wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 2nd

Total questions: 40

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod na pangunahing pangkat ng pulo ang may

pinakamalaking populasyon?

a)

Luzon                   

b)

Palawan

c)

Visayas

d)

Mindanao

2.

Aling rehiyon ang may pinakamaliit na bilang ng naninirahan.

a)

CAR                      

b)

Caraga

c)

ARMM

d)

MIMAROPA

3.

Aling rehiyon ang may pinakamaraming naninirahan?

a)

CALABARZON   

b)

Kanlurang Visayas

c)

Gitnang Luzon

d)

National Capitan Region

4.

Ilan ang bilang ng populasyon sa National Capital Region batay sa

census ng 2010?

a)

11.08 milyon

b)

11.86 milyon

c)

18.01 milyon

d)

18.10 milyon

5.

Bakit marami ang naninirahan sa NCR?

a)

Dahil makabago ang kanilang pamamalakad.

b)

Dahil nasa sentro ito ng bansa.

c)

Dahil maraming magagandang gusali rito.

d)

Dahil maraming oportunidad o pagkakataon dito upang

            makapag-aral at kumita.

6.

Ano ang isang pagbabago dahil sa malakihang pagpapatayo ng mga industriya, pagtatatag ng kalakalan at iba pang mga gawaing pang-ekonomiya?

a)

Polusyon                         

b)

Industriyalisasyon

c)

Global Waming

d)

Climate Change

7.

Kasabay ng pag-unlad ng mga industriya, saan inilaan ang pagkakaroon ng pondo para sa mga proyekto o ito ay muling pagtatanim?

a)

Pagkakaingin                  

b)

Climate Change 

c)

Reforestation

d)

Global Warming

8.

Ano ang maaaring epekto ng walang habas na pagpuputol ng malalaking punongkahoy sa kabundukan at kagubatan at nagiging sanhi rin ng pagkasira ng mga pananim at ari-arian?

a)

Polusyon                                     

b)

Pagbaha at pagguho ng lupa

c)

Pagkakaingin

d)

Chloroflourocarbons

9.

Ano ang tawag sa pagtaas ng temperatrura ng mundo sanhi ng mga chloroflourocarbons na nanggagaling sa mga industriya at mga kabahayan?

a)

Global Warming             

b)

Climate Change

c)

Bio-intensive gardening

d)

Pagbaha at pagguho

10.

Ang isyung pangkapaligiran na ginawa ng tao para makagawa ng uling, upang pagtamnan ang lupa o pagtatayuan ng tirahan o komersiyal na gusali_________.

a)

Polusyon                                     

b)

Pagkakaingin o pagsusunog  

c)

Climate Change

d)

Global Warming

11.

Nalaman mo na ang tatay ng kaklase mong si Sophia ay mahilig mag-alaga ng mga natatanging hayop. Minsan sa kaniyang pangingisda ay nakahuli siya ng pawikan . Iniuwi niya ito at inilagay sa isang palanggana.Tama ba ang kanyang ginawa?

a)

Oo dahil iniuwi niya ito sa kanyang bahay at aalagaan.

b)

Hindi dahil huwag hulihin ang mga hayop lalo na ang mga

   endangered species o mga hayop na malapti nang maubos.

c)

Oo dahil nahuli niya ito kay dapat lang na ito ay sa kanya na.

d)

Oo dahil may ipagmamayabang na siyang alagang pawikan sa

            kanyang bahay.

12.

Ano ang sasabihin mo sa bata habang ikaw ay nasa daan pauwi sa inyong tahanan, nakita mong sinisira ng isang bata ang mga halaman ng iyong kapitbahay?

a)

Bata, huwag sirain ang mga halaman sa paligid.

b)

Segi ka lang sa pamimitas wala naman ang may-ari.

c)

Segi, magpakasaya ka, pitasin mo ang maibigan mo!

d)

Bata, maganda ang ipinakita mong ugali sa pamimitas

13.

Marami kang kaibigan na nakatira sa estero o malapit sa katubigan. Doon nila itinapon ang kanilang mga basura kaya’t madalas ang pagbaha rito. Ano ang sasabihin mo sa iyong mga kaibigan?

a)

Pagsabihan ko sila na ituloy nila ang pagtatapon dahil mabuti

            ang kanilang ginawa.

b)

Pagsabihan nang maayos na iwasan nila ang pagtatapon ng mga basura sa estero o mga kanal dahil ito ay nakapagpipigil sa tamang daloy sa tubig at nagdudulot din ng masamang epekto sa ating paligid.

c)

Hahayaan ko silang nagtatapon kasi problema na nila iyan

            kung madalas ang pagbaha sa kanilang lugar.

d)

Pagsabihan ang kaibigan na sasama ka rin sa kanilang pagtatapon ng basura.

14.

Napansin mo ang iyong kaklase na si Nilo na sa kaunting pagkakamali sa pinasusulat ng guro ay agad niya nang itinatapon ang kaniyang papel. Paano mo ipaliwanag sa kanya ang kahalagahan ng papel?

a)

Sisigawan siya sa harap ng mga kaklase.

b)

Wala kang sasabihin sa kanya dahil pag-aari naman niya ang

            papel na itinatapon.

c)

Agad ko siyang aawayin at pagmayabangan dahil marami seguro siyang pera kaya agad niyang itinatapon ang papel kahit kunting pagkakamali lang ng pagsulat.

d)

Sasawayin at ipapaliwanag ko sa kaniya na hindi tama ang kanyan ginawa sa halip ay huwag agad itataponang papeldahil  puwede itong tiklupin nang maayos at ilagay sa tamang lalagyan at mapapakinabangan pa sa ibang  paraan.

15.

Nalaman mo ang iyong ama ay gumamit ng dinamita sa kaniyang pangingisda. Natutunan mo sa paaralan na ipinagbabawal ito

ng pamahalaan at maaari siyang makulong kung siya ay mahuli.

Paano mo ito sasabihin sa iyong ama?

a)

Siigawan ang tatay dahil mas may pinag-aralan ka kaysa  kanya.

b)

Ipagpapatuloy mo tatay para marami ang hinuhuli mong mga isda.

c)

Hahayaan na lang kita tatay dahil may marami kang nahuhuling

            isda pag-uwi sa bahay.

d)

Ipapaliwanag ko sa Tatay hindi tama ang kanyang ginawa dahil

sa ipinagbabawal ang paggamit ng dinamita sa pangingisda dahil pati maliliit na isda ang mahuhuli. at nasisira rin ang ibang hayop na nasa dagat.

16.

Ano ang ibig sabihin na ang bansang Pilipinas ay kilala bilang isang

agrikultural na bansa.

a)

mayaman ang nakatira dito      

b)

marami ang nagtitinda dito       

c)

malawak ang taniman dito

d)

malaki ang mga pabrika dito

17.

Pangunahing pangkabuhayan ng ating bansang Pilipinas dahil sa

napalibutan ito ng kalupaan at katubigan.

a)

Turismo at Kalakal                     

b)

Pagsasaka at Panginigisda    

c)

Magnegosyo at OFW

d)

Pagmimina at Pagtotroso

18.

Tawag sa mahabang panahon ng tag-init.

a)

windmill                                        

b)

Climate Change

c)

Reforestation          

d)

El Niño Phenomenon

19.

Ang pagbabago ng klima ng mundo at likas na pangyayari tulad ng

kalamidad.

a)

Lokasyon             

b)

Climate Change

c)

Direksiyon

d)

Pagkakaingin

20.

. Ito ay mahalaga at nagmumula ang mga produkto na pangunahing

pangangailangan ng tao para sa patuloy na pamumuhay.

a)

Sa pagsusugal at pagbibisyo

b)

Sa kanyang malalaking bahay

c)

Sa kanyang magagandang sasakyan

d)

Sa kanyang kabuhayan o pagtatrabaho

21.

Kailan natukoy ng United Nations Conference on Human Development ang posibilidad ng ugnayan ng kalikasan at kaunlaran?

a)

1972                     

b)

1974

c)

1973

d)

1975

22.

Sa taong ito binuo ng United Nations ang Pandaigdigang Komisyon sa Kalikasan at Kaunaran.

a)

1978                     

b)

1987

c)

1979

d)

1988

23.

Makalipas ang isang dekada, nabuo sa taong ito ang World Summit on Sustainable Development.

a)

2000                     

b)

2002

c)

2001

d)

2004

24.

Ito ay tumutukoy sa pagtugon sa mga pangangailangan at mithiin ng mga tao nang may pagsasaalang-alang sa kakayahan ng susunod na henerasyon na makamit ang kanilang pangangailangan.

a)

Agenda 21           

b)

sustainable consumption

c)

United Nations

d)

sustainable development

25.

. Ito ay binuo ng pamahalaan upang magsagawa ng iba’t-ibang istratehiya para matugunan ang pangangailangan ng mga tao.

a)

Rio Earth Summit

b)

United Nations Millennium Development

c)

Philippine Strategy for Sustainable Development

d)

United Nations Conference on Human Environment

26.

Ano ang tawag sa kaparaanan ng tao sa buhay at kuro o opinion ng buong lipunan na batay sa kanilang karanasan at kinagawian?

a)

Kultura                 

b)

Kabuhayan

c)

Lokasyon

d)

Heograpiya

27.

Ang iyong kamag-aaral na sina Anna at Marie ay nagyaya na maglaro kayo ng tumbang preso at patintero, samantala si Pia at Christine ay nagyaya na maglaro ng computer games na ang gumawa ay mga dayuhan. Sino ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kulturang kinagisnan?

a)

si Pia                    

b)

sina Anna at Marie

c)

si Anna Marie    

d)

sina Pia at Christine

28.

Paano maipapakita ang pagpapahalaga at pagmamalaki sa kultura?

a)

Ipagmalaki na palagi kang nanonood ng K Drama.

b)

Ipagmalaki na galing sa ibang bansa ang iyong mga damit.

c)

Ipagmalaki na tumatangkilik ka sa mga larong video games na ginagawa ng mga dayuhan.

d)

Ipagmalaki ang mga natatanging kaugalian ng mga Pilipino gaya ng pakikisama, bayanihan, at pakikiramay.

 

29.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pagmamalaki sa kulturang Pilipino maliban sa isa.

a)

Pagtangkilik sa larong Pinoy.

b)

Pagkalimot sa ating tradisyon.

c)

Paggalang sa watawat ng Pilipinas.

d)

Pagsasaliksik sa mayamang kultura ng bansa.

30.

Ano ang dapat gawin ng mga taong magkaiba ang kultura sa isang komunidad?

a)

Ipagwalang-bahala na lamang.

b)

Mag-iwasan para maging mapayapa ang komunidad.

c)

Magtulungan sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad.

d)

Makipaglaban sa isa’t isa upang magkaroon ng iisang nangungunang kultura lamang.

31.

Patuloy sa paglalakad habang inaawit ang pambansang awit.

a)

Tama

b)

Mali

32.

Ilagay ang kanang kamay sa may dibdib habang inaawit ang Lupang Hinirang.

a)

Tama

b)

Mali

33.

Huwag nang tanggalin ang suot na sombrero kahit may flag ceremony.

a)

Tama

b)

Mali

34.

Ituloy lamang ang kuwentuhan habang itinataas ang watawat.

a)

Tama

b)

Mali

35.

Tumayo nang tuwid habang inaawit ang pambansang awit.

a)

Tama

b)

Mali

36.

Tiklupin nang maayos ang watawat.

a)

Tama

b)

Mali

37.

Awitin nang wasto at may damdamin ang Lupang Hinirang.

a)

Tama

b)

Mali

38.

Ira-rap ang pag-awit ng Lupang Hinirang.

a)

Tama

b)

Mali

39.

Iingatan na huwag sumayad o bumagsak sa lupa ang watawat.

a)

Tama

b)

Mali

40.

Laging pahalagahan ang paghihirap ng mga ninuno upang makamit ang kalayaan.

a)

Tama

b)

Mali