NEW
Font size
WorksheetsSawikain at Aspekto ng Pandiwa
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
Piliin ang angkop na sawikaing bubuo sa diwa ng pangungusap.
Ang pelikulang iyan na may nakalulungkot na katapusan ang nagpakita sa akin na ________________ ni Jenny.
taingang-kawali
mababaw ang luha
nagbibilang ng poste
Piliin ang angkop na sawikaing bubuo sa diwa ng pangungusap.
Salamat sa kompanyang tumulong sa aking ama. Hindi na siya ngayon ____________________.
taingang-kawali
mababaw ang luha
nagbibilang ng poste
Piliin ang angkop na sawikaing bubuo sa diwa ng pangungusap.
Ayokong pumunta sa concert na iyon kahit libre. Siguradong _________________ ang venue dahil sa dami ng mga umiidolo sa kanila.
magmamahabang-dulang
di-mahulugang karayom
may gintong kutsara sa bibig
Piliin ang angkop na sawikaing bubuo sa diwa ng pangungusap.
Si Ate Lyka ay _______________ na sa darating na Linggo. Ako ang isa sa napiling flower girl.
magmamahabang-dulang
di-mahulugang karayom
may gintong kutsara sa bibig
Tukuyin ang aspekto ng pandiwang may salungguhit sa pangungusap.
Kapapakinig niya lang ng mga awitin ni Taylor Swift ngunit nagustuhan niya na agad ito.
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Tukuyin ang aspekto ng pandiwang may salungguhit sa pangungusap.
Nanonood ako palagi ng kanyang mga video upang lubos ko siyang makilala.
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Tukuyin ang aspekto ng pandiwang may salungguhit sa pangungusap.
Noong nakaraang buwan, inilabas niya ang kanyang bagong album na hinangaan ng kanyang mga tagapakinig.
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Tukuyin ang aspekto ng pandiwang may salungguhit sa pangungusap.
Siya ay babalik sa susunod na taon upang magtanghal sa iba't ibang bansa.
perpektibo
katatapos
imperpektibo
kontemplatibo
Alin sa mga sumusunod ang naiibang aspekto ng pandiwa?
umalis
sinulat
nagsalita
maglalakad
Alin sa mga sumusunod ang naiibang aspekto ng pandiwa?
kababasa
kalalagay
kumikilos
katatawag
