wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 6 2nd Quarter Assessment

Total questions: 42

Worksheet time: 45mins

Name
Class
Date
1.

I. Multiple Choice: Basahin ng maigi ang mga tanong at piliin ang tamang sagot. I-type ang "opo" upang magpatuloy.

4 lines
2.

Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos at galaw.

a)

Pandiwa

b)

Pang-abay

c)

Pang-ukol

d)

Pangatnig

3.

Tukuyin ang pandiwa sa pangungusap.

Matatag niyang hinarap ang lahat ng pagsubok sa buhay.

a)

matatag

b)

hinarap

c)

pagsubok

d)

buhay

4.

Alin mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga aspeto ng pandiwa?

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Katatapos

d)

Eksklusibo

5.

Tukuyin ang aspeto ng pandiwang ginamit sa pangungusap sa ibaba.

Kumain ka na lang diyan sa lamesa.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Katatapos

d)

Nuetral

6.

Tukuyin ang aspeto ng pandiwang ginamit sa pangungusap sa ibaba.

Kakaayos ko pa lamang ng mga gamit mo sa aparador.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Katatapos

d)

Nuetral

7.

Tukuyin ang aspeto ng pandiwang ginamit sa pangungusap sa ibaba.

Naggisa ako ng bawang at sibuyas, ikaw na ang bahala sa iba.

a)

Perpektibo

b)

Imperpektibo

c)

Katatapos

d)

Nuetral

8.

Anong tawag sa bahagi ng pananalita na naglalarawan sa pandiwa,

pang-uri at kapwa pang-abay.

a)

Pandiwa

b)

Pang-abay

c)

Pang-uri

d)

Pangatnig

9.

Anong bahagi ng pananalita ang inilalarawan ng pang-abay na may salungghit sa pangungusap?

Matiyagang nilinis ni Gia ang ilalim ng sofa.

a)

Pandiwa

b)

Pang-abay

c)

Pang-uri

d)

Pangatnig

10.

Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang inilalarwan ng pang-abay na may salungghit sa pangungusap.

Tunay na kahabag-habag ang dinanas ng mag-iina sa kamay niya.

a)

Pandiwa

b)

Pang-abay

c)

Pang-uri

d)

Pangatnig

11.

Piliin sa ibaba ang bahagi ng pananalita na inilalarawan ng pang-abay

na may salungghit sa pangungusap.

Sobrang bilis tumakbo ng kawatan kaya hindi siya naabutan.

a)

Pandiwa

b)

Pang-abay

c)

Pang-uri

d)

Pangatnig

12.

Anong antas ng pang-abay ang ipinapakita ng salitang may salungguhit?

Ubod ng katamaran ang batang iyan simula pa noon.

a)

lantay

b)

pahambing

c)

pasukdol

d)

pawatas

13.

Anong antas ng pang-abay ang ipinapakita ng salitang may salungguhit?

Higit na mahusay kumanta si Chrisa kaysa kay Emily

a)

lantay

b)

pahambing

c)

pasukdol

d)

pawatas

14.

Anong tawag sa mga tao, hayop o bagay na gumaganap ng pagkilos sa maikling kuwento?

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

banghay

d)

tugma

15.

Ito ay elemento ng maikling kuwento kung saan ipinapakita ang lugar at panahon na pinangyarihan ng kuwento.

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

banghay

d)

tugma

16.

Ito ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangalan, panghalip, pandiwa, at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, balak, ari o layon.

a)

Pandiwa

b)

Pang-abay

c)

Pang-ukol

d)

Pangatnig

17.

Alin sa mga sumusunod na kataga ang hindi kabilang sa mga pang-ukol?

a)

para sa

b)

alinsunod sa

c)

tungkol sa

d)

dahil sa

18.

Punan ng wastong pang-ukol ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

Mali ang kanilang ginawang paggiba ng bahay dahil _______ batas marapat na may relocation area muna.

a)

para sa

b)

alinsunod sa

c)

tungkol sa

d)

dahil sa

19.

Ito ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay at pangungusap.

a)

Pandiwa

b)

Pang-abay

c)

Pang-ukol

d)

Pangatnig

20.

Anong tawag sa uri ng pangatnig na ginagamit sa mga tambalang pangungusap kung ang unang parte ay salungat sa ikalawa.

a)

pamukod

b)

paninsay

c)

panubali

d)

panahi

21.

Tukuyin ang uri ng pangatnig na ginamit sa pangungusap.

Bilhan mo ako ng sibuyas sakaling dumaan ka ng palengke.

a)

pamukod

b)

paninsay

c)

panubali

d)

panahi

22.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi nagtataglay ng pandiwa?

a)

Masayahin ka talagang bata.

b)

Nagisng siya ng maaga ngayong araw.

c)

Pakisabi sa kaniya na kakain na kami.

d)

Ako ay nabigo sa aking pangako.

23.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may pandiwang nasa aspetong Kontemplatibo?

a)

Masayahin ka talagang bata.

b)

Nagisng siya ng maaga ngayong araw.

c)

Pakisabi sa kaniya na kakain na kami.

d)

Ako ay nabigo sa aking pangako.

24.

Piliin sa mga sumusunod na pangungusap ang may pandiwang nasa aspetong Imperpektibo?

a)

Masayahin ka talagang bata.

b)

Naggising siya ng maaga ngayong araw.

c)

Pakisabi sa kaniya na kakain na kami.

d)

Ako ay nabigo sa aking pangako.

25.

Alin sa mga sumsunod na pangungusap ang hindi tama tungkol sa pang-abay.

a)

Maaaring ilarwan ng pang-abay ang pangngalan.

b)

Maaaring ilarwan ng pang-abay ang pandiwa

c)

Maaaring ilarwan ng pang-abay ang pang-uri.

d)

Maaaring ilarwan ng pang-abay ang kapuwa pang-abay.

26.

Tukuyin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pang-abay na naglalarwan ng kapuwa pang-abay.

a)

Mataas tumalon ang ikatlong manlalaro.

b)

Sobrang madulas ang balat ng palaka

c)

Totoong magaling siyang kumanta.

d)

Tunay na maganda ang kanyang kalooban.

27.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa pasukdol na antas ng pang-abay?

a)

Magsinglakas sumuntok ang dalawang boksingero.

b)

Higit na masayang magkuwento si Billy kaysa kay Rodel.

c)

Di-lubhang malinaw bumigkas ng salita si Ted na gaya ni Rene.

d)

Pinakamalinaw magsalita ang kalahok 1 sa lahat ng mga mag-aaral na

narito.

28.

Ano ang kahulugan ng kasukdulan?

a)

Ito ang simula ng kwento kung saan nakikilala ang mga tauhan sa

akda.

b)

Dito nailalahad ang mga problema o suliranin ng akda.

c)

Ito ang parte ng kwento na ang mga pangunahing problema ay

nabibigyan na ng solusyon ng tauhan.

d)

Ito ang parte na pinaka-inaabangan ng mambabasa sapagkat dito

malalaman kung mabibigo o magtatagumpay ang pangunahing

tauhan sa paglutas ng problema.

29.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may hindi tamang paggamit ng pang-ukol?

a)

Ang aming paksa ay tungkol kay kahalagahan ng wastong

pangangalaga sa katawan.

b)

Ayon sa tamang pag-eehersiyo ang laman ng aklat na iyon.

c)

Pawang tungkol kay Aliah ang mga pasalubong ni Tiya Emma

d)

Ukol kay G. Flores ang mabuting tao ay maliligtas.

30.

Ano ang pangatnig na panulad?

a)

Ito ay ginagamit sa pagtutupad sa gawa at pangyayari.

b)

Ito ay ginagamit upang linawin ang nasabi na.

c)

Ito ay ginagamit sa pagsasaad ng wakas ng pagsasalita

d)

Ito ay ginagamit sa kaisipang nagsasaad ng pasubali o pasakali.

31.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pangungusap na nasa aspetong neutral?

a)

Isara mo ang pinto sa iyong paglabas.

b)

Lumuwas ng Maynila ang mag-ina.

c)

Natutulog ako ng mahimbing nang mangyari iyon.

d)

Nahabag ang damdamin ko sa kanilang sinapit.

32.

II. TAMA o MALI: Tukuyin kung ang pangungusap ay TAMA o MALI.

Itype ang "opo" upang magpatuloy.

4 lines
33.

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na naglalarawan sa pang-uri pang-abay at kapuwa pandiwa.

a)

TAMA

b)

MALI

34.

May tatlong aspeto ang pandiwa.

a)

TAMA

b)

MALI

35.

Ang pang-abay ay bahagi ng pananalita na naglalarwan sa pangngalan at panghalip.

a)

TAMA

b)

MALI

36.

May anim na uri ng pang-abay.

a)

TAMA

b)

MALI

37.

Ang tugmaan sa maikling kuwento ang mas higit na nagbibigay ng buhay dito.

a)

TAMA

b)

MALI

38.

Ang antas ng pang-abay na lantay ay ang kilos o pandiwang

ginagawa ng simuno o paksa ang tanging pinag-uusapan o ginagawan ng paglalarawan.

a)

TAMA

b)

MALI

39.

Ang pangatnig na panapos ay ang ginagamit sa pagsasaad ng wakas ng pagsasalita

a)

TAMA

b)

MALI

40.

Ang katagang “at” ay isang uri ng pang-ukol.

a)

TAMA

b)

MALI

41.

Ginagamit ang pangatnig na “kung” sa kaisipang nagsasaad ng pasubali o pasakali.

a)

TAMA

b)

MALI

42.

May walong uri ng pangatnig.

a)

TAMA

b)

MALI