NEW
Font size
WorksheetsMAPEH
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Ang mga Pilipino ay may iba’t ibang uri ng tanawing kultural, alin sa mga sumusunod na tanawin ng pangkat-etniko ang kakikitaan ng disenyong okir sa kanilang tahanan?
A. Bahay ng Ivatan
B. Bahay ng Maranao
C. Bahay ng T’boli
D. Bahay ng Ifugao
Ang vakul ay headgear na isinusuot ng mga Ivatan. Ano ang layunin nito sa kanilang katawan?
A. Proteksiyon sa araw at ulan
B. Magsilbing dekorasyon at palamuti
C. Pananggalang sa masamang espiritu
D. Proteksiyon para sa kanilang kalusugan
Anong elemento ng sining ang binibigyang diin sa overlap na disenyo?
A. Linya
B. Hugis
C. Kulay
D. Espasyo
Ano ang ipinapakita ng paggamit ng overlap sa disenyo?
A. Ipinapakita nito na mainit at malamig ang disenyo.
B. Ipinapakita nito na malayo o malapit ang disenyo.
C. Ipinapakita nito na masaya at malungkot ang disenyo
D Ipinapakita nito na gumagalaw ang isang disenyo at makatotohanan.
Bukod sa linya at hugis, ano pa ang nagbibigay ganda sa isang disenyo lalo na sa palamuti at kasuotan?
A. Espasyo
B. Kulay
C. Porma
D. Tekstura
Sa watercolor painting, paano nagiging mapusyaw ang isang kulay?
A. Dagdagan ng tubig ang pintura.
B. Dagdagan ng matingkad na kulay ang tubig
C. Dagdagan ng dilaw ang isng kulay
D. Dagdagan ng itim ang isang kulay
Paano natin pahalagahan ang mga katutubong kasuotan at palamuti na gawa ng ating mga ninuno?
A. Ipagbili ang mga bagay na ito
B. Itapon na lamang ito sa basurahan
C. Itago na lamang ito upang walang makinabang
D. Ilagay sa isang Museo ang mga palamuti at kasuotan na gawa ng ating mga ninuno.
Ano ang tawag sa kaugnayan ng mga bagay sa larawan batay sa laki at taas ng mga ito.
A. krokis
B. hugis
C. laki
D. proporsyon
Kapag ang mga bagay na iyong iguguhit ay ibig mong magmukhang malayo sa paningin,
A. Iguhit ito sa pinakamataas na bahagi ng papel.
B. Iguhit ito sa pinakamababang bahagi ng papel.
C. Gawing malaki ang pagkakaguhit kumpara sa mga bagay na dapat makita sa malapit.
D. Gawing mas maliit ang pagkakaguhit nito kumpara sa mga bagay na dapat makita sa malapit
Anong pagdiriwang ang ipinapakita sa larawan na idinaraos sa Banna, Ilocos Norte?
A. Panagabuos Festival
B.Panagbenga Festival
C. Pahiyas Festival
D. Pamulinawen Festival
