WorksheetsSanaysay
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
1. Isang paglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro ng sumulat tungkol sa isang
bagay o paksa.
a. alamat
b. nobela
c. maikling kuwento
d. sanaysay
2. Ang bahagi ng sanaysay na kinakailangang maging mayaman sa kaisipan at
nagtataglay ng kaisahan ng mga detalye.
a. katawan
b. panimula
c. tunggalian
d. konklusyon
3. Ang bahagi ng sanaysay na naglalahad ng kaisipan o suliranin.
a. katawan
b. panimula
c. tunggalian
d. konklusyon
4. Ang salitang Essay (sanaysay) ay hango sa salitang Pranses na _____________.
a. Essaye
b. Essayer
c. Esayer
d. Esaye
5. Bilang ng elemento o bahagi ng sanaysay?
a. dalawa
b. tatlo
c. apat
d. lima
6. Ang bahagi ng sanaysay na nagbubuod ng mga ideyang nakapaloob sa kabuuan nito.
a. katawan
b. panimula
c. tunggalian
d. konklusyon
7. Uri ng sanaysay na ang paksa ay tinatalakay sa paraang personal.
a. di-pormal
b. pormal
c. tuluyan
d. konklusyon
8. Ang ibig sabihin ng salitang Essayer sa wikang Pranses ay ____________.
a. sumubok
b. magpaliwanag
c. magsaliksik
d. sumayaw
9. May dalawang uri ang sanaysay, ito ay ang _________ at ____________.
a. sanhi at bunga
b. positibo at negatibo
c. pormal at di-pormal
d. maanyo at walang anyo
10. Ang sanaysay ay nagsimulang yumabong sa mga sulatin ni ________________.
a. Alejandro G. Abadilla
b. Michel de Montaigne
c. Lao Tzu
d. Severino Reyes
