Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 12

Total questions: 5

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kahulugan ng salitang Griyego na syntithenai na pinagmulan ng salitang sintesis?

a)

sama-samang ilagay

b)

tayaing mabuti

c)

ilahad ang tama

d)

suriin nang maayos

2.

Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng layunin sa pagsulat ng sintesis?

a)

pagpapakilala ng sariling kaalaman

b)

paglalahad ng wasto o angkop na impormasyon mula sa mga pinaghanguan o sanggunian

c)

pagpapatibay ng nilalaman ng akda o teksto at pagpapalalim ng pang-unawa ng mga mambabasa

d)

paglalahad muli sa organisadong pamamaraan ng nilalaman ng akda

3.

Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan kung bakit kinakailangang may organisasyon ang mga ideyang inilalahad sa pagsulat ng sintesis?

a)

dahil nanggagaling ang mga ideya sa iba’t ibang batis ng kaalaman

b)

dahil naglalahad ito ng buhay ng isang tao

c)

dahil ito ay isang uri ng sulatin na siyentipiko at teknikal

d)

dahil ang pag-aaral nito ay ginagamit sa mga disertasyon o tesis

4.

Bakit maituturing na ebalwasyon o pagsusuri ang pagsulat ng sintesis?

a)

sapagkat tinutukoy nito ang mga impormasyon o ebidensiyang may kaugnayan sa paksa

b)

sapagkat dumaraan ang mga teksto sa kakaibang proseso ng pagbabasa bago naisasama sa akda

c)

sapagkat kinakailangan na maging labis na teknikal ang mga impormasyong isinusulat

d)

sapagkat nagsasalaysay ito ng mahahalagang impormasyong mula sa akda

5.

Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na paliwanag sa pagkakaiba ng layunin ng sintesis na explanatory at argumentative?

a)

Ang sintesis na explanatory ay may layuning ipaliwanag ang tiyak na paksa samantalang ang sintesis na argumentative naman ay may layuning pagtibayin ang argumentong inilalahad ng manunulat tungkol sa isang paksa.

b)

Ang sintesis na explanatory ay may layuning bigyang-sagot ang mga tanong ng mambabasa tungkol sa paksa, samantalang ang argumentative na sintesis ay may layuning magkaroon ng pagtatalo tungkol sa isang tiyak na paksa.

c)

Ang sintesis na explanatory ay may layuning isa-isahin ang mga nagaganap sa isang kuwento samantalang ang sintesis na argumentative ay may layuning makapanghikayat ng mambabasa tungkol sa isang tiyak na paksa.

d)

Ang sintesis na explanatory ay may layuning maglahad ng malikhaing pangyayari samantalang ang sintesis na argumentative ay may layuning tumalakay ng mga paksa sa iba’t ibang aspekto.