wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q2 AP 8 Reviewer

Total questions: 35

Worksheet time: 35mins

Name
Class
Date
1.

Bakit kailangang pagyamanin ang ating kultura?

a)

dahil nakagisnan na natin itong gawin

b)

dahil nabuhay tayo na mayroon ng kultura

c)

dahil ito ay namana natin sa ating mga magulang

d)

dahil ito ang magpapatunay ng ating pagkakakilanlan

2.

Bakit inilunsad ng mga Kristiyano ang Krusada?

a)

Upang mabawi ang banal na lupain

b)

Upang maipalaganap ang Kristiyanismo

c)

Upang maging Kristiyano ang mga Muslim

d)

Upang tuluyang masakop ang mga Muslim

3.

Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa. Kung walang tradisyonal na kultura walang makabagong kultura at kung hindi angkop sa makabagong lipunan, tradisyon at kultura, mahihirapan ito na panatilihin ang tao. Ano ang mensaheng ipinaaabot ng pahayag?

a)

Pahalagahan ang mga paniniwala at kultura ng bansa

b)

Ibigay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan

c)

Isabuhay at ibahagi ang mga magagandang kultura at tradisyon ng bansa

d)

Pahalagahan at pagyamanin ang lumang kultura at tradisyon na haligi ng bansa

4.

Bakit mahalaga ang batas sa pag-unlad ng isang lipunan?

a)

Nagsisilbing gabay sa paggawa ng tama at mali

b)

Nakikilala ang mga tao sa likod ng pagbuo ng batas

c)

Nasusuri ang mga laman ng batas kung makabubuti o hindi

d)

Nasusuri ang mga laman ng batas kung makabubuti o hindi

5.

Sino sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat?

a)

Caligula

b)

Crassus

c)

Caesar

d)

Pompey

6.

Ipagpalagay na ikaw ay nabuhay noong kabihasnang klasiko ng Greece. Ikaw ay nakatira sa isang lipunan na kung saan may mataas na pagpapahalaga sa mga kababaihan. Saang lungsod-estado ka napapabilang?

a)

Sparta

b)

Thebes

c)

Athens

d)

Minoan

7.

Paano nabuo at umunlad ang mga mga kabihasnan sa Europa?

a)

Bunga ng may pinagkukunang likas na yaman na naging dahilan ng kanilang pag-unlad

b)

Bunga ng pandarayuhan ng mga mamamayan kung saan naipamalas nila ang kanilang kasanayan 

c)

Bunga ng pagkakaroon ng iba’t ibang espesyalisasyon sa gawain, at pagtuklas ng makabagong kagamitan.

d)

Bunga ng pagkakaroon ng magagaling na pinuno kung saan ibinabahagi ng pinuno ang kanyang karanasan

8.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit maraming pangkat ng tao ang naghahangad na makontrol ang isang lupain?

a)

dahil sa yaman na makukuha dito

b)

dahil sa dami ng mga arkitektura dito

c)

dahil sa pagalingan ng mamumuno sa bansa

d)

dahil sa mabubuting tao ang nakatira sa lupain

9.

Sparta: Dorian; Athens: _________

a)

Ionian

b)

Plebeian

c)

Patrician

d)

Macedonian

10.

Ano ang pinakamahalagang nagawa ni Clovis sa kasaysayan?

a)

Pinag-isa niya ang mga tribung Franks at sinalakay ang mga Roman.

b)

Muli niyang binuhay ang bumagsak na imperyo ng mga Romano sa kasaysayan.

c)

Ipinakilala niya ang kaniyang sarili bilang tunay na emperador ng Imperyong Romano.

d)

Nagapi niya ang lahat ng mga pangkat ng mga Muslim na nagtangkang sumakop sa Rome.

11.

Magkakaiba ang naging pamumuhay ng mga tao sa daigdig dahil…

a)

Iba-iba ang gawi at pamahiin ng mga tao sa daigdig.

b)

Iba-iba ang hilig ng mga tao sa iba’t ibang kontinente.

c)

Iba-iba ang taglay na kagamitan ng mga bansa sa daigdig.

d)

Iba-iba ang anyong lupa at klima ng mga bansa sa daigdig.

12.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol kay Charlemagne?

a)

Siya ay anak ni Pepin the Short.

b)

Siya ay mula sa tribong Aleman.

c)

Siya ang pangunahing tumuligsa sa Kristiyanismo.

d)

Siya ay kinoronahan bilang emperador ng Holy Roman Empire.

13.

Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga pangkat-etniko?

a)

Piliin ang gagalangin na pangkat-etniko.

b)

Pagtawanan ang naiibang kulay na pangkat-etniko.      

c)

Ipakita na ang iyong relihiyon at wika ang nakataaas sa iba.

d)

Respetuhin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga pangkat-etniko.

14.

Bakit kaya nagkakabuklod-buklod ang mga pangkat ng tao sa Europa?

a)

dahil sila ay may pare-parehong paniniwala

b)

dahil sila ay may pare-parehong kagustuhan

c)

dahil sila ay may pare-parehong pagkain at inumin

d)

dahil sila ay may pare-parehong itsura at kasuotan

15.

Paano nabago ng relihiyon ang buhay ng tao?

a)

Nalaman ang mga sinasamba at pinaniniwalaan.

b)

Nakita ang hindi magandang paniniwala ng isa’t-isa.

c)

Natutong igalang at respetuhin ang paniniwala ng iba.

d)

Naging malaya sa paggawa ng mga bagay na gusto gawin.

16.

Paano nakatulong ang mga monghe sa paglakas ng simbahan at pagpapalaganap ng Kristiyanismo?

a)

Ang mga monghe ang nagsilbing tagapangalaga ng mga pag-aaring lupain ng simbahan.

b)

Ang mga monghe ang siyang naging tagapaglingkod ng mga matataas na opisyal ng simbahan.

c)

Ang mga monghe ang nagsilbing tulay sa ugnayan ng simbahan at pangkaraniwang mamamayan.

d)

Ang mga monghe ang naatasan na magpalaganap ng pananampalatayang Kristiyanismo sa iba’t ibang panig ng imperyo.

17.

Paano nakaimpluwensya ang Simbahan sa panahon ng pagbagsak ng Imperyong Romano?

a)

Ito ang nag-iisang institusyon na kinatakutan ng mga barbaro.

b)

Ito ang nagsilbing institusyong nangalaga sa pangangailangan ng mga tao.

c)

Ito ang nakipaglaban para sa karapatan ng mga mamamayan sa panahon ng kaguluhan.

d)

Ito ang naging tagapagtanggol ng mga mamamayan mula sa mapang-abusong mananakop.

18.

Ano ang itinuturing na pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Rome?

a)

Ang pagbagsak ng Imperyong Romano

b)

Ang pagdating ng mga mananakop na Muslim

c)

Ang pagdami ng mananampalatayang Katoliko

d)

Ang pagsalakay ng mga barbaro sa iba’t ibang panig ng Imperyo

19.

Paano nakarating sa Europe ang mga produkto mula sa Africa noong unang panahon?

a)

Sa pamamagitan ng kalakalang Trans-Sahara

b)

Sa pamamagitan ng mga nomadikong mangangalakal na naglakbay tungo sa Europa mula sa Africa

c)

Sa pamamagitan ng mga barkong pangkalakalan na pinangunahan ng mga mangangalakal sa rehiyon ng Mediterranean

d)

Sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga Europeo ng mga daungan sa lugar na magdadala ng mga produkto sa Europa

20.

Bakit kinatakutan ng Senate ang pag-angat sa kapangyarihan ni Julius Caesar?

a)

Nangamba ang Senate na maaaring ideklara ni Caesar ang sarili bilang hari at magwakas ang Republika.

b)

Nangamba ang mga kasapi ng Senate na lubusang tanggalin ni Caesar ang Senado at palitan ito ng ibang konseho.

c)

Natakot ang Senate sa pagkiling ni Caesar sa mga pangkaraniwang mamamayan na maaaring maging dahilan ng pagkawala nila sa kapangyarihan.

d)

Natakot ang mga kasapi ng Senate sa lubhang pagiging agresibo ni Caesar sa digmaan na maaaring magsadlak sa Rome sa higit pang kaguluhan.

21.

Paano napalawak ng Rome ang kanyang kapangyarihan magmula sa Ilog Tiber hanggang sa kabuoan ng Italy?

a)

Naging aktibo ang Rome sa pananakop ng mga mahihinang kaharian sa Italy.

b)

Naging kaanib ng Rome ang mga nagaping kaaway at ginawang kolonya ang nasakop na teritoryo.

c)

Naging tuso ang Rome sa pakikipag-ugnayang pulitikal sa iba pang mga kaharian sa kabuoan ng Italy.

d)

Nagpatupad ang Rome ng mga mahihigpit na batas na humahadlang sa posibleng pag-aalsa ng mga nasakop na lupain.

22.

Bakit nagapi ng mga Perisano ang mga Griyego sa Labanan sa Thermopylae?

a)

dahil sa mahinang kagamitang pandigma

b)

dahil sa mahinang sandatahang lakas ng mga Griyego

c)

dahil sa modernong kagamitang pandigma ng mga Persiano

d)

dahil sa pagtraydor ng isang Griyego sa kanyang mga kapwa Griyego

23.

Bakit karamihan sa mga pamayanan ng sinaunang Greece ay matatagpuan malapit sa mga baybay-dagat?

a)

dahil ang Greece ay isang kapuluan

b)

dahil ang mga sinaunang Griyego ay mahuhusay na manlalayag

c)

dahil sa ang tanging alam na hanapbuhay ng mga ito ay pangingisda

d)

dahil ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay sa sinaunang Greece ay ang karagatan

24.

Bakit sinasabing istratehiko ang lokasyon ng Rome?

a)

dahil sa isa itong tangway na popular sa anumang panig ng sinaunang daigdig

b)

dahil napagigitnaan ito ng mga pinakamauunlad na kabihasnan sa kasaysayan

c)

dahil ang topograpiya ng Rome ay lubhang angkop sa anumang uri ng hanapbuhay

d)

dahil sa ilog Tiber na nag-uugnay dito at sa Mediterranean Sea na nagbibigay-daan sa maunlad na pakikipagkalakalan

25.

Bakit mas pinili ng mga Romano na maghalal ng dalawang konsul sa halip na pumili ng isang hari?

a)

upang maging kakaiba sa mga kabihasnang nabuo

b)

upang maiwasan ang pagmamalabis sa kapangyarihan ng iisang pinuno

c)

upang higit na mapalakas ang pamahalaan sa pamamagitan ng dalawang malakas na pinuno

d)

upang maging higit na bukas ang pamahalaan sa pakikipagdayalogo sa mga mamamayan

26.

Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na paglalarawan sa republikang itinatag ng mga Romano?

a)

Isa itong pamahalaan na walang hari.

b)

Isa itong pamahalaan na nagbibigay-diin sa pagkakapantay-pantay.

c)

Isa itong pamahalaan na nangangalaga sa lahat ng karapatan ng mga mamamayan.

d)

Isa itong pamahalaan na ang tunay na kapangyarihan ay nasa kamay ng mga mamamayan.

27.

 Bakit naghimagsik ang mga plebeian laban sa mga patrician?

a)

dahil sa hindi makatarungang pagtrato sa kanila

b)

dahil sa kawalan nila ng kinatawan sa republikang Romano

c)

dahil sa mahihigpit na batas na labis na nagpapahirap sa kanila

d)

dahil sa madalas na pagdadala sa kanila sa mga digmaang kinasasangkutan ng Rome

28.

Alin ang HINDI totoo tungkol sa krusada?

a)

Lahat ng krusada ay pinamumunuan ng Papa.

b)

Pinaunlad ng krusada ang kalakalan sa pagitan ng Asya at Europa.

c)

Lahat ng krusada ay nabigong mabawi ang banal na lupain mula sa mga Muslim.

d)

Ang krusada ay inilunsad upang bawiin ang Banal na Lupain mula sa mga Turkong Muslim.

29.

Saang aspeto nagkaroon ng malawak na epekto ang mga piyudalismo?

a)

pulitika

b)

ekonomiya

c)

paglilibang

d)

sosyo-kultural

30.

Alin ang pangunahing salik sa paglago ng mga bayan?

a)

paglakas ng kalakalan 

b)

paglakas ng mga gitnang uri

c)

panunumbalik ng kapayapaan

d)

pagbabalik ng kapangyarihan ng mga hari

31.

Alin sa mga sumusunod ang mahalagang kontribusyon ng mga Griyego sa estratehiya ng pakikidigma ng mga Macedonian?

a)

Algebra

b)

Literature

c)

Phalanx

d)

Pottery

32.

Alin sa mga sumusunod ang kailangang suriin upang matukoy ang mga pangkat ng taong naninirahan sa mga kabihasnan?

a)

pananalita, kasuotan at edad

b)

pinagmulan, kulay ng buhok at edad

c)

relihiyon, kulay ng buhok, kasuotan

d)

wika, relihiyon, kultura at kaanyuan

33.

Sa mga kabihasnan na umusbong sa daigdig, makikita na napakaraming pagbabago ang naganap sa pamumuhay ng mga tao. Alin sa mga sumusunod nakatuon ang heograpiyang pantao?

a)

pag-aaral sa galaw ng tao sa kapaligiran

b)

kultura, kabuhayan at kasaysayan ng mga tao

c)

pag-aaral sa pamumuhay ng mga sinaunang tao

d)

pisikal na katangian tulad ng anyong lupa at tubig

34.

Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang pinairal ni Cleisthenes?

a)

Pantheon

b)

Republika

c)

Colosseum

d)

Ostracismo

35.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng kabihasnang Minoan?

a)

Itinatag ni Haring Minos

b)

Magaling na mangangalakal

c)

Naniniwala sila sa iisang diyos

d)

Knossos ang sentro ng kabihasnan