NEW
Font size
Worksheetsesp 9-2nd quarter review
Total questions: 10
Worksheet time: 10mins
Ito ay tumutukoy sa kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay.
Karapatan
Tungkulin
Pananagutan
Likas na Batas Moral
Alin sa sumusunod ang prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol sa pagtrato ng kaniyang kapuwa at sa dignidad niya bilang tao?
Code of Ethics
Karapatang Pantao
Katarungang Panlipunan
Universal Declaration of Human Rights
Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng karapatan?
Bumoto ng gustong lider
Magpahinga at maglibang
Sumunod sa batas trapiko
Pumili ng hanapbuhay na mapapasukan
Nakapaloob dito ang mga pangunahing karapatan ng isang tao at naglalayong mapaigting sa pamamagitan ng edukasyon ang karapatan at kalayaan ng bawat nilalang.
Family Code of the Philippines
Labor Code of the Philippines
Universal Declaration of Human Rights
Code of Ethics
Maraming sako ng bigas ang nakatago sa 50-container van ni Mang Victor bukod sa makikita sa kanyang tindahan. Sa gitna ng panawagan ng pamahalaan ng tulong sa pagkain para sa mga nagugutom sanhi ng pandemya, tatlumpu’t sako (30) lamang ng bigas ang inilabas niya. Anong likas na karapatang pantao ang nilabag ni Mang Victor?
Karapatan sa Buhay
Karapatang maghanapbuhay
Karapatang pumunta sa ibang lugar
Karapatan sa pribadong pagmamay-ari
Ano ang kahulugan ng pahayag na, “With great power comes great responsibility.”?
Ang tao ay may obligasyong dapat gampanan mula sa kanyang pagsilang.
Ang tao ay may obligasyong maglingkod sa kapwa ng buong husay, puso at lakas.
Ang tao ay may kalayaang magsagawa ng kanyang obligasyon ayon sa kaniyang kagustuhan
Ang tao ay may obligasyon at pananagutan sa kapangyarihan o posisyong ipagkakaloob sa kaniya ng lipunan.
Ito ang pangunahing ugat o simulain ng mga karapatang pantao na taglay ng bawat indibidwal.
Dignidad
Kalayaan
Katapatan
Personalidad
Itinataguyod ng lokal na organisasyong ito ang pangangalaga sa hayop at paglikha ng mga batas na nagpapataw ng kaukulang parusa sa anumang pagmamalabis ng tao sa mga hayop.
Wildlife Conservation Society
International Anime Organization
Philippine Animal Welfare Society (PAWS)
Philippine Veterinary Medical Association
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang may paglabag sa karapatang pantao na tinugunan ng angkop na kilos?
Lalaking may diperensya sa pag-iisip at binaril ito ng magnakaw
Pamilyang nademolish ang bahay at sapilitang pinauwi sa probinsiya
Sanggol na natagpuan ng isang lalaki sa basurahan at dinala sa bahay-ampunan
Mga paslit na natutulog sa bangketa na hinuli ng pulis at agad na ikinulong sa presinto.
Ang paggamit ng karapatan upang bumoto ay hindi sapat upang makatiyak na makatarungan at makatao ang ipapasang batas ng mga namumuno. Ano ang maaari mong maging kontribusyon bilang kabataan?
Bumuo ng isang samahan na tutuligsa sa mga ipapasang batas ng mga namumuno
Lumapit sa kilalang lider at sabihin ang kagustuhan ng nakararami sa inyong pamayanan
Hayaan na lamang ang mga ibinotong namumuno dahil trabaho naman nila ito para sa nasasakupan
Magmasid, makilahok at magmungkahi ng mga batas na maaaring makatulong sa inyong pamayanan
