NEW
Font size
WorksheetsAP10_2nd Qtr_Reviewer_Part 1
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Mabilis ang pagkalat ng mga impormasyon sa panahong kasalukuyan. Ano ang proseso ng pakikipag-ugnayan at pagsasama-sama sa pagitan ng mga tao, mga kompanya at mga pamahaalan sa buong mundo?
Globalisasyon
Kooperasyon
Kontrakwalisasyon
Maraming naging papel ang globalisasyon sa ating pamumuhay at sa buong mundo. Bakit maituturing na isang isyung panlipunan ang globalisasyon?
Sapagkat maraming kabataan ang napapariwara dahil sa kanilang mga magulang na pinili mangibang bansa.
Sapagkat patuloy ang pagdami ng mga makabagong teknolohiya na nagdudulot ng paglimot sa kultura ng ating bansa.
Sapagkat direkta nitong binago, binabago at hinahamon ang sistema ng pamumuhay at mga institusyon na matagal nang naitatag.
Malaki ang pagbabagong dulot ng globalisasyon. Alin sa sumusunod ang HINDI nagsasaad ng paniniwalang pinagmulan ng globalisasyon?
Ang globalisasyon ay pinaniniwalaang dumaan sa anim na “wave”o panahon.
Ang paniniwalang ang globalisasyon ay mula sa partikular nabahagi ng kasaysayan na marami ang pinag-ugatan.
Ang paniniwalang ang globalisasyon ay nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo at walang kaugnayan sa mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
Anong artikulo at seksyon ng Saligang Batas ng 1987 ang nagsasaad na ang estado ay dapat magkaroon ng buong proteksyon sa paggawa, lokal man at ibang bansa, organisado at hindi organisado, at itaguyod ang pagtatrabaho at pagkakapantay-pantay ng mga oportunidad sa pagtatrabaho para sa lahat?
Artikulo XI, seksyon 3
Artikulo XIII, seksyon 2
Artikulo XIII, seksyon 3
Alin sa sumusunod ang tawag sa mga taong nagpupunta sa ibang lugar o bansa na walang dokumento, walang permiso para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan?
Irregular Migrants
Permanent Migrants
Acquired Migrants labor
Kilala bilang makabagong bayani ang ating mga OFW. Bakit higit na mapanganib para sa kababaihan kaysa kalalakihan ang pangingibang-bansa?
Mas madalas silang maabuso.
Hindi maganda ang nakukuha nilang trabaho.
Naiiwan nila ang kanilang mga anak nang walang nag-aalaga.
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pananaw o perspektibo tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon?
Ito ay pinaniniwalang nakaugat sa bawat isa.
Ito ay pinaniniwalaang may anim na “wave” o epoch.
Ito ay nakaugat sa pamayanang binubuo ng mayayaman.
Alin sa sumusunod na pahayag ang maglalarawan sa binago ng globalisasyon ang sistema ng hanapbuhay ng mga Pilipino?
Pagdami ng bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng makabagong teknolohiya.
Patuloy na pagtatayo ng negosyo ng mga dayuhan sa ating bansa.
Pagdagsa ng Business Process Outsourcing (BPO) sa ating bansa.
Alin sa sumusunod na tugon ang maaaring mong gawain kung ikaw ay isang miyembro ng lipunan at nakikita mo na ang epekto ng globalisasyon sa politika, ekonomiya, teknolohiya at kultura?
Gawing hamon sa buhay ang mabuti at masamang epekto ng globalisasyon.
I-post sa social media ang damdamin tungkol sa epekto ng globalisasyon.
Palawakin at linangin ang mabuting epekto ng globalisasyon.
Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy sa epekto ng globalisasyon?
Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard.
Ang palagiang pangingibang bansa ng mga artista para magbakasyon o umiwas sa mga intriga na ipinupukol sa kanila ng mga taong galit sa kanila.
Binago ng globalisasyon ang pook pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa paglipat sa loob ng bansa ng mga migrante na magmumula sa bayan, lalawigan o rehiyon patungo sa ibang pook?
Panloob na migrasyon
Migration Transition
Pambansang migrasyon
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagrerecuit, pagdadala, pagtatago at pagtanggap ng mga tao sa pamamagitan ng hindi tamang pamamaraan tulad ng dahas at pagkidnap?
Slavery
Forced Labor
Human Trafficking
Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan ng pangingibang bansa ng mga Pilipino?
Makapaghanap buhay na may mataas na sweldo.
Matuto ng makabagong kasanayan at kakayahan.
Makapag-aral sa mga kilalang unibersidad sa ibang bansa.
Alin sa sumusunod ang higit na nakatutulong at nakapagpapaganda ng ekonomiya ng Pilipinas na idinidulot ng mga OFW’s?
Pagbili ng mga kalakal ng OFW sa bansang kanilang napupuntahan.
Pagdami ng mga OFW kung kaya sa ibang bansa na sila umaasenso.
Pagtaas ng mga remittances na naipapadala ng mga OFW sa Pilipinas.
Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng dahilan kung bakit lumago ang kaisipang globalisasyon?
Sa pagsulong ng teknolohiya, politika at transportasyon
Sa pagsulong ng kooperasyon, bayanihan at komunikasyon
Sa pagsulong ng teknolohiya, kooperasyon at komunikasyon
