NEW
Font size
Worksheetsmath
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
1. Ang talaan sa ibaba ay mga kita ng apat na tindahan noong Disyembre 2008. Aling tindahan ang may pinakamaliit na kita
Tindahan Kita
A P 5, 423.00
B P 4, 879.00
C P 3, 650.00
D P 1, 820.00
A
B
C
D
2. Makikita sa itaas ang kalendaryo para sa
Enero 2022. Batay rito, anong araw tatapat ang Pebrero 12, 2022?
Sabado
Linggo
Lunes
Martes
4. Sa isang mapa na may iskala na 1 sentimetro sa bawat 20 kilometro, gaano kalayo ang Tarlac sa Baguio kung sa mapa ay 6 na sentimetro ang layo ng dalawa?
30 km
60 km
100 km
120 km
Para sa mga bilang 4 at 5, gamitin ang menu:
MENU
Lugaw – plain ------------------------------ P 8.00
may itlog ----------------------------- P12.50
may baka ---------------------------- P15.00
Mami ----------------------------------------- P14.00
Lumpia -------------------------------------- P 7.00
Tokwa --------------------------------------- P 8.00
Tokwa’t baboy ----------------------------- P13.00
Pansit (canton, bihon) ------------------- P15.00
Soft drink ------------------------------------ P10.00
4. Si Tina ay kumain sa karinderya ni Mang Danny. Umorder siya ng lugaw na may itlog, tokwa at softdrink. Magkano ang kanyang kinain?
P 28.00
P 29.50
P 30.50
(A) P 31.50
5. Kung ang binayad niya ay P 50.00, magkano ang kanyang sukli?
P 18.50
P 19.50
P 21.50
P 22.00
6. Para sa kaayusan, bawat isang nakapila sa tanggapan ng GSIS ay mayroong bilang. Si Aling Myrna ay pang- 67. Kung ang pang- 58 ang kasalukuyang inaasikaso ng tagapamahala, ilang tao pa ang kailangan niyang hintayin bago siya mapaglingkuran?
6
7
8
9
7. Si Mae ay may P 3,500.00 sa bangko. Kinuha niya ang P 1,500.00 noong isang linggo. Noong nakaraang araw naman ay nagdeposito siya ng P 300.00. Muli siyang nagdeposito ng P 300.00 kahapon. Magkano ang nalalabi niyang pera sa bangko?
P 2, 000.00
P 2, 600.00
P 4, 200.00
P 5, 600.00
8. Ang graph sa itaas ay buwanang timbang ng sanggol ni Aling Perla magmula ng ito ay ipinanganak. Anong buwan naragdagan ng tatlong libra ang timbang ng sanggol?
Abril
Mayo
Hunyo
Agosto
9. Gustong malaman ng batang si Virgie kung gaano siya kataas. Alin sa mga sumusunod ang angkop na yunit?
Kilometro
Milimetro
Sentimetro
Milya
10. Gustong malaman ni Rey kung gaano kalayo ang kanyang paaralan sa City Hall. Ang tinitingnan niyang mapa ay may iskalang (ratio) 1 pulgada sa bawat 12, 500 pulgada. Kung ang layo ng dalawang lugar sa mapa ay may limang pulgada, anong formula ang dapat gamitin ni Rey upang malaman ang totoong pagitan ng dalawang lugar?
Kilometro
Milimetro
Sentimetro
Milya
11. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ginagamit sa pagsukat ng bigat o timbang?
Kilo
Kilometro
Gramo
Tonelada
Resulta ng Eleksyon
Kandidato Bilang ng Boto
Tony Reyes 1, 250
Lito Cruz 3, 275
Ben Mata 2, 851
Leny Corpuz 3, 050
Rita Lopez 2, 935
Fidel de Castro 2, 427
Eddie Salvador 1, 920
Noel Andres 2, 595
Ronald Ferrer 3, 109
12. Kung ang populasyon ng barangay ay 5,450, ilang porsyento humigit kumulang ang bumoto sa may pinakamataas na puwesto?
23%
55%
57%
(A) 60%
13. Ang pie graph sa itaas ay ang badyet ng pamilya Singco batay sa buwanang kita na P 10, 000.00. Magkano ang nakalaan para sa kalusugan ng pamilya?
P 5, 000.00
P 3, 500.00
P 1, 000.00
P 500.00
14. Batay sa bahagi ng mapa ng isang subdibisyon, aling dalawang kalye ang parallel?
Isidro at Aguedo
Lazaro at Aguedo
(A) Bernardo at Basilio
(A) ) Bernardo at Aguedo
Badyet ng Pamilya Santos sa Loob ng Isang Buwan
Pagkain P 4, 000
Pagpapaaral P 1, 500
Gamot P 1, 000
Rental (kuryente, tubig) P 1, 500__
Total P 8, 000
16. Batay sa badyet, ilang porsiyento ang napunpunta sa pagkain?
20%
40%
50%
60%
16. Si Tina ay bumili ng 30 metro ng telang kukurtinahin. Kung ang isang panel ng kurtina ay nangangailangan ng 2 1/4 metro ng tela, ilang metro ang matitira matapos siyang makagawa ng 13 panel?
3 1/2 metro
1 3/4 metro
1/3 metro
3/4 metro
17. Ang isang maglalako ay nagpapatong ng 30% sa bawat bagay na itinitinda niya. Kung ang puhunan niya sa isang kulambo ay P 210.00, magkano niya ito ipinagbibili?
P 275.00
P 273.00
P 240.00
P 230.00
18. Ang lupain ni Mang Elmo ay hinati ng pantay-pantay sa anim na bahagi upang ibigay sa kanyang mga anak. Ang panganay na anak ay hinati naman ang kanyang bahagi sa kanyang dalawang anak. Anong bahagi ng lupain ni Mang Elmo ang namana ng kanyang isang apo sa panganay niyang anak?
1/12
1/16
1/8
1/2
19. Si Minia ay bumili ng telang wool at cotton sa palengke. Pareho niyang nabili ito sa halagang P 150.00. Pagdating sa bahay, sinukat niya ang mga tela ng medida. Alin sa mga sumusunod ang totoo batay sa larawan sa itaas?
(A) Mas mahaba ang telang cotton kaysa wool.
(B) Magkasinghaba ang telang cotton at wool.
(C) Mas mura ang bawat metro ng wool kaysa cotton.
(D) Magkasingpresyo ang bawat metro ng wool at cotton.
20. Si Boyet ay namasyal sa kanyang Ninong Tonyo at Ninang Fely noong Pasko. Una niyang pinuntahan ang kanyang Ninang Fely na 623 metro ang layo ng bahay mula sa kanila. Pagkatapos ay pumunta siya sa kanyang Ninong Tonyo na 1, 247 metro ang layo ng bahay mula sa kanyang Ninang Fely. Ilang metro ang layo ng bahay ng kanyang Ninong Tonyo mula sa kanila?
1, 870 kilometro
187 kilometro
18.70 kilometro
) 1.87 kilometro
21. Alin ang dapat isuot kung malamig ang panahon?
jacket
sombrero
guwantes
kamiseta
22. Umuwing umiiyak ang iyong kapatid at nagsabing masakit daw ang kanyang tiyan. Sino kaya sa mga sumusunod ang dapat mong paniwalaan?
Si Letty na nagsabing siya ay naengkanto.
Si Jose na nagsabing may nagalaw siyang nuno sa punso.
Si Tina na nagsabing kinulam siya ng kagalit
Si Nene na nagsabing may sira o bulok siyang nakain.
23. Ang iyong kapatid na babae ay naglilihi. Lumapit siya sa iyo at nagpapabili ng kambal na saging dahil gusto niyang magkaanak ng kambal. Ano ang iyong gagawin?
Susundin mo siya agad para hindi siya makunan.
Sasabihin mong ang asawa niya ang dapat niyang utusan.
Ipaliliwanag mong ang pagkakaroon ng kambal na anak ay depende kung may lahing kambal ang buntis at hindi dahil sa pagkain ng kambal na saging.
Ipaliliwanag mong hindi siya magkakaanak ng kambal dahil wala naman siyang kakambal at ang asawa niya ay ganoon din.
24. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit tayo nakararanas ng pagbaha?
Pagkaubos ng mga puno sa ating mga gubat
Polusyon dulot ng usok mula sa mga kotse at sa mga pabrika
Pagtatapon ng basura sa mga ilog at lawa
Pagkawala ng ating yamang dagat
25. Ang pagong at suso ay may matigas na shell na kung tawagin ay exoskeleton. Ano ang nagagawa ng exoskeleton para sa mga ito?
imbakan ng pagkain
proteksyon
dekorasyon
imbakan ng tubig
26. Ang pagsabog ng bulkan ay mapaminsala sa tao, hayop at kalikasan. Paano natin ito mapaghahandaan?
Lumikas nang maagap pagkatapos marinig ang babala mula sa mga kinauukulan.
Hintayin munang tuluyang sumabog ang bulkan bago lumikas
Ang pagsabog ng bulkan ay hindi kailangang pag-ukulan ng pansin.
Obserbahan muna ang kilos ng hayop at insekto dahil minsan ay nagkakamali ang PHILVOCS.
27. Maraming halaman sa ating bakuran ang magagamit nating gamot laban sa iba’t ibang klaseng karamdaman. Alin sa mga sumusunod ang mainam na gamot para sa ubo?
talbos ng kamote
talbos ng oregano
talbos ng papaya
talbos ng malunggay
28. May mga sakit na hindi umuulit dahil tayo ay nabibigyan ng proteksyon kung tayo ay nagkasakit na nito. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng sakit na ito?
Tigdas
TB
H- fever
Bronchitis
29. Ang ilong ay isang maselang bahagi ng ating katawan. Maaari magdugo kapag ito’y nabangga o nasiko. Ano ang dapat mong gawin kung ang iyong ilong ay nagdurugo?
Itungo ang ulo
Itingala ang ulo
Itagilid ang ulo
Ilubog ang ulo sa tubig
30. Si Mang Paul ay isang karpintero at nais niyang ilipat ang isang bag ng semento mula sa unang palapag patungo sa ikalawang palapag. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang gamitin?
31. Ang tsaang- gubat ay maaaring gamot sa pagtatae. Anong parte ng halamang ito ang ginagamit?
dahon
bunga
tangkay
bulaklak
32. Karaniwan nang ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga opisina, paaralan, at iba pang pampublikong lugar. Ito ay isinasakatuparan upang
maiwasan ang pagkakalat ng mga upos
hindi makalanghap ng usok ang hindi naninigarilyo
makapagtipid ang mga naninigarilyo
hindi bumaho ang naturang lugar
33. Ang gatas, isda, saluyot at malunggay ay mga pagkaing mayaman sa calcium. Ano ang ginagawa nito sa ating katawan?
Nagbibigay ng init at enerhiya
Nagpapalakas ng ating buto at ngipin
Nagpapalinaw n gating paningin
Nagpaparami ng hemoglobin sa ating dugo
34. Si Aida ay kumakain ng bayabas. Ayon sa kanyang inay, ito ay mabisang gamot laban sa sipon. Anong bitamina mayroon ang bayabas?
Bitamina A
Bitamina B
Bitamina C
Bitamina E
35. Ang pamilya Torres ay maglilipat- bahay. Umupa sila ng trak na maghahakot ng kanilang mga kasangkapan. Marami silang mabibigat na gamit. Anong simple machine ang maaari nilang gamitin upang madaling mailagay ang mga kasangkapan sa trak?
lever
screw
wedge
inclined plane
36. Ang mga hayop ay mauuri sa kanilang pagkain. Ang mga kalabaw at baka ay mga herbivore, at ang mga leon at tigre ay mga carnivore. Bakit itinuturing na omnivore ang tao?
Kumakain sila ng mga gulay at hayop.
Kumakain sila ng mga herbivore at carnivore
Nakapipili sila ng gusto nilang kainin.
Niluluto nila ang kanilang pagkain.
37. Alin sa sumusunod ang HINDI tumutugon sa pangangalaga ng kalikasan?
Pagtatanim ng mga punungkahoy sa paligid
Paggamit ng lambat at hindi dinamita sa pangingisda
Madalas na paggamit ng mga magbubukid ng pestisidyo
Pagtatapon ng mga basura sa hukay (compost pit)
38. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin kung may bagyo?
1. Sundin ang mga babala na naririnig sa radio.
2. Manatili sa loob ng bahay lalo na kung babala bilang tatlo ang nakataas.
3. Lumayo sa dalampasigan o tabing- dagat.
4. Lumayo sa mga lumilipad na yero o bumagsak na poste.
1, 2 at 3 lamang
2, 3 at 4 lamang
1, 3 at 4 lamang
1, 2, 3 at 4
39. Maraming namumungang halaman sa loob ng bakuran ni Mang Tonyo. Mayroon siyang balimbing, kamias, saging, papaya at mangga. Sa unang pamumunga ng balimbing ay napakatamis ng mga prutas nito ngunit ang mga sumunod ay maasim na. Alin sa mga sumusunod ang tamang paliwanag kung bakit ganoon ang nangyari?
Nabati ng buntis ang balimbing kaya umasim.
Nagkaroon ng “cross pollination” ang kamias at balimbing.
Natural lamang na mangyari iyon sa bunga ng balimbing.
Kulang sa pataba at pausok ang halaman.
40. Alin sa mga sumusunod ang dapat gamitin sa bahay upang maiwasan ang pagkasira ng mga appliances na dulot ng pabagu-bagong boltahe (fluctuations) ng kuryente?
Circuit breaker
Fuse
Transformer
Voltage regulator
