WorksheetsG5 AP SA Reviewer 2.2
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Tama o Mali. Ang mga misyonerong Espanyol ang nagpalaganap ng Katolisismo sa bansa.
Tama
Mali
Tama o Mali. Dumating sa Pilipinas ang iba't ibang pangkat ng mga misyonerong Espanyol.
Tama
Mali
Tama o Mali. Tinanggap ng lahat ng mga Pilipino ang pananampalatayang Kristiyanismo na ipinakilala ng mga Espanyol.
Tama
Mali
Tama o Mali. Ginamit ng mga Espanyol ang reduccion upang mapasunod ang mga katutubo sa mga patakaran ng Espanyol.
Tama
Mali
Tama o Mali. Nagbago ang mga paniniwala at pag-uugali ng mga Pilipino bunga ng Kristiyanismo.
Tama
Mali
Tama o Mali. Ang encomienda ay malalaking lupain na ipinamamahagi ng Hari ng Espanya bilang gantimpala sa mga tauhang Espanyol na tapat sa pamahalaang Espanya.
Tama
Mali
Tama o Mali. Katoliko ang relihiyon ng lahat ng mga Pilipino sa bansa noong panahon ng Espanyol.
Tama
Mali
Tama o Mali. Ang pagtatayo ng mga simbahan ay nakatulong sa pagpapalaganap ng Katolisismo sa bansa.
Tama
Mali
Tama o Mali. Ang tributo ang tawag sa buwis ng pagkamamamayan.
Tama
Mali
Tama o Mali. Ang reduccion ay ang paglipat ng mga tao mula sa orihinal na pamayanan patungo sa mga bagong panirahang itinayo ng mga Espanyol.
Tama
Mali
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tatlong estratehiyang ginamit ng mga Espanyol sa pananakop ng ating bansa?
paggamit ng dahas o espada
pagbabayad sa mga Pilipino upang sumunod
pagpapalaganap ng Kristiyanismo
paghihigpit ng pamamahala
Tama o Mali. Magkahiwalay ang kapangyarihan ng pamahalaan at simbahan noong panahon ng Espanyol.
Tama
Mali
Ano ang tawag sa paglipat ng mga tao mula sa kanilang orihinal na pamayanan patungo sa mga bagong panirahang itinayo ng mga Espanyol?
encomienda
tributo
reduccion
bandala
Ano ang tawag sa buwis sa pagkamamamayan? Ang bawat Pilipino ay sapilitang pinagbayad ng walong reales na katumbas ng piso.
encomienda
tributo
reduccion
bandala
Ano ang tawag sa pagtatalaga ng taunang kota ng produkto sa mga lalawigan? Ito ay uri ng buwis mula sa sapilitang pagbili ng mga Pilipino ng kanilang mga produkto sa pamahalaan.
encomienda
tributo
reduccion
bandala
Ito ay tumutukoy sa malalaking lupain na ipinagkakaloob ng Hari ng Espanya bilang gantimpala sa mga tauhang Espanyol na tapat sa pamahalaang Espanya.
encomienda
tributo
reduccion
bandala
Ito ang sapilitang paggawa na ipinatupad ng mga Espanyol. Lahat ng mga Pilipinong kalalakihang may edad na 16 hanggang 60 na taon ay sapilitang pinagtatrabaho na walang kabayaran.
polo y servicio
encomiendero
alcaldia
real situado
Ilang araw sapilitang pinagtatrabaho sa Polo y Servicio?
20 araw
30 araw
40 araw
50 araw
Bakit itinayo ang mga reduccion?
Upang maging masagana ang buhay ng mga Pilipino
Upang maturuan ang mga Pilipino
Upang maging masaya ang mga Pilipino at Espanyol
Upang mapadali ang pasusubaybay ng mga pari sa mga Pilipino
Tama o Mali. Bukod sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ninais din ng mga Espanyol na gawing pangunahing pinagkukunan ng mga hilaw na produkto ang Pilipinas.
Tama
Mali
