wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Paghahanda sa Pagsusulit

Total questions: 50

Worksheet time: 38mins

Name
Class
Date
1.

Suriin ang proposisyon na nasa ibaba. Piliin ang titik ng wasto o mas akmang argumento para rito. Mas mabuting ang babae ay manatili sa loob ng bahay at wag magtrabaho at hayaang ang lalaki ang maghanap buhay.

a)

Hindi dapat magtrabaho ang babae dahil hindi niya ito obligasyon sapagkat ang tungkulin ng babae ay asekasusin ang pamilya.

b)

Mas mabuting tumulong ang babae sa paghahanap buhay sa kanyang asawa kung may kakayanan naman itong magtrabaho upang higit na matustusan ang pangangailangan ng pamilya.

2.

Tukuyin ang damdaming ipinapakita. “Patawad ina, patawad! Dahil sa pagiging suwail ko, lagi ka na lamang nagdaramdam sa akin kaya ka nagkasakit at maagang namatay,”

a)

Pag-aalala

b)

Pagsisisi

c)

Paniniyak

d)

Pagbibilin

3.

Tukuyin ang damdaming ipinapakita. “Ipinangangako ko ina, gagawin ko ang bilin mo.”

a)

Pag-aalala

b)

Pagsisisi

c)

Paniniyak

d)

Pagbibilin

4.

Tukuyin ang damdaming ipinapakita. “Kapag namatay na ako, ilibing mo ako sa sapa, huwag mo akong ililibing sa bundok,"

a)

Pag-aalala

b)

Pagsisisi

c)

Paniniyak

d)

Pagbibilin

5.

Tukuyin ang damdaming ipinapakita. “Ano na ang mangyayari sa kaniya kapag ako’y nawala na? Matanda na ako at anomang oras ay maaari akong mamatay."

a)

Paghihimutok

b)

Pag-aalala

c)

Pagsisisi

d)

Paniniyak

6.

Tukuyin ang damdaming ipinapakita. “Bakit hindi siya tumulad sa ibang batang palaka na magalang at masunurin”

a)

Paghihimutok

b)

Pag-aalala

c)

Pagsisisi

d)

Paniniyak

7.

Tukuyin ang damdaming ipinapakita. May luha siya sa mata ngunit may galak na nadama. Luwalhati. Hinagod-hagod niya ang mga kamao. Nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagiang larangan. (Impeng Negro ni Rogelio R. Sikat)

a)

Kalungkutan

b)

kaligayahan

c)

Pagkagalit

d)

Pangamba

8.

Tukuyin ang damdaming ipinapakita. Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakakita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman. (Bangkang Papel ni Genoveva Edroza-Matute)

a)

Panghihinayang

b)

Pag-aalala

c)

Pagkalungkot

d)

Pagkainis

9.

Tukuyin ang damdaming ipinapakita. Ang mga luha ni Impong Sela ay nagpatuloy sa pagdaloy hanggang ang mga luntiang damo sa ibabaw ng puntod ng pinakamamahal niyang apo ay halos isang dangkal na ang angat sa lupa. (Impong Sela ni Epifanio G. Matute).

a)

Pagkalungkot

b)

Pag-Aalala

c)

Pangamba

d)

Pagkagimbal

10.

Tukuyin ang damdaming ipinapakita. “Naguguluhan ako sa iyo Ama. Kanina ka pa nagmamadali at sinasabing mahalaga ang ating sadya sa ating pupuntahan? Ano po ba iyon? (Munting Pagsinta ni: Mary Grace O. Tabora)

a)

Pangamba

b)

pagkagalit

c)

Pag-aalala

d)

Pagkainis

11.

Suriin ang estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng maikling kuwento.

Walang nadaramang saya at kasabikan si Meynard hanggang makapasok sa paaralan.

a)

paglalarawan ng tauhan

b)

paglalarawan sa tagpuan

c)

mahalagang kaisipan

d)

pagsasalaysay

e)

kagulat-gulat

12.

Suriin ang estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng maikling kuwento.

"Tahimik at malinis ang paaralan ng pumasok sa paaralan ang guro ni Meynard. Maaga pa kasi , iilan pa lamang ang mga mag-aaral na naruroon."

a)

paglalarawan ng tauhan

b)

paglalarawan sa tagpuan

c)

mahalagang kaisipan

d)

pagsasalaysay

e)

kagulat-gulat

13.

Suriin ang estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng maikling kuwento.

"Talaga namang maglilimang taon nang hirap na hirap ang pamilya nila sa pera. Malabo talaga siyang makagradweyt."

a)

paglalarawan ng tauhan

b)

paglalarawan sa tagpuan

c)

mahalagang kaisipan

d)

pagsasalaysay

e)

kagulat-gulat

14.

Suriin ang estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng maikling kuwento.

"Mahalaga ang pagtutulungan dahil madaling nasusulusyonan ang mga suliranin dahil ikaw ay may kasama."

a)

paglalarawan ng tauhan

b)

paglalarawan sa tagpuan

c)

mahalagang kaisipan

d)

pagsasalaysay

e)

kagulat-gulat

15.

Suriin ang estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng maikling kuwento.

“Bayad na po ang naiwang bayarin sa dati kung paaralan? Makakasama na po ako sa graduation?“

a)

paglalarawan ng tauhan

b)

paglalarawan sa tagpuan

c)

mahalagang kaisipan

d)

pagsasalaysay

e)

kagulat-gulat

16.

Tukuyin kung Tanka o Haiku. May Hating 5-7-5-7-7.

a)

Tanka

b)

Haiku

17.

Tukuyin kung Tanka o Haiku. Ito ay nagtataglay ng 17 pantig at nahahati sa tatlong taludtod.

a)

Tanka

b)

Haiku

18.

Tukuyin kung Tanka o Haiku. Ang katangian ng tulang ito ay nagsaad ng damdamin tulad ngpagbabago, pag-iisa o pag-ibig.

a)

Tanka

b)

Haiku

19.

Tukuyin kung Tanka o Haiku. Ang unang persona ang sasalita sa tulang ito.

a)

Tanka

b)

Haiku

20.

Tukuyin kung Tanka o Haiku. Kalikasan at pag-ibig ang karaniwang paksa.

a)

Tanka

b)

Haiku

21.

Tukuyin kung Tanka o Haiku. Ito ay binubuo ng tatlumpu`t isang bilang ng pantig.

a)

Tanka

b)

Haiku

22.

Tukuyin kung Tanka o Haiku. Ito ay may hating 5-5-7.

a)

Tanka

b)

Haiku

23.

Tukuyin kung Tanka o Haiku. Puno ng damdamin nagpapahayag ng pangakong damdamin.

a)

Tanka

b)

Haiku

24.

ang (a)   ay may hating 5-7-5-7-7

25.

ang (a)   ay may hating 5-5-7

26.

Mahalaga ang bahaging ito sapagkat dito  nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa

a)

Tauhan

b)

Simula

c)

Wakas

d)

Tagpuan

27.

Naglalahad ng panandaliang

pagtatagpo ng mga tauhang  masasangkot sa suliranin.

a)

Saglit na Kasiglahan

b)

Saluranin

c)

Simula

d)

Kasukdulan

28.

Problemang haharapin ng tauhan.

a)

Saglit na Kasiglahan

b)

Suliranin

c)

Simula

d)

Wakas

29.

sa bahaging ito unti-unting  naaalis ang sagabal, nalulutas  ang suliranin, dito natutukoy  ang katayuan ng pangunahing  tauhan kung siya ay mabibigo o  magtatagumpay.

a)

Kasukdulan

b)

Simula

c)

Wakas

d)

Saglit na Kasiglahan

30.

Tulay sa wakas

a)

Kasukdulan

b)

Wakas

c)

Saglit na Kasiglahan

d)

Kakalasan

31.

Naihahatid ng may-akda ang  mensahe sa bahaging ito. sa  wakas ng kuwento.

a)

Kakalasan

b)

Kasukdulan

c)

Wakas

d)

Simula

32.

Tumutukoy ito sa pook o lugar na  pinangyarihan ng kuwento.

Naglalarawan ito ng ginagalawan o  kapaligiran ng mga tauhan.

a)

Simula

b)

Tagpuan

c)

Kakalasan

d)

Tauhan

33.

Pinaka kaluluwa ng  maikling kwento.

a)

Paksang Diwa

b)

Kaisipan

c)

Tagpuan

d)

Tauhan

34.

Mensahe ng kwento.

a)

Paksang Diwa

b)

Simula

c)

Wakas

d)

Kaisipan

35.

Ito ang pagkakasunud-sunod ng mga  pangyayari sa kuwento.

a)

Tema

b)

Banghay

c)

Paksa

d)

Elemento

36.

Ibigay kahulugan ng may salungguhit na matatalinghagang salita.

"Alipatong lumapag."

a)

uri ng ibon

b)

kislap ng apoy

c)

agiw na bumagsak

d)

usok ng apoy

37.

Ibigay kahulugan ng may salungguhit na matatalinghagang salita.

"Hangi’y umalulong"

a)

kumahol

b)

malakas na ihip

c)

sumisipol

d)

umungal

38.

Ibigay kahulugan ng may salungguhit na matatalinghagang salita.

"Sa lupa’y nagkabitak"

a)

nabiyak ang lupa

b)

tigang na lupa

c)

hati ang lupa

d)

bitak na lupa

39.

Ibigay kahulugan ng may salungguhit na matatalinghagang salita.

"Sa pusong nagtatangis"

a)

malungkot

b)

umiiyak

c)

nagagalit

d)

nag-aamok

40.

Ibigay kahulugan ng may salungguhit na matatalinghagang salita.

"Mata’y lumuluha, dibdib ay nabibiyak."

a)

nahati

b)

naaawa

c)

nadurusa

d)

nagwawala

41.

Uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo.

a)

Dula

b)

Tula

c)

Maikling Kwento

d)

Dagkatha

42.

Bahagi ng Dula na na katumbas ang kabanata sa isang nobela

a)

Eksena

b)

Dialogo

c)

Yugto

d)

Tagpo

43.

Elemento ng Dula na pinaka-kaluluwa ng isang dula; walang dula kapag wala nito

a)

Gumaganap o Aktor

b)

Iskrip

c)

Tanghalan

d)

Direktor

44.

Elemento ng tula na pinagdarausan ng isang dula; tinatawag ding entablado

a)

Iskrip

b)

Manonood

c)

Tagpuan

d)

Tanghalan

45.

Bahaging nagpapakita ng panahon at lugar na pinagganapan ng mga

pangyayari sa dula.

a)

Tagpo

b)

Iskirp

c)

Tanghalan

d)

Manonood

46.

Panahon at pook kung saan at kailan naganap ang mga

pangyayari sa dula.

a)

Tauahan

b)

Tunggalian

c)

Tagpuan

d)

Sulyap sa Suliranin

47.

Ang pagtatagisan ng pangunahing tauhan sa kaniyang sarili, sa

ibang tao, sa kalikasan o lipunan.

a)

Tagpuan

b)

Tauhan

c)

Tunggalian

d)

Manonood

48.

Pinakamatindi o pinakamabugsong parte dahil pinanabikan kung

ano ang mangyayari sa pangunahing tauhan o kung paano tuluyang lulutasin

ang tunggalian.

a)

Kasukdulan

b)

Kakalasan

c)

Tunggalian

d)

Saglit na kasiglahan.

49.

Paglabas-pasok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan.

a)

Eksena

b)

Iskrip

c)

Tanghalan

d)

Tagpuan

50.

Bungad o tikim na pagpapakita sa tunggalian sa

pinakakuwento ng dula.

a)

Kakalasan

b)

Sulyap sa suliranin

c)

Saglit na kasiglahan

d)

Tunggalian