Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Talumpati

Total questions: 15

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

Ang uri ng talumpating ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon tungkol sa ano mang bagay, pangyayari, konsepto, lugar, tao, proyekto at iba pa.

a)

A. Mapanghikayat na Talumpati

b)

B. Talumpati

c)

C. Impormatibong Talumpati

2.

Isang mapanghikayat o persweysib na talumpati ay kadalasang nakatuon sa mga paksa o isyung kinapapalooban ng iba’t ibang perspektiba o posisyon.

a)

A. Pagkuwestiyon sa isang katotohanan

b)

B. Mapanghikayat na Talumpati

c)

C. Impormatibong Talumpati

3.

 Pagdulog na ito ay halos kagaya ng isang impormatibong talumpati kung saan nagsisilbing tagapamandila ng isang posisyon ang tagapagsalita na nagpapakita ng iba’t ibang katotohanan at datos upang suportahan ang kanyang posisyon.

a)

A. Pagkuwestyon sa isang katotohanan

b)

B. Pagkuwestyon sa pagpapahalaga

c)

C. Pagkuwestyon sa Polisiya

4.

Ang pagdulog na ito ay nakasentro sa personal na paghahatol kung ano ang tama o mali, mabuti o masama, o kaya ay etikal o hindi etikal. Kailangang pangatwiranan ng isang tagapagsalita ang kanyang posisyon batay sa isang tanggap na istandard o paniniwala.

a)

A. Pagkuwestyon sa polisiya

b)

B. Pagkuwestyon sa isang katotohanan

c)

C. Pagkuwestyon sa pagpapahalaga

5.

Layunin ng pagdulog sa talumpati na ito ay hikayatin ang mga tagapakinig na magpasyang umaksyon o kumilos.

a)

A. Pagkuwestyon sa pagpapahalaga

b)

B. Pagkuwestyon sa polisiya

c)

C. Pagkuwestyon sa isang katotohanan

6.

Isang uri ng talumpati batay sa pamamaraan. Isinagawa ang talumpating ito nang walang ano mang paunang paghahanda.

a)

A. Impromptu o Biglaang Talumpati

b)

B. Ekstemporanyo o Paghahandang Talumpati

c)

C. Talumpati

7.

Ang talumpating ito ay maingat na inihanda, pinagplanuhan at ineensayo bago isagawa.

a)

A. Talumpati

b)

B. Impromptu o Biglaang Talumpati

c)

C. Ekstemporanyo o Paghahandang Talumpati

8.

Ipinakita ng mga pananaliksik na kakaunti lamang  ang naaalala ng isang tagapakinig mula sa isang talumpati kung kaya’t kailangang magbigay ng isa o dalawang pinakamahalagang ideya lamang na pag-iisapan nila.

a)

A. Magsulat kung paano ka nagsasalita

b)

B. Piliin lamang ang isang pinakamahalagang ideya

c)

C. Gumamit ng mga kongkretong salita at halimbawa

9.

Laging isaisip na nagsusulat ka ng isang talumpati at hindi sanaysay. Hindi ka babasahin, bagkus ay pakikinggan ng mga tagapakinig.

a)

A. Piliin lamang ang isang pinakamahalagang ideya

b)

B. Gumamit ng mga kongkretong salita at halimbawa

c)

C. Magsulat kung paano ka nagsasalita

10.

 Interesado ang mga tagapakinig sa konkretong detalye. Mas mabuting gumamit ng mga salitang mas karaniwan sa pandinig at karansan ng mga tao.

a)

A. Gawing simple ang pagpapahayag sa buong talumpati

b)

B. Magsulat kung paano ka nagsasalita

c)

C. Gumamit ng mga kongkretong salita at halimbawa

11.

Kailangang ilatag ng isang tagapagsalita ang kanyang kredibilidad sa pamamagitan ng kakayahan at kaalaman sa paksa, at magagawa lamang ito sa pamamagitan ng malalim na pag-unawa at pagbabasa tungkol sa paksa.

a)

A. Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at datos na ginagamit

b)

B. Gumamit ng mga kongkretong salita at halimbawa

c)

C. Gawing simple ang pagpapahayag sa buong talumpati

12.

Kapag naisulat na ang unang burador ng talumpati, balikan ito at maghanap ng mga salita Oo pahayag na maaari pang bawasan, paikliin o gawing simple.

a)

A. Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at datos na ginagamit

b)

B. Gawing simple ang pagpapahayag sa buong talumpati

c)

C. Gumamit ng mga kongkretong salita at halimbawa

13.

Ano ang isa sa mga uri ng Talumpati

(a)  

14.

Ano ang isa sa mga gabay sa pagsulat ng talumpati.

(a)  

15.

Ano ang pangalan ng inyong Student Teacher.

(a)