WorksheetsGrade 3 AP Reviewer (2nd Qtr.)
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Tukuyin ang pangalan ng anyong tubig na nasa larawan.
Ilog (River)
Talon (Falls)
Lawa (Lake)
Dagat (Sea)
Tukuyin ang pangalan ng anyong tubig na nasa larawan.
Ilog (River)
Karagatan (Ocean)
Talon (Falls)
Lawa (Lake)
Tukuyin ang pangalan ng anyong tubig na nasa larawan.
Lawa (Lake)
Bukal (Spring)
Dagat (Sea)
Sapa (Brook)
Ito ang anyong tubig na nasa bukana ng dagat.
Karagatan (Ocean)
Lawa (Lake)
Sapa (Brook)
Golpo (Gulf)
Ito ay isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos mula sa bundok patungong dagat.
Ilog (River)
Lawa (Lake)
Sapa (Brook)
Look (Bay)
Ito ay anyong tubig na napapaligiran ng lupa na mas maliit sa dagat.
Dagat (Sea)
Lawa (Lake)
Golpo (Gulf)
Bukal (Spring)
Ito ay isang maliit na anyong tubig na dumadaloy mula sa bukal.
Sapa (Brook)
Ilog (River)
Batis (Stream)
Talon (Falls)
Ito ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong tubig. Ano ito?
Dagat (Sea)
Karagatan (Ocean)
Lawa (Lake)
Ilog (River)
Ito ay isang anyong tubig na karaniwang ginagamit bilang daungan ng barko.
Look (Bay)
Sapa (Brook)
Lawa (Lake)
Ilog (River)
Ang tubig na ito ay umaagos at bumabagsak mula sa mataas na lugar patungong sapa.
ILog (River)
Dagat (Sea)
Talon (Falls)
Lawa (Lake)
Batis
Talon
Karagatan
Lawa
Tama o Mali
Maaaring magtapon ng mga kemikal sa anyong tubig.
(a)
Tama o Mali
Huwag mag-aksaya ng tubig.
(a)
Tama o Mali
Huwag gumamit ng dinamita sa paghuli ng isda.
(a)
May iba’t ibang anyo ng lupa at anyong tubig ang bansang Pilipinas.
Tama
Mali
Anong Karagatang na nasa silangan ng Luzon ang dinadaanan ng mga barkong nagdadala ng mga produkto mula at patungo sa iba’t-ibang bansa?
Karagatang Pilipinas
Karagatang Pasipiko
Karagatang Pagsanjan
Karagatang Ilog
Ang Ilog sa Luzon ang pinakamahaba at pinakamalaking ilog sa Pilipinas.
Ilog Aligawgaw
Ilog Cagayan
Rio Grande De Mindanao
Ilog Agno
Tanyag din ang talon na ito sa Lanao dahil sa ito pinagkukunan ng enerhiyang hydroelectric na tumutugon sa koryente ng malaking bahagi ng Mindanao.
Pagsanjan Falls
Marian Cristina Falls
Aliwagwag Falls
Ang mga biyaya tulad ng lupa, gubat, mineral, at tubig ay mga likas na yaman na kaloob ng ___________ sa atin.
Diyos
Diyosa
Pamahalaan
Diwata
Ano ang tawag sa mga bagay na nagmumula sa kalikasan tulad ng lupa, kabundukan, kagubatan, karagatan, mga ilog
Mineral
Likas na Yaman
Yamang lupa
Yamang tubig
Ano ang tawag sa mga yaman na nakukuha sa anyong lupa?
Yamang Lupa
Yamang Tubig
Katubigan
Kalupaan
Ano ang tawag sa mga yaman na nakukuha sa anyong tubig?
Katubigan
Kalupaan
Yamang Lupa
Yamang Tubig
Ang palay, mais, niyog, mga gulay at mga prutas ay mga halimbawa ng___________.
Yamang tubig
Yamang lupa
Yamang mineral
Yamang kagubatan
Ang mga isda, kabibe, hipon ay matatagpuan sa______.
lupa
dagat
bundok
bulkan
Alin sa mga sumusunod ang tamang pangangalaga sa ating likas na yaman?
Gumamit ng lambat na may maliliit na butas sa pangingisda.
Palitan ng mga bagong halaman ang punong pinutol mula sa ating kagubatan upang hindi ito makalbo.
Magtapon ng mga basura sa ilog o dagat.
Sunugin ang mga tuyong dahon na mula sa mga puno at halamang nalaglag mula dito.
Ano ang gagawin mo sa taong inaabuso ang ating likas na pinagkukunang-yaman?
Ipagbigay alam sa mga kinauukulan.
Huwag nalang pansinin para makaiwas sa gulo.
Hayaan na lang ang ating gobyerno ang makakita sa problema.
Gagayahin nalang din sila.
Ang mga epekto ng gawaing ito ay pagguho ng lupa, pagbaha at pagkawala ng tirahan ng mga hayop. Anong gawain ito?
Labis na pagpuputol ng mga puno
Paggamit ng dinamita sa pangingisda
Pagbuga ng maitim na usok ng mga sasakyan
Alin sa mga ito ang HINDI KABILANG sa mga paraan upang makatulong ang iyong pamilya sa pagbawas ng paggamit ng plastik?
Pagdadala ng ecobag kapag mamimili
Pagdadala ng sariling “tumbler” o lalagyan ng tubig
Paggamit ng plastik na kutsara at tinidor kapag kakain sa labas
Paggamit ng sariling “straw” na gawa sa metal o kawayan kapag bibili ng milktea
Bilang isang bata, alin sa mga ito ang maaari mong gawin habang pinapatupad ang enhanced community quarantine?
Sumama sa “tree planting activity”
Linisin ang kanal malapit sa bahay
Gumawa ng “craft” mula sa bote
Anong uring yaman ang nasa larawan
yamang-lupa
yamang-tubig
Anong uri ng yaman ito?
yamang-lupa
yamang-tubig
Anong uri ng yaman ang nasa larawan?
yamang-lupa
yamang-tubig
Anong uri ng yaman ito?
yamang-lupa
yamang-tubig
Anong uri ng yaman ito?
yamang-lupa
yamang-tubig
Ito ay epekto ng pagtatapon ng mga basura, dumi at mga nakakalasong kemikal sa mga anyong –tubig.
polusyon sa tubig
polusyon sa lupa
global warming
deforestation
Ito ay ang labis na pagputol ng mga punongkahoy sa kagubatan.
global warming
deforestation
polusyon sa lupa
polusyon sa tubig
Ito ay di normal na pag-init ng atmospera bunga ng labis na pagkakaroon ng greenhouse gasses sa kalawakan.
polusyon sa hangin
polusyon sa tubig
deforestation
global warming
Ito ay ang pagkakaroon ng marurumi at maiitim na usok sa paligid mula sa pabrika at sasakyan na dahilan sa pagkakaroon ng iba’t ibang sakit ang mga tao.
polusyon sa lupa
polusyon sa tubig
polusyon sa hangin
global warming
Ito ay epekto ng pagtatapon ng mga basura, dumi at mga nakakalasong kemikal sa mga anyong –lupa.
polusyon sa hangin
polusyon sa lupa
global warming
deforestation
Bakit mahalaga ang mga likas na yaman?
Dahil dito tayo naninirahan
Dahil dito tayo nakakakuha ng iba't ibang pagkakakitaan at ito ang tumutugon sa ating pangangailangan
Dahil ito ang ating sinisira
