NEW
Font size
WorksheetsIkalawang Markahan
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
Alin sa sumusunod ang wastong paglalarawan sa mga tulang Hapones na Haiku at Tanka?
Ang haiku ay binubuo ng labimpitong pantig habang tatlumpu’t isa naman ang tanka.
Pumapaksa sa kalikasan ang mga akdang tanka at sa pag-ibig naman ang haiku.
Ang sukat ng haiku ay nahahati sa apat na taludtod samantala lima naman ang sa tanka.
Maaaring magkapalit-palit ang sukat kada taludtod ng haiku ngunit hindi ang tanka.
Ang nasa ibaba ay isang halimbawa ng tulang tanka. Ano ang sukat ng tula?
Walang mga bituin
Sa kalangitan
Sa wakas, ulan
Ikaw ay dumating sa
Malungkot na karimlan.
6-5-5-7-7
5-5-5-7-7
7-5-5-7-7
7-5-5-5-7
“Patawad ina, patawad! Dahil sa pagiging suwail ko, lagi ka na lamang nagdaramdam sa akin kaya ka nagkasakit at maagang namatay.” Suriin ang pahayag na hinango sa pabulang pinag-aralan. Ano ang damdaming nangingibabaw sa nagsasalita?
nalulungkot
nagsisisi
nagdaramdam
nasasaktan
Uri ng dula kung saan makikita mo nang aktuwal o personal ang mga tagaganap o aktor sa tanghalan.
Dulang Pantelebisyon
Dulang Pantanghalan
Dulang Panradyo
Pelikula
Sa iba’t ibang antas ng kasidhian sa pagpapayahag, alin ang ginagamit sa pagpapahayag ng katamtamang antas?
Ginagamit ang di-gaano, kaunti, bahagya.
Ginagamit ang anyong payak o maylapi ng salita gaya ng mataas, mayaman, malalim.
Ginagamit ang lubha, masyadong, totoo, talaga tunay at iba pa.
Ginagamit ang mga pariralang hari ng, ulo ng, nuknukan ng at ubod ng.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa dula?
Uri ng panitikan na naglalahad ng sariling opinyon o damdamin ng manunulat.
Ito ay kuwentong nagtatampok sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa ating paligid.
Akdang naglalahad ng kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan na itinuturing na bayani.
Ito ay paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan o entablado.
Pinakakaluluwa ng dula ang iskrip dahil:
Nagpapakita ito ng panahon at lugar na pinagganapan ng mga pangyayari sa dula.
Pinapakahulugan ito ng direkor.
Walang dula kapag walang iskrip.
Isinasabuhay ng aktor.
Piliin ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang pahayag ni Temujin.
Temujin: Anong saklap __ mapiit sa kulungang malupit? Ito ay silid ng kalungkutan. Tila kailan lamang nang kasa-kasama ko si Ama.
ng
na
sa
saka
Ipinapakita ang pinakamasidhi sa pamamagitan ng mga sumusunod maliban sa isa.
Ginagamit ang di-gaano, kaunti, bahagya.
Ginagamit ang panlaping napaka-, ka-/-an, o -han at pagka-.
Ginagamit ang lubha, masyadong, totoo, talaga tunay at iba pa.
Ginagamit ang mga pariralang hari ng, ulo ng, nuknukan ng at ubod ng.
Alin sa mga sumusunod ang tamang ayos ng mga salita ayon sa tindi o antas ng kahulugan ng mga ito?
Payapa
Payapang-payapa
Ubod ng payapa
Totoong payapa
Walang kasimpayapa
Payapa
payapang-payapa
totoong payapa
Ubod ng payapa
Walang kasimpayapa
Payapa
payapang-payapa
Walang kasimpayapa
Totoong payapa
Ubod ng payapa
Payapa
Totoong payapa
Payapang-payapa
Ubod ng payapa
Walang kasimpayapa
Kung ikaw ay magpapahayag ng isang argumento, paano mo ito isasagawa?
Kailangang may sapat na pangangatuwiran.
Kailangang may sapat na pag-aaral sa paksa.
Kailangang may sapat na kaalaman sa proposisyon.
Kailangang may sapat na lakas ng loob sa pakikipag-argumento.
Bakit ang kahulugan ng imahe sa kuwento ay sinasagisag ng isang bagay, tao o ideya?
Ito ang nag-iiwan ng tatak sa isipan ng mga mambabasa.
Ito ang makabuluhang kaisipan ng kwentista na nais niya na mabuo sa isipan ng mga mambabasa.
Ito ang representasyon ng isang akdang pampanitikan.
Ito ang magiging pangkalahatang paglalarawan sa isang bagay, tao o ideya.
Paano nag-iiwan ng pagpapakahulugan sa mga mambabasa ang mga simbolong ginamit sa isang maikling kwento?
Sa pamamagitan ng kaukulang paglalarawan sa paksa.
Sa pamamagitan ng mga katanungang maiiwan sa kanilang isipan.
Sa pamamagitan ng konseptong magiging bahagi ng palaisipan.
Sa pamsmagitan ng mga salita na di-nalalayo sa interpretasyon ng mambabasa sa nais ipaabot ng may-akda.
Sa paglikha ng maikling kuwento, paano magiging kawili-wili sa mga mambabasa ang pagsisimula at pagwawakas ng maikling kuwento?
Paggamit ng iba’t ibang estilo
Paglalarawan sa mga tauhan at lugar
Paglalahad ng konsepto o paksa na napapanahon
Pagbubuo ng mga pangyayaring naaayon sa imahinasyon
Bakit masasabing malaki ang ambag ng simula at ng wakas ng kwento sa gitnang bahagi?
Napapanatili nito ang daloy ng kwento.
Nagiging makabuluhan ang bawat yugto ng pangyayari na maaaring balikan.
Napapanatili nito ang kawing-kawing na pangyayari at paglalarawang nasimulan.
Naidudugtong ang mga pangyayari na syang magiging “lead” o gabay upang maunawaan ang kaisipan ng kwento.
Bakit mahalagang mailarawan sa isang maikling kuwento ang imahe at simbolo?
Nagiging buhay at masigla ang konsepto ng kuwento.
Isa ito sa mabisang panghikayat sa mga mambabasa.
Mapalulutang ang ganda na nilikha ng isang kwentista.
Hindi magiging buo at sapat ang imahinasyon ng mambabasa.
Tukuyin anong elemento ng dula ang inilalarawan sa usapan sa ibaba.
Lisa: Napakaistrikto ng direktor kanina sa set. Lahat ng damit ni Megan hindi aprubado sa kaniya dahil hindi raw angkop sa karakter na ginagampanan niya.
Ana: Ganoon ba? Naku! mabusisi pala siya sa props at costume.
Lisa: Oo, lahat ng may kinalaman sa palabas talagang inaaral niya.
Ana: Mabuti rin iyon para mas maging kapani-paniwala ang mga eksena.
iskrip
aktor
direktor
manonood
Bilang isang Kristiyanong Katoliko, dapat ba o di dapat ipatupad ang RH bill? Bakit?
Di dapat. Ito ay labag sa batas ng simbahan.
Dapat. Isa sa mga sanhi ng kahirapan ay ang paglobo ng populasyon.
Di dapat. Maraming walang kakayahan na isagawa ito.
Dapat. Magkakaroon ng kaalaman ang bawat Pilipino sa tamang pagpaplano ng pamilya.
Bakit mabisa ang paggamit ng mga hayop bilang tauhan sa mga akdang pabula?
Dahil maiiwasan ang makasakit ng damdamin ng tao kung mga hayop ang gagamitin bilang tauhan ng pabula.
Ang paggamit ng mga hayop bilang tauhan ang magbibigay-bisa sa pagiging kuwentong pambata ng pabula.
Sa paraan ng paggamit sa mga hayop bilang tauhan sa pabula ay higit na nahihikayat ang mga mambabasa na basahin ang akda.
Napalalawak at napupukaw ng mga hayop sa kuwento ang imahinasyon ng mga mambabasa na nagbubunga ng mabilis na pagkatuto ng nila sa nilalaman ng akda.
Bakit maraming di-sang-ayon sa Death Penalty?
Malaking bahagdan ay mga Katoliko na may paniniwalang makatao.
Hindi sagot ang pagpatay upang mabawasan ang kriminalidad.
Naniniwala sila na may iba pang solusyon upang mabawasan ang kriminalidad sa bansa.
Malaking pondo ang gugulin ng gobyerno dahilan para lalong maghirap ang bansa.
