NEW
Font size
WorksheetsMga Sinaunang Kabihasnan sa Asya (Pre-Test)
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Sa anong panahon natutuhan ng tao ang magbungkal ng lupa at mag-alaga ng hayop?
Paleolitiko
Mesolitiko
Neolitiko
Panahon ng Metal
Alin sa mga sumusunod ang nakatulong sa pagbuo at pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya?
Paghubog ng mga pangyayari lalo na sa larangan ng kagitingan, pamumuno at pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Asyano
Paghubog at pag-unlad ng mga simpleng karunungan, batas, kaugalian, tradisyon na natutuhan ng mga sinaunang Asyano
Pagbibigay halaga sa mga pamana ng mga sinaunang Asyano
Pagsasabuhay sa mga nabuong kasaysayan ng mga sinaunang Asyano
Suriin ang larawan na nasa ibaba. Sa anong panahon ginamit ng mga sinaunang Asyano ang mga kagamitang nasa larawan?
Paleolitiko
Mesolitiko
Neolitiko
Panahon ng Metal
Alin sa mga sumusunod ang kagamitang ginamit ng mga sinaunang tao sa Panahong Mesolitiko?
Ano ang kahulugan ng kabihasnan?
Kinagawiang pamumuhay na pinaunlad ng maraming pangkat ng tao
Kinagawiang pamumuhay bunga ng pagtira sa mga lambak ng ilog
Binagong pamumuhay ng kapaligiran
Pinaunlad na pamumuhay ng tao gamit ang bagong teknolohiya
Paano masasabi na ang isang pamayanan ay isang kabihasnan?
Kapag ang mga mamamayan nito ay may sentralisadong pamahalaan, relihiyon, sistemang panlipunan, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
Kapag ang mga mamamayan nito ay may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
Kapag maayos ang pamumuhay ng mga mamamayan sa pamayanan
Kapag ang pamayanan ay may malaking populasyon at may sistemang panlipunan
Ang kultura ay salamin ng lahi. Mahalaga ito sa ikauunlad ng isang bansa. Ano ang nararapat nating gawin sa ating sariling kultura?
Gawing batayan ang ating kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan
Isabuhay at ibahagi ang magagandang kultura at tradisyon ng ating bansa
Pahalagahan ang kultura at mga tradisyon ng ating bansa
Isabuhay at pagyamanin ang mga magagandang kultura at tradisyon ng ating bansa
Mahalaga ang pagkakaroon ng wika sa pagbuo ng isang kabihasnan. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian nito?
Batayan sa paghubog ng kultura
Nagsisilbing pagkakilanlan ng mga grupo ng tao
Dahilan ng hindi pagkakaintindihan ng mga tao dahil sa pagkakaroon ng iba’t ibang wika
Nakatutulong sa pagkakaisa ng mga mamamayan
Bakit mahalagang mapaunlad ang kasanayan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng edukasyon?
Susi sa kaganapan
Susi sa kapayapaan
Susi sa kalangitan
Susi sa kaunlaran
Isa sa mahahalagang katangian ng isang kabihasnan ay ang pagkakaroon ng paniniwala at relihiyon. Ano ang ibig sabihin ng relihiyon?
Pagkilala sa pinagmulang lahi ng isang tao
Nagpapairal ng mga dapat sundin sa mga lipunan
Ito ay ang pagkilala ng tao sa isang kapangyarihang nakapaghahari sa lahat ng bagay at ang kanyang mga batas at utos ay sinusunod
Ito ay ang palaisipang hindi malaman ang simula, ang patutunguhan, at ang wakas
Noong Panahong Paleolitiko, ang mga sinaunang tao ay mangangaso. Walang katiyakan na sila ay magkakaroon ng makakain. Paano tinugunan ng mga sinaunang tao ang ganitong suliranin?
Natutuhan nilang gamitin ang apoy
Natutuhan nilang gumawa ng compass
Natutuhan ng tao na magsaka at mag-alaga ng hayop
Natutuhan nilang gumawa ng kasangkapan sa pagluluto
Suriin ang mga larawan ng mga tao sa ibaba. Paano mo mapatutunayan na ang kultura ng sinaunang tao ay dumaan sa iba’t ibang yugto ng pag-unlad?
May mga labi ng kasangkapan na natuklasan sa iba’t ibang lugar sa mundo
May mga natuklasan na iba’t ibang uri ng sandata
May mga sining ang mga sinaunang tao ang natagpuan sa mga yungib
May mga labi ng sinaunang tao na natuklasan
Paano nagkakaiba ang kabihasnan at sibilisasyon?
Ang kabihasnan ay ang pinakamataas na antas ng kultura samantalang ang sibilisasyon ay ang kabuuan ng lahat ng nagawa ng tao.
Ang kabihasnan ay ang kabuuan ng lahat nang nagawa ng tao samantalang ang sibilisasyon ay ang paraan ng pamumuhay ng tao.
Ang kabihasnan ay ang kabuuan ng lahat nang nagawa ng tao samantalang ang sibilisasyon ay ang pinakamataas na antas ng pamumuhay.
Ang kabihasnan ay ang paraan ng pamumuhay samantalang ang sibilisasyon ay ang pinakamataas na antas ng kultura.
Bakit mahalaga sa pag-unlad ng pamumuhay ng tao ang pagkakatuklas ng agrikultura?
Nagkaroon ng permanenteng tahanan ang mga sinaunang tao
Naiwasan ang mababangis na hayop sa kapaligiran
Nagkaroon ng tiyak na mapagkukunan ng pagkain ang mga tao
Nagsimulang umunlad ang kultura ng mga sinaunang tao
Paano pinaghahandaan ng mga sinaunang tao ang mga hamon ng kalikasan?
Nagtanim sila ng maraming puno sa tabi ng ilog
Nagtayo sila ng mga dike na siyang haharang sa tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain
Nagtatago sila sa kuweba tuwing panahon ng tag-ulan
Nagtatayo sila ng dike, nagtatanim ng malalaking puno sa tabi ng ilog at inaayos ang mga daluyan ng tubig upang hindi ito makapasok sa kanilang pamayanan
