

a)

Sicalac at Sicavay

b)

Malakas at Maganda

c)

Mag-asawang Mandayan

d)

Uvigan at Bugan

40.

Ayon kay Peter Bellwood, kailan dumating sa Pilipinas ang mga Austronesian?

a)

2500 BCE

b)

3700 BCE

c)

4300 BCE

d)

6300 BCE

41.

Sinong arkeologong Australian ang nagsabing ang mga Austronesian ang mga ninuno ng mga Filipino?

a)

Wilhelm Solheim II

b)

Peter Bellwood

c)

Felipe Landa Jocano

d)

Henry Otley Beyer

42.

Ayon sa aklat ng Genesis, sa anong araw nilikha ang mga unang tao?

a)

unang araw

b)

ikaanim na araw

c)

ikalimang araw

d)

ikaapat na araw

43.

Mula sa aklat ng (a)   sinasabing nilikha ng Diyos ang mga tao.

44.

Ayon sa mitolohiya ng Visayas, kanino nagmula ang unang pangkat ng mga tao sa Pilipinas?

a)

Sicalac at Sicavay

b)

Uvigan at Bugan

c)

Mag-asawang Mandayan

d)

Malakas at Maganda

45.

Saan matatagpuan ang mga lipi ng mga Austronesyano?

a)

Mandagascar ng Timog Africa

b)

Timog-Silangang Asya

c)

Samoa

d)

Malaysia

46.

Ayon sa mitolohiya ng Mindanao, kanino nagmula ang unang pangkat ng mga tao sa Pilipinas?

a)

Malakas at Maganda

b)

Mag-asawang Mandayan

c)

Uvigan at Bugan

d)

Sicalac at Sicavay

47.

Ano ang eksaktong hugis ng mundo?

(a)  

48.

Ano ang klima sa mababang latitud?

(a)  

49.

Ilan ang bilang ng uri ng klima ng mga bansang matatagpuan sa gitnang latitud?

(a)  

50.

Ano ang tawag sa pantay na araw at gabi sa buong bahagi ng mundo o 12 oras na araw at 12 oras na gabi?

(a)  

51.

Ano ang tawag sa taong natagpuan ni Armand Mijares sa isa sa mga kuweba sa Cagayan?

(a)  

52.

Anong pamamaraan ang ginamit para matukoy ang edad ng isang buto ng tao o hayop na maaaring nabuhay ng sinaunang panahon?

(a)  

53.

Anong samahan ang nagpatibay ng mga batas na may kinalaman sa teritoryong pantubig ng isang bansa?

(a)  

54.

Sino ang tinuturing na Ama ng Arkeolohiya ng Timog Silangang Asaya na naniniwala na ang mga Austronesian ay nagmula sa mga isla ng Sulu at Celebes?

(a)  

55.

Sino ang nagpasikat ng Teoryang Pandarayuhan na kilala sa tawag na Wave Migration Theory?

(a)  

56.

Anong teorya ang nagsasabing ang mga kontinente ng daigdig ay nabuo dulot ng diyastropismo?

(a)  

57.

Sino ang nanguna sa paniniwalang ang Pilipinas ay nabuo sa pamamagitan ng Bulkanismo?

(a)  

58.

Sino ang nanguna sa paniniwalang ang mga Austronesian ay nagmula sa Timog Tsina at Taiwan?

(a)  

59.

Anong tawag sa bahagi ng Karagatang Pasipiko kung saan matatagpuan ang maraming bilang ng mga bulkan?

(a)  

60.

Sinong nanguna sa pagkakatuklas ng isang bahagi ng bungo at isang buto ng panga sa Yungib ng Tabon sa Palawan noong 1962?

(a)  

61.

Anong teorya ang isinusulong ni Bailey Willis?

(a)  

62.

Ayon sa teoryang ito, ang Pilipinas ay nabuo sa pamamagitan ng pagtaas ng magma mula sa ilalim patungo sa ibabaw ng lupa.

(a)  

63.

Ano ang kahulugan ng salitang barangay na mula sa salitang Malayo?

a)

buklod

b)

samahan

c)

bangka

d)

bahay

64.

Anong tawag sa namumuno sa higit na malalaking barangay?

(a)  

65.

Ano ang tawag sa gumagabay sa sultan sa mga gawaing panrelihiyon?

(a)  

66.

Ano ang tawag sa tagapagmana ng trono ng sultan?

(a)  

67.

Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim?

(a)  

68.

Anong tawag sa isang uri ng ritwal na sumisimbolo sa pakikipagkaibigan o pakikipagkapatiran?

(a)  

69.

Ano ang tawag sa asawa ng sultan, rajah o datu?

(a)  

70.

Ano ang tawag sa kumakatawan sa sultan sa malalayong lugar?

(a)  

71.

Ano itong tinatawag na Super Continent na nagsasabing ang mga kontinente ng mundo ay minsang napabilang sa isang masmalaking kontinente?

(a)  

72.

Sino ang nagpakilala sa teorya ng Super Continent o Pangea?

(a)  

73.

Sino ang nagpakilala sa Nusantao na mga Austronesyanong nagmula sa Sulu at Celebes?

(a)  

74.

Alin ang isinusulong ni Solheim?

a)

Nusantao

b)

Bulkanismo

c)

Continental Drift

d)

Core Population Theory

75.

Kaninong teorya ang Wave Migration Theory?

(a)  

76.

Ano pa ang isang tawag sa Rajah?

(a)  

77.

Ano pa ang isang tawag sa Lakan?

(a)  

78.

Sino ang ang propeta ng relihiyong Islam?

(a)  

79.

Ito ay nangangahulugang nagmula sa pamilya ng Sultan.

(a)  

80.

Nangangahulugang nasa tamang edad

(a)  

81.

Nangangahulugang may sapat na kaalaman sa pagiging isang sultan/pinuno

(a)  

82.

Nangangahulugang mayaman o pinakamayaman sa kanyang sinasakupan

(a)  

83.

Nangangahulugang magandang personalidad

(a)  

84.

Lugar kung saan sumasamba ang mga Muslim

(a)  

85.

Tawag sa punong ministro

(a)  

86.

Tawag sa kalihim ng sultan

(a)  

87.

Tawag sa kalihim sa pakikidigma

(a)  

88.

Tawag sa tagapayong pangrelihiyon

(a)  

89.

Antas ng katayuan sa lipunan mula sa taas pababa

a)

Maharlika, Timawa, Alipin

b)

Alipin, Maharlika, Timawa

c)

Timawa, Maharlika, Alipin

d)

Mahalika, Alipin, Timawa

90.

Uri ng alipin na may sariling pamamahay at ari-arian

(a)  

91.

Uri ng aliping walang sariling pamamahay at ari-arian

(a)  

92.

Ito ay sistema ng pagpapalitan ng produkto sa kapwa Pilipino o ibang lahing dumadating sa bansa.

(a)  

93.

Uri ng paniniwala o pananampalataya na may kaugnayan sa pagsamba sa kalikasan o mga bagay sa kalikasan gaya ng araw, bituin, puno, hayop, at iba pa.

(a)  

94.

Ang mga ninunong espiritu at espiritu ng kalikasan . Kadalasan itong pinaniniwalaang mga diyos ng ilan sa mga tribo sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Ito ay maaaring gawa sa inukit na kahoy , bato o anumang mineral na maaring ihugis na maliliit na bagay.

(a)  

95.

Katawagan sa tagalog na sa bisaya ay Diwata.

(a)  

96.

Katawagan sa bisaya na sa tagalog ay Anito.

(a)  

97.

Katawagan sa pinakamakapangyarihang Diyos

(a)  

98.

Diyos ng kamatayan

(a)  

99.

Diyos ng bahaghari

(a)  

100.

Diyos ng agrikultura

(a)  

101.

Diyos ng digmaan

(a)  

102.

Diyos ng apoy

(a)  

103.

Diyosa ng pag-aani

(a)  

104.

Diyos ng ibang mundo

(a)  

105.

Diyosa ng pag-ibig

(a)  

106.

Diyosa ng kagandahan

(a)  

107.

Ito ay pinaniniwalaang nagmula sa taong 890

710 BC. Mayroon itong dalawang pigura sa tuktok ng takip ang isa

ang nagsasagwan ng bangka at ang nasa harap ay tila bangkay na

nakatiklop sa dibdib ang mga kamay.

(a)  

108.

Ano ang nasa takip ng Banga ng Manunggul?

a)

pigura ng isang bungo

b)

dalawang pigura na namamangka

c)

dalawang taong magkayakap

d)

dalawang bata na naglalaro

109.

Ano ano ang binibigay ng lalaki sa sa pamilya ng kanyang mapapangasawa? Tinatawag din itong bigay-kaya.

(a)  

110.

Ano ang tawag sa sinaunang sistema ng pagasusulat ng mga Pilipino?

(a)  

111.

Ano ang tawag sa matulis na bakal o kutsilyo na ginagamit ng mga sinaunang Pilipino sa pagsususlat ng Baybayin?

(a)  

112.

Ano ang tawag sa komunidad ng mga Muslim?

(a)  

113.

Ano ang tawag sa tagapagbalita na lumilibot sa buong barangay upang maiparating sa mga tao ang isang bagong batas na napagtibay?

(a)