WorksheetsEsP 7 2nd Quarter Reviewer
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Ang isip ng tao ay may kakayahang .
gumawa
tumulong
kumilos
mangatwiran
Ang pangunahing gamit ng kilos-loob ay .
umunawa
maghusga
magsuri
kumilos
Ito ay may kapangyarihang manghusga, magsuri, mangatwiran at umunawa ng mga kahulugan ng mga bagay.
isip
kilos-loob
puso
katawan
Pakiramdam mo ay ikaw ang pinag-uusapan at pinagtatawanan ng dalawa mong kamag-aral. Nasabi mo ito sa iyong kaibigan at ang sabi niya abangan ninyo sa labas pagkatapos ng klase. Ano ang iyong gagawin?
Kakausapin ang kaibigan na huwag na lang patulan para walang gulo
Maghahanda para sa pag-aabangan ng mga kaklase
Kakausapin ang kamag-aral para makumpirma kung siya ang pinag-uusapan
Isusumbong sa guro ang kamag-aral
Ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti at masama dahil sa taglay niyang
kalayaan
katalinuhan
damdamin
kalakasan
Ang pagtungo sa kabutihan o kasamaan ay may kamalayan at kalayaan na nakaugat sa .
kalakasan at talento
malayang kaisipan
malayang kilos-loob
konsensya
Kawangis ng Diyos ang tao, ang pahayag ay _.
Tama, dahil sa kakayahan nating makaalam at magpasya ng malaya.
Tama, dahil mayroon din tayong kapangyarihan tulad ng Diyos.
Mali, dahil ang Diyos ay iisa lamang.
Mali, dahil tayo ay tao lamang.
Sa sitwasyon na hindi ka mapakali sa iyong ginawa at nabubuo ang damdamin na aminin ang katotohanan ay patunay ng kakayahan ng konsensiya na .
Tulungan ang tao na isipin ang mga ginawang nakahihiya/mali.
Pumupukaw sa tao upang magpaalala ng dapat at hindi dapat gawin.
Pumupukaw sa tao upang mapaalala ang tamang damdamin sa ginawang kilos.
Tulungan ang tao na madama ang bigat sa puso ng maling ginawa.
Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili sya ng pagkain sa restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody?
Tamang Konsensiya
Maling konsensiya
Purong konsensiya
Mabuting konsensiya
Ang isip ay may katangian ng mga sumusunod maliban sa
Ang isip ay may kapangyarihang mag-alala.
Ang isip ay may kapangyarihang gumawa ng pagpapapasya.
Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
A. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay.
Ang tao ay pinagkalooban ng isip at kilos-loob. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan samantalang sa pamamagitan ng kilos-loob nahahanap ng tao ang .
karunungan
kabutihan
katarungan
kabaitan
Ito ang nagpapaangat sa tao laban sa mga hayop at halaman.
pagkakaroron ng kakayahang magmahal.
pagkakaroon ng isip at kilos loob
pagkakaroon ng kakayahang magpasya
pagkakaroon ng kakayahang lumaki at umunlad
Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang kosensiya?
Mapalalaganap ang kabutihan
Makakamit ng tao ang tagumpay
Maabot ng tao ang kanyang kaganapan
Mabubuhay ang tao ng walang hanggan
Ang konsensya ay galing sa mga salitang Latin na cum at scientia, na ibig sabihin ay .
with morals
with knowledge
with honors
with a conscience
Alin sa mga sumusunod ang “hindi” katangian ng Likas na Batas Moral?
obhektibo
walang hanggan
pangkalahatan
pabago-bago
Tukuyin kung ano ang batayan ng konsensiya sa paghusga ng mabuti at masama.
Batas panlipunan
Likas na Batas Moral
Mga turo sa simbahan
Mga aral ng magulang
Nalalapit na ang pasukan ngunit wala ka pang mga gamit para sa pagpasok mo sa paaralan at may suliraning pang pinansiyal ang iyong pamilya. Inalok ka ng iyong kaibigan na magsideline ng trabaho ngunit batid mo na illegal ang trabahong inaalok niya sa iyo. Ano ang gagawin mo batay sa bulong ng iyong konsensya?
Tatanggapin ang alok ng kaibigan dahil kailangan mong makapasok sa susunod na pasukan.
Tatanggihan ang alok ng kaibigan at sasabihing maghahanap ng maayos at marangal na trabaho
Hahayaan ang magulang na sila ang gumawa ng paraan para makabili at makapasok ka sa susunod na pasukan
Walang gagawing aksiyon
Si Joan at ikaw ay magkaklase bukod sa kayong dalawa ay matalik na magkaibigan. Nagdiwang siya ng kayang kaarawan at ikaw ay dumalo. Dahil dito ay hindi kayo nakapag review sa inyong pagsusulit kinabukasan kaya inaya ka niya na gamiting kodigo ang reviewer na ginawa mo. Ano ang iyong gagawin ayon sa iyong konsensiya?
Susundin ang konsensiya at hindi gagamit ng kodigo upang makakakuha ng mataas na marka at sasabihan ang kaibigan na tanggapin kung ano ang resulta ng “di nila paglalaan ng oras sap ag- aaral.
Isusumbong sa iyong guro si Joan at hahayaang magalit siya sa iyo.
Hindi na lamang kukuha ng pagsusulit
Ibabahagi sa iba ang ginawang reviewer sa ibang kaklase upang gawing kodigo
Ang likas batas moral ay nagbibigay ng direksiyon sa tao upang siya ang makagawa ng mabuti, dahil dito ang tao ay may obligasyon na ilapat ito sa bawat pagpapasiya at pagkilos. Ang pahayag ay:
Tama, dahil ang konsensiya ay ang personal na pamantayang moral ng tao.
Tama, dahil ang konsensiya ang kumikilala sa tama at mali.
Mali, dahil ang Likas na Batas Moral ang mas mataas na pamantayan ng moralidad.
Mali, dahil ang paghuhusga ng tama at mali ay hindi personal.
Ano ang dahilan kung bakit ang konsensiya ang praktikal na paghuhusga ng isip?
Ito ang kakayahan ng isip na maghusga ng kabutihan o kasamaan ng isang pasiya o kilos.
Ito ang pangunahing kamalayan sa mabuti at masama.
Ito ang naglalapat ng Likas na Batas Moral.
Ito ang sinusunod ng kilos-loob
Pagkatapos ng klase, niyaya si Rabiya ng kaniyang kaklase na manood ng sine at kumain sa isang mall. Bago magpasiya si Rabiya, naisip niya ang kanilang takdang-aralin. Kung sasama siya, gagabihin siya at mawawalan ng oras sa paggawa nito. Kung hindi siya sasama, mas marami siyang oras sa paggawa. Sa anong panahon kumikilos ang konsensiya ni Rabiya?
Bago ang kilos.
Habang iniisip ang kilos.
Pagkatapos gawin ang kilos.
Habang isinasagawa ang kilos.
Batay sa sitwasyon sa bila 21. Sa tanong na “Kapag pinili niya ang mas mataas na mabuting kilos, uusigin kaya siya ng kaniyang konsensiya? Aling katwiran ang ayon sa Likas na Batas Moral?
Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa sarili ang mas mataas na mabuti (higher good) kaysa sa hiling ng kaibigan sa sitwasyong iyon.
Hindi, dahil ang pagsunod sa utos ng magulang lalo na kung makabubuti ito sa sarili ang mas mataas na mabuti (higher good) kaysa sa paglabas ng bahay kahit emergency.
Oo, dahil inisip niyang mahalaga na makasama niya ang mga kaibigang matagal nang hindi nakikita kaysa ang pagsunod sa utos ng mga magulang.
A. Oo, dahil ang pagsaalang-alang sa hiling ng mga kaibigan kaysa sa utos ng magulang ay paglabag sa Likas na Batas Moral.
Naghanda ng kodigo si Jacqueline bago ang pagsusulit nila sa Matematika. Sa oras ng pagsusulit, nakaramdam siya ng pagkabalisa sa paggamit nito. Naisip niya na masamang gumamit ng kodigo at mas mabuting maging tapat. Sa anong panahon kumikilos ang konsensiya ni Jacqueline?
Habang isinasagawa ang kilos.
Pagkatapos gawin ang kilos.
Habang iniisip ang kilos.
Bago ang kilos.
Isang gabi, naghanda si Kardo ng isang kodigo para sa kanilang pagsusulit kinabukasan. Nais niyang makakuha ng mataas na marka sa lahat ng asignatura. Ngunit sa mismong araw ng pagsusulit, nakadama siya ng pagkabalisa habang sinisilip niya ang kodigo. Ano ang ibig sabihin ng naramdaman na pagkabalisa ni Kardo sa sitwasyon?
Ito ay resulta ng konsensiya na nagpapaalala kay Kardo ng kaniyang moral na obligasyon na maging tapat at hindi umasa sa kodigo.
Ito ay indikasyon na sinasabi ng kaniyang konsensiya na masama ang gumamit ng kodigo.
Ito ay isang moral na paghatol na nagpapahayag na hindi niya dapat gawin ang kilos.
Ito ay paghatol ng kaniyang isip na baka mahuli siya ng kanilang guro.
Isang gabi, naghanda si Kardo ng isang kodigo para sa kanilang pagsusulit kinabukasan. Nais niyang makakuha ng mataas na marka sa lahat ng asignatura. Ngunit sa mismong araw ng pagsusulit, nakadama siya ng pagkabalisa habang sinisilip niya ang kodigo. Kung susundin ni Kardo ang sinasabi ng kaniyang pagkabalisa, alin ang dapat niyang gawin?
Tamang pangangatwiran sa bawat opsyon ayon sa Likas na Batas Moral.
Pagtitimbang ng kalalabasan ng pipiliin niyang kilos.
Pag-iwas sa labis na pag-aalala.
Pagpili ng mabuting opsiyon
Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kalayaan maliban sa .
Ang tunay na kalayaan ay paggawa ng kabutihan
Ang tunay na kalayaan ay pagsunod sa Likas Batas Moral
Ang tunay na kalayaan ay pagsunod sa anumang naising gawin ng tao
Ang tunay na kalayaan ay paggawa ng may kakambal na pananagutan
Nakilahok si Ariel sa isang pag-aalsa laban sa pamunuan ng kompanyang kaniyang pinagtatrabahuhan. Nangyari ito dahil sa hindi makataong pagtrato ng may-ari ng kompanya sa lahat ng mga empleyado. Dahil dito, siya at ang ilan pang mga kasama na itinuturing na pinuno ng mga manggagawa ay hinuli at ikinulong. Sa sitwasyong ito, nawala ang kanyang .
Karapatang pantao
Panloob na kalayaan
Dignidad bilang tao
Panlabas na kalayaan
Ang pinili ko ay masama kaya ako ay nagsisi. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
Ang kasamaan ay bunga ng kalayaan.
Nagsisisi ako dahil mali ang paggamit ng aking kalayaan.
Ang kasamaan ay kaakibat ng mabuti.
Kalayaan ang pinanggagalingan ng masama.
Nagsisisi ako dahil nagawa ko ang masama na hindi ko dapat ginawa. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
Ang tao ay may tungkuling iwasan ang tukso sa paligid.
Nagsisisi ang tao kapag ginagawa niya ang hindi dapat
Hindi dapat magsisi ang gumagawa ng masama dahil kalayaan natin ito.
Tungkulin ng tao ang umiwas sa gawaing masama at gawin ang mabuti.
Nagbigay ng pagsusulit ang inyong guro sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao. Habang nagsasagot ka ng pagsusulit sa klase, bumulong sa iyo ang katabi mong kamag - aral at humihingi ng pabor na pakopyahin mo siya ng mga sagot. Ano ang gagawin mo?
Pagbigyan mong makita ang ilan sa iyong mga sagot.
Sasabihin mo ang mga maling sagot sa kanya.
Hihingi ka ng pasensiya at tatanggihan mo siya.
Magpapanggap kang hindi mo siya narinig at hindi mo nalang papansinin.
Ang sumusunod na kilos ay nagpapakita ng mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban
sa .
Inilaan ni Anthony ang malaking bahagi ng kanyang buhay upang mapalawak ang kaalaman at karunungan na malaking bagay upang maiahon ang pamilya sa kahirapan at maibahagi ang kanyang mga kakayahan.
Nasaktan ni Rebecca ang kanyang ina dahil sa pagsisinungaling kayat inihanda niya ang sarili sa at siya na mismo ang gumawa ng paraan upang itama ang pagkakamali kahit pa siya ay mapahiya o masaktan.
Nasaksihan ni Rupert ang ginawang panloloko ng kanyang kapatid sa kanilang mga magulang at dahil alam niyang labis na mapagagalitan ang kapatid, hindi na lamang niya ito isinumbong upang di mapagalitan o masaktan.
Saksi si Rachel sa pandarayang ginagawa ng kanyang matalik na kaibigan sa report ng kinita ng kompanyang pinapasukan. Sa kabila ng pakiusap nito na manahimik na lamang siya ay sinabi pa rin niya ito sa kanyang boss na naging dahilan ng pagkatanggal ng kanyang kaibigan sa trabaho at pagkakaroon ng kaso sa hukuman.
Ang mga gawaing ito ay nagpapakita ng kalayaan maliban sa isa .
Paggawa ng gawaing-bahay
Pag-inom ng alak
Bayanihan
Pag-aaral ng Leksyon
Ito ay kakayahan ng tao na nagpapatunay na ginagamit nito ang kaniyang isip, lakas at impluwensya sa tama at makatarungang paraan para sa ikauunlad niya at ng iba.
katalinuhan
pagpapahalaga
kalayaan
pananagutan
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggamit ng kalayaan na may kaakibat na tungkulin maliban
sa:
Nakahandang harapin ang anumang kahihinatnan ng mga pagpapasiya.
Naisasaalang-alang ang kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
Hindi sumasalungat ang kilos sa likas na batas-Moral.
Naibabatay ang pagkilos sa kahihinatnan nito.
Bakit mahalagang hayaan ng magulang ang kanyang anak na sumubok, pumili at magpasya para sa kanyang sarili?
Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maari nilang gamiting gabay sa mga isasagawang pagpapasiya sa hinaharap.
Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa mga anak na sumunod mula sa pag- unawa at pagmamahal at hindi sa pamimilit.
Maiiwas ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng magulang na magabayan ang kanyang mga anak patungo sa tamang landas.
Ang pagiging malaya sa pagpapasiya ng isang anak ay maaaring magdulot ng sakit dahil sa pagkakamali ngunit dito sila natututo ng mahalagang aral.
“Ang tunay na kalayaan ay paggawa ng mabuti.” Ang pangungusap ay_ .
Tama dahil ang tao ay nilikha ng Diyos na taglay ang likas na kabutihan.
Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t inaasahang ito ay gagamitin sa paggawa ng naaayon sa kabutihan.
Mali dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon sa paghuhusga ng tao.
Mali dahil magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan kung malayang magagawa ng tao ang mabuti at masama.
Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap na ito ay nangangahulugang .
Magiging malaya lamang ang tao kung ang kaniyang ginawa ay kabutihan.
Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kanyang paglabag sa likas na batas moral.
Hindi ganap na malaya ang tao, hindi siya maaaring mamili batay lamang sa kanyang nais.
Maaaring gawin ng tao ang anumang bagay na naisin sa lahat ng oras.
Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
sa paningin ng Diyos at ng lipunan
sa pagdating ng huling yugto ng kanilang buhay.
sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy rito.
sa pagmamahal ng kanilang pamilya.
Ito ay nangangahulugan ng pagiging karapatdapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kapwa.
palabra de honor
delecadeza
katapatan
dignidad
Ano ang katangian ng tao na nakakapagbukod tangi sa kanya?
Isip na nagbibigay sa kanya ng kakayahang umunawa ng konsepto.
Mangatwiran sa lahat ng oras at pagkakataon
Magmunimuni lalo kapag may gusting makuhang mga bagay
Pumili ng Malaya ayon sa ninanais
Ano ang ipinahihiwatig ng Golden Rule na, “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo.”
Tulungan ang iyong kapwa ng walang hinihinging kapalit.
Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.
Bigyang malasakit ang iyong kapwa ayon sa iyong kakayahan.
Magtulungan sa lahat ng pagkakataon.
Paano mo maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng tao?
Pahalagahan mo ang tao bilang tao.
Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hanggat siya ay nabubuhay.
Pagpapahayag ng iyong kaisipan at saloobin.
Pagkilala sa katayuan ng isang tao.
Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kaniyang kapwa?
Isang negosyanteng na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na.
Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapuwa na ngangailangan ng kaniyang tulong
Isang pulitikong hindi tapat sa kaniyang panunungkulan sa pamahalaan.
Isang taong may pandama at pang-unawa sa damdamin ng iba.
Ano ang patunay na ang isang tao ay namumuhay nang may moral?
Hindi siya gumagawa ng kahit anong mali o masama
Umiiwas sa mga taong may masamang impluwensiya sa kanya
Nagsisikap na mamuhay na nagmamahal na walang hinihintay na kapalit.
Laging nakikibagay sa lahat ng uri ng tao.
Ayon kay Immanuel Kant “ang tao ay naiiba sa lahat ng nilalang”, Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
Ang tao ay mayroong hindi nawawala at mapapantayang halaga dahil sa kanyang isip at kalayaan
Ang tao ay may angking talento at galing.
Ang tao ay may kakayahang kumilos.
Ang tao ay mula sa iba’t ibang lahi.
Upang pagtibayin ang paggalang sa sariling dignidad at ng iyong kapwa, ano ang unang hakbang na dapat mong isagawa?
Kailangan mong simulan ang pagpapahalagang ito sa iyong sarili upang mas madali mong mailapat ito sa iyong kapuwa
Humanap ng mga kaibigang may magandang impluwensiya sa iyo upang matuto ka sa kanila
Upang igalang mo ang iyong kapwa, kailangan muna niyang ipakita na karapat-dapat siyang igalang
Gawin ang mabuti at iwasan ang masama
Ipinanganak sa mahirap na pamilya sa Micaela kaya’t sinisikap niyang mag-aral nang mabuti upang makapagtapos at maiangat sa kahirapan ang kanyang buhay at ng kanyang pamilya. Ito ay halimbawa ng pagsasabuhay ng anong konsepto tungkol sa dignidad?
Dahil sa taglay niyang kilos-loob, may kakayahan ang tao na kilalanin at piliin ang mabuti.
Ang pagpananatili sa iyong dignidad ay ang pagkilala sa tunay na mahalaga.
Dahil sa dignidad, lahat ay nabibigyan ng halaga at may karapatang mabuhay at umunlad ng hindi makasasakit sa ibang tao.
Dahil sa dignidad ng tao, hindi siya dapat ituturing na kasangkapan lamang.
Ang pagsisikap na magkaroon ng moral na pamumuhay ay ang pagsisikap na mamuhay na nagmamahal na walang kondisyon. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ganitong uri ng pagmamahal?
Tinulungan ni Carlo ang kanyang kaibigan sa kanyang takdang-aralin.
Nakita ni Trisha na nahihirapang tumawid ang isang matanda kaya tinulungan niya ito.
Nilibre ni Kiara ang kaklase niyang nagbalik ng naiwan niyang wallet sa C.R.
Laging tinutulungan ni Alex na magbuhat ng gamit ang kanyang guro dahil nais niyang A. makakuha ng mataas na marka dito
Kailan nalalabag ang dignidad ng isang tao?
Kapag tinapakan ang kanyang karapatan.
Kapag tumulong siya sa kanyang kapwa nang walang hinihinging kapalit.
Kapag nagiging tapat siya sa kanyang tungkulin.
Kapag inuunawa niya ang kalagayan ng kanyang kapwa.
Ang tao ay nakaaangat sa lahat ng nilikha sa mundo. Ang pahayag na nagpapatunay dito ay _.
Tama, dahil ang tao lamang ang may kakayahang mag-isip
Mali, ang lahat ng nilikha ay pantay-pantay sa mata ng Diyos
Tama, dahil sa kanyang taglay na isip at kilos-loob
Mali, dahil iisang Diyos lamang ang lumikha sa ating lahat
