Font size
Worksheets2ND QUARTERLY TEST IN FILIPINO 4
Total questions: 77
Worksheet time: 46mins
Ito ay mga salitang nagpapakita ng KILOS o GALAW.
Pangngalan
Pang-uri
Pandiwa
Ito ang nagsasabi o nagpapakita kung kailan nangyari ang kilos o galaw.
Aspekto ng Pandiwa
Sanhi at Bunga
Uri ng Panlapi
Ito ay nagpapakita ng kilos o galaw na kasalukuyang nangyayari.
Kontemplatibo
Imperpektibo
Perpektibo
Ito ay nagpapakita ng kilos o galaw na magaganap pa lamang.
Kontemplatibo
Imperpektibo
Perpektibo
Ito ay nagpapakita ng kilos o galaw na naganap na o tapos na.
Kontemplatibo
Imperpektibo
Perpektibo
Ang panlaping ginamit ay makikita sa gitna o sa loob ng salitang-ugat.
Unlapi
Gitlapi
Hulapi
Laguhan
Ang panlaping ginamit ay makikita sa hulihan ng salitang-ugat.
Unlapi
Gitlapi
Hulapi
Kabilaan
Ang panlaping ginamit ay makikita sa unahan ng salitang-ugat.
Unlapi
Gitlapi
Hulapi
Laguhan
Ang mga panlaping ginagamit sa pandiwa ay tinatawag na ____________.
Salitang-ugat
Maylapi
Panlaping Makadiwa
Aspekto ng Pandiwa
Nagluluto ng masarap na ulam ang aking ate.
Nagluluto
Masarap
Ulam
Tuwing Sabado madalas maligo sa dagat ang aking pamilya,
Madalas
Maligo
Pamilya
Si Maria ay maagang naliligo sa umaga.
Maria
Naliligo
Umaga
Naglilinis ng bahay ang aking ate at bunsong kapatid.
Bahay
ate
Naglilinis
Nanonood ang mga bisita ng paborito nilang teleserye.
Bisita
Paborito
Nanonood
Mabilis na kinain ng bata ang kanyang almusal.
Mabilis
Kinain
Almusal
Naglalaba ng maruming damit ang aking kuya.
Maruming
Damit
Naglalaba
TUKUYIN ANG ASPEKTO NG PANDIWA:HUMINGA
PERPEKTIBO/NAGANAP NA
IMPERPEKTIBO/ KASALUKUYANG NAGAGANAP.
KONTEMPLATIBO/MAGAGANAP PA LAMANG
TUKUYIN ANG ASPEKTO NG PANDIWA:NAGLARO
PERPEKTIBO/NAGANAP NA
IMPERPEKTIBO/ KASALUKUYANG NAGAGANAP.
KONTEMPLATIBO/MAGAGANAP PA LAMANG
TUKUYIN ANG ASPEKTO NG PANDIWA:TUMATAWA
PERPEKTIBO/NAGANAP NA
IMPERPEKTIBO/ KASALUKUYANG NAGAGANAP.
KONTEMPLATIBO/MAGAGANAP PA LAMANG
TUKUYIN ANG ASPEKTO NG PANDIWA:NALAGLAG
PERPEKTIBO/NAGANAP NA
IMPERPEKTIBO/ KASALUKUYANG NAGAGANAP.
KONTEMPLATIBO/MAGAGANAP PA LAMANG
TUKUYIN ANG ASPEKTO NG PANDIWA: TATAKBO
PERPEKTIBO/NAGANAP NA
IMPERPEKTIBO/ KASALUKUYANG NAGAGANAP.
KONTEMPLATIBO/MAGAGANAP PA LAMANG
Anong uri ng panlapi ang salitang: HULIHIN?
unlapi
gitlapi
hulapi
Anong uri ng panlapi ang salitang: MAGANDA?
unlapi
gitlapi
hulapi
Anong uri ng panlapi ang salitang: SUMAKAY?
unlapi
gitlapi
hulapi
Ano ang panlaping ginamit sa salitang: MAGMAHAL?
mag
ma
hal
Ano ang panlaping ginamit sa salitang: WALISAN?
an
wa
li
Ano ang panlaping ginamit sa salitang: KUMAIN?
ku
um
in
Bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip. (maliliit na letra)
(a)
Salitang nagpapakita ng bilang na naglalarawan sa pangngalan.
Pamilang
Panlarawan
Salitang naglalarawan sa katangian ng pangngalan o panghalip.
Pamilang
Panlarawan
Paghahambing kung saan patas ang katangian ng dalawang pinaghahambing.
Magkatulad
Di-magkatulad
Pasukdol
Paghahambing kung saan hindi magkapareho ang katangian ng dalawang pinaghahambing.
Magkatulad
Di-magkatulad
Pasukdol
Pinakamatas na antas ng katangian ang taglay ng pangngalan.
Magkatulad
Di-magkatulad
Pasukdol
Maraming paraan para makatulong ang anak sa kanyang magulang.
Panlarawan
Pamilang
Maari kanag tumulong kahit sa maliit na bagay.
Panlarawan
Pamilang
Si Juan at Maria ay may apat na alagang aso.
Panlarawan
Pamilang
Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap.
Nagluluto ng masarap na meryenda ang aking nanay.
nagluluto
masarap
meryenda
Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap.
Matamis ang ubas na binili ng aking nanay.
matamis
ubas
binili
Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap.
Mainit ang temperatura sa hilagang Luzon.
temperatura
mainit
Luzon
Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap.
Malalim ang ilog kaya naman hindi kami nakatawid.
Malalim
ilog
nakatawid
Gumawa ng pangungusap na naglalarawan tungkol sa bagay na nasa larawan.
Gumawa ng pangungusap na naglalarawan tungkol sa bagay na nasa larawan.
Gumawa ng pangungusap na naglalarawan tungkol sa bagay na nasa larawan.
Ang (a) ay salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Pang-abay na tumutukoy sa paraan kung PAANO ginawa ang kilos.
Panlunan
Pamanahon
Pamaraan
Pang-abay na tumutukoy sa lugar kung SAAN ginawa ang kilos.
Pamanahon
Paramaraan
Panlunan
Pang-abay na tumutukoy sa panahon kung KAILAN ginawa ang kilos.
Pamaraan
Pamanahon
Panlunan
Tukuyin ang pang-abay na PAMARAAN sa pangungusap.
Maingat na ibinalik niya ang alahas sa lalagyan nito.
maingat
ibinalik
alahas
lalagyan
Tukuyin ang pang-abay na PAMARAAN sa pangungusap.
Sumagot nang pasigaw ang tsuper ng dyip.
sumagot
pasigaw
tsuper
dyip
Tukuyin ang pang-abay na PAMARAAN sa pangungusap.
Ang tagahatid-sulat ay mabilis maglakad.
tagahatid-sulat
mabilis
maglakad
Tukuyin ang pang-abay na PAMARAAN sa pangungusap.
Dali-dali niyang kinain ang kanyang almusal.
Dali-dali
kinain
kanyang
almusal
Tukuyin ang pang-abay na PAMARAAN sa pangungusap.
Ang mga damit ay itiniklop ni Weng nang maayos.
damit
itiniklop
Weng
maayos
Tukuyin ang pang-abay na PAMARAAN sa pangungusap.
Ang mag-anak ko ay tahimik na namumuhay sa probinsiya.
mag-anak
tahimik
namumuhay
probinsya
Tukuyin ang pang-abay na PAMARAAN sa pangungusap.
Ang mga liham na iyan ay binasa niya nang palihim.
liham
binasa
palihim
Tukuyin ang pang-abay na PAMARAAN sa pangungusap.
Kalayaan ang taimtim na hinahangad ng mga tao.
kalayaan
taimtim
hinahangad
tao
Tukuyin at isulat ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.
Isinampay sa bakuran ang mga damit na bagong laba.
(a)
Tukuyin at isulat ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.
Sumisid sa dagat ang mga anak ng mangingisda.
(a)
Tukuyin at isulat ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.
Hintayin mo dito ang sundo mo mamayang hapon.
(a)
Tukuyin at isulat ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.
Ang paninigarilyo ay mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng klinika.
(a)
Tukuyin at isulat ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.
Sa harap ng simbahan tayo magkita sa Linggo.
(a)
Tukuyin ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.
Manonood kami ng sine sa darating na Linggo.
Manonood
ng sine
sa darating na linggo
linggo
Tukuyin ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.
Araw-araw siyang nakikinig sa radyo.
Araw-araw
nakikinig
sa radyo
Tukuyin ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.
Si Jose ay darating mula sa Cavite sa makalawa.
darating
sa Cavite
sa makalawa
Tukuyin ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.
Nagkita kami ni Marie noong kaarawan ni Justine sa Jollibee.
Nagkita
noong kaarawan
noong kaarawan ni Justine
ni Justine
Tukuyin ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.
Ipinalabas kagabi sa telebisyon ang pelikulang Spider-Man.
Ipinalabas
kagabi
sa telebisyon
Tukuyin ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.
Hindi ka kasi nakikinig sa mga magulang mo kaya parati kang sinasabihan.
nakikinig
magulang
parati
sinasabihan
Isulat ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.
Sa Lunes gaganapin ang pulong ng mga guro.
(a)
Isulat ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.
Hiniram ni Mang Berting ang diyaryo natin kahapon.
(a)
Isulat ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.
Nakikita ko paminsan-minsan ang mga dati kong kaklase.
(a)
Masayang nagpaliwanag si Kesz tungkol sa kanyang tinanggap na premyo.
Panlunan
Pamanahon
Pamaraan
Malungkot niyang inalala ang kanyang pinagdaanang bauhay.
Panlunan
Pamanahon
Pamaraan
Nagluto si Nanay at kumain ang pamilya ng ikalabindalawa ng tanghali.
Pamanahon
Panlunan
Pamaraan
Sa paaralan napagtitibay ng mga guro ang mga aral na ito.
Pamaraan
Panlunan
Pamanahon
Sa bansa mapupunta ang mga kabutihang magagawa ng mga mamamayan.
Pamaraan
Panlunan
Pamanahon
Magtala ng pangungusap na ginamitan ng pang-abay na pamanahon.
(2 puntos)
Magtala ng pangungusap na ginamitan ng pang-abay na panlunan.
(2 puntos)
Magtala ng pangungusap na ginamitan ng pang-abay na pamanahon.
(2 puntos)
