NEW
Font size
WorksheetsREADING
Total questions: 5
Worksheet time: 2mins
Balat ng Saging
“Lito! Lito!” Si Mina ang sumisigaw. Kay lakas ng kanyang sigaw. “Bakit, Ate? Ano iyon?” Ito naman ang tanong ni Lito. Lumapit siya kay Mina. Ayaw niyang sumigaw pa ang kanyang ate. “Balat ng saging ito, hindi ba? Sino ang nagtapon nito?” Galit si Mina. Galit siya sa nagtapon ng balat ng saging. “Ako, Ate,” sagot ni Lito. Mahina ang kanyang sagot. Mahina ang kanyang tinig. “Sabi ko na nga ba. Huwag ka nang magtatapon dito, ha! Sa basurahan ka magtatapon. Hayan ang basurahan natin. Hayan, natapakan ko ang balat ng saging. Nadulas ako.” “E... hindi ko sinasadya, Ate. Talaga, hindi ko sinasadya. Hindi na ako magtatapon ng balat ng saging kahit saan. Sa basurahan na ako magtatapon.” “Mabuti. Mabuti kung gayon,” sabi ni Mina.
1. Sino ang nakatatandang kapatid?
A. MINA
B. LITO
C. LITA
D. TINA
Bakit sumisigaw si Mina?
A. GALIT SIYA
B. MAINGAY KASI
C. TINATAKOT NIYA SI LITO
D. HINDI MARINIG ANG BOSES NIYA
3. Ano ang naramdaman ni Lito nang tinanong siya ni Mina nang pasigaw?
A. NAGALIT SIYA
B. NATUWA SIYA
C. NATAKOT SIYA
D. NAGTAMPO SIYA
4. Bakit nadulas si Mina?
A. MADULAS ANG SAHIG
B. DI NIYA NAKITA ANG NILALAKARAN
C. NATAPAKAN NIYA ANG BALAT NG SAGING
D. NATAPAKAN NIYA ANG BASANG BAHAGI NG SAHIG
5. Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?
A. ANG BASURAHAN
B. ANG BALAT NG SAGING NI LITO
C. ANG MAGKAPATID
D. ANG SIGAW NI MINA
