NEW
Font size
WorksheetsARTS 2nd
Total questions: 40
Worksheet time: 40mins
Alin sa ibaba ang tumutukoy sa mga bagay na nasa likod at kadalasang maliliit sa isang likhang sining?
Foreground
Background
Middle ground
Centerground
Ang disenyong okir ay gawa ng ________?
lfugao
Ivatan
Maranao
Gaddang
Nagagawa ng pintor na maging malapit o malayo ang mga bagay
sa kanyang likhang sining gamit ang?
kulay
Espasyo
Tekstura
Proporsiyon
Sila ay mga pangkat etniko na nakasentro ang pamumuhay sa lawa ng Lanao?
Ifugao
Maranao
Tboli
Gaddang
Paano nakatutulong ang mga kulay sa pagbibigay ng mensahe sa larawan?
Ang kulay ay may kahulugan na ipinapabatid.
Ang kulay ay nagtataglay ng ng mga tekstura na pwedeng bigyan ng kahulugan.
Ang kulay ay nagpapatingkad ng larawan ng dibuho .
Ang mga kulay ay nagbibigay aliw sa mga nanunuri.
Anong elemento ng sining ang binigyang diin sa overlapping na disenyo?
Tekstura
Linya, hugis at kulay
Porma
Espasyo
Anong katangian ng kulay ang tumutukoy sa paglalagay ng
mapusyaw at madilim na kulay sa isang larawan?
Hue
Intensity
Value
Contrast
Bukod sa linya at hugis, ano pa ang nagbibigay ganda sa isang disenyo lalo na sa disenyong palamuti at kasuotan?
Kulay
Tekstura
Espasyo
Porma
Bakit iba-iba ang mga likhang sining ng mga pangkat-etniko sa mga pamayanang kultural?
Iba-iba ang kanilang kultura at kapaligirang kinagisnan.
Nagpapagalingan sila ng mga disenyo.
Wala silang kamalayan sa mga bagay-bagay sa kapaligiran.
Kanya-kanya silang mag-isip ng mga disenyo.
Saan matatagpuan ang mga T’boli?
Mindanao
Luzon
Ifugao
Visayas
Ano ang sistema ng pagsasaka ng mga T’boli?
Kaingin
Pag-aalaga ng hayop
Pagtatanim ng palay
Pagtatanim ng gulay
Anong element ng sining ang ginagamit sa pagdisenyo ng kasuotan?
Hugis at kulay
Proporsiyon
Espasyo
Linya
Ang kasuotan at palamuti ay nagiging kaakit-akit kung maganda ang
Disenyo
Kulay
Hugis
Anong kaugalian ang dapat isaalang-alang kung nagpipinta ng watercolor?
Tapusin ang gawain sa takdang oras
Magpahiram ng gamit sa mga walang dala
Linisin ang lugar na pinaggawaan matapos ang magpinta
Makipagkwentuhan sa kamag-aral habang gumagawa
Anong pagdiriwang ang idinaraos sa sa Lungsod ng Baguio?
Panagbenga
Pahiyas
Moriones
Maskara
Sa paggawa ng myural, anong pagpapahalaga ang dapat na bigyang pansin?
Pagsasarili sa ideyang gagawin.
Pagtutulungan at kooperasyon sa paggawa.
Pag-uwi ng mga gawaing di natapos.
Pagpapagawa ng mahihirap na detalye sa mga nakatatanda.
Ang kulay na berde ay karaniwang ginagamit sa aling sumusunod na mga bagay?
Buhangin, araw, tubig
Bundok, damuhan, dahon
Dagat, kalawakan
Mansanas, kanin, baka
Kung ikaw ay nakabisita o napadpad sa lugar na tinitirhan ng mga pangkat etniko, paano mo maipakikita ang respeto at pagpapahalaga sa kanila?
Magmasid sa kanilang kultura at huwag pansinin ito.
Igalang ang kanilang kultura at maging sensitibo ditto.
Gamitin ang kanilang kagamitan nang naayon sa gusto
Gawing libangan ang kanilang kapaligiran.
Bakit iba-iba ang mga likhang sining ng mga pangkat - etniko sa mga pamayanang kultural?
Iba-iba ang kanilang kultura at kapaligirang kinagisnan
Nagpapagalingan sila ng disenyo.
Wala silang kamalayan sa mga bagay-bagay sa kapaligiran.
Kaniya-kaniya sila mag-isip ng disenyo.
Paano nakatutulong ang pagguhit at pagpipinta sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga pamayanang kultural?
Nagmumulat ito ng kamalayan tungkol sa mayayamang kultura nila
Nagpapakita ito ng tamang estilo sa pagguhit.
Nakapaloob dito ang lahat ng elemento ng sining.
Nagiging inspirasyon ito para magaya mo ang mga kaugalian nila.
Sa pamamagitan ng value sa pagkulay nagiging makatotohanan
at maganda ang larawan.
Tama
Mali
Sa watercolor painting, naipakikita ang tamang value sa pagkulay sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tubig.
Tama
Mali
Sa watercolor painting, maaaring makalikha ng ibang epekto sa likhang sining.
Tama
Mali
Sa watercolor painting, nagiging mapusyaw ang isang kulay kapag dinagdagan ng dilaw ang isang kulay.
Tama
Mali
Nakatutulong ang pagguhit at pagpipinta sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa pamayanang kultural.
Tama
Mali
. Pagtawanan ang tradisyon ng ibang pamayanang kultural.
Tama
Mali
. Dapat nating pahalagahan ang pamayanang kultural sa pamamagitan ng kanilang likhang-sining.
Tama
Mali
Purihin natin ang magandang tanawin na makikita sa pamayanang kultural.
Tama
Mali
Magtulungan tayo upang mapayaman natin ang kultura ng ating pamayanang kultural.
Tama
Mali
Ipagwalang bahala ang likhang sining ng ibang pamayanang kultural.
Tama
Mali
. Kulay ang nagbibigay ng buhay sa mga bagay sa paligid.
Tama
Mali
Ang mainit na kulay tulad ng pula, kahel, at dilaw ay nagpapahiwatig ng kasiyahan at kagalakan.
Tama
Mali
Ang mga kulay na malalamig tulad ng bughaw at lila ay nagpapabigat ng pakiramdam.
Tama
Mali
Nagiging mapusyaw ang kulay kung hahaluan ng itim.
Tama
Mali
Ang matitingkad na kulay ay pula, dalandan at dilaw.
Tama
Mali
. Ang Pahiyas Festival ay isang makulay na pagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Baguio
Tama
Mali
Ang kulay na dilaw, pula, at kahel ay kadalasang makikita sa panahon ng pagdiriwang ng pista.
Tama
Mali
Ang Panagbenga ay tinatawag ding flower festival sa Lungsod ng Baguio
Tama
Mali
Nangibabaw ang masayang pakiramdam sa pagdiriwang ng pista.
Tama
Mali
. Kapag gumawa ng myural, ay hindi ka tutulong sa iyong mga kasamahan.
Tama
Mali
