WorksheetsReview Part 2 (AP 6-Q2)
Total questions: 14
Worksheet time: 5mins
Kalian pinasinayaan ang Pamahalaang Komonwelt?
A. Nobyembre 15, 1935
B. Nobyembre 25, 1935
C. Disyembre 25, 1935
D. Nobyembre 15, 1953
Ayon sa napagkasunduan sa Batas Tydings-McDuffie, ilang taon magtatagal ang
Pamahalaang Komonwelt?
A. 5
B. 8
C. 10
D. 15
Sino ang unang naging pangulo ng Pamahalaang Komonwelt?
A. Jose Laurel
B. Elpidio Quirino
C. Emilio Aguinaldo
D. Manuel Quezon
Anong batas ang pinatupad upang magkaroon ng maayos na kasunduan ang magsasaka at ang may-ari ng lupang kanyang sinasaka?
A. Tenant Act
B. Batas Homestead
C. Public Defense Act
D. Republic Act No.74
Anong patakaran ang itinatag upang mapahusay ang hukuman na siyang susuri sa mga problema sa pagitan ng mga mangagawa at kapitalista?
A. Tenant Act
B. Public Defense Act
C. Court of Industrial Relations
D. Eight Hour Labor Law
Bakit ipinatupad ang Minimum Wage Act sa manggagawa sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt?
A. Upang magkaroon ng perang pampuhunan ang mga magsasaka.
B. Upang mahikayat ang Pilipinong tangkilikin ang produktong sariling atin.
C. Upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayang nakatira sa probinsya.
D. Upang masiguro at maging maayos na hindi mababa ang sahod ng mga manggagawa.
Ang mga sumusunod ay mga hakbang na ginawa ng pamahalaan upang malutas ang suliraning pagkahilig ng mga Pilipino sa produktong banyaga. MALIBAN SA ISA.
A. Pinataas ang kalidad ng mga produktong Pilipino.
B. Inilunsad ang “Made-in-the Philippines Product Week
C. Hinakayat ang mga Pilipinong tangkilikin ang mga produktong gawang sariling atin.
D. Pinairal ang pagluluwas sa bansa ng mas marami pang produkto galling sa Amerika at Espanya.
Kailan nilagdaan ang kasunduan sa Paris sa pagitan ng Amerika at Espanya?
A. Nobyembre 10, 1898
B. Disyembre 10, 1898
C. Disyembre 20, 1898
D. Nobyembre 20, 1988
Ang mga sumusunod ang naging dahilan ng pananakop ng Amerika sa Pilipinas. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI kabilang?
A. Upang mapalawak ang lupaing sakop
B. Upang masakop ang bansang Hapon
C. Upang makapagtatag ng Base Militar sa Pilipinas
D. Upang mapalaganap ang Protestantismo sa kalakhang-Asya
Ano ang ginamit ng mga Amerikano na patakaran upang masupil ang damdaming nasyonalismo ng nakakaraming Pilipino?
A. Patakarang Kolonyal
B. Patakarang Asimilasyon
C. Patakarang Kooptasyon
D. Patakarang Pasipikasyon
Ang malayang kalakalan ay ipinakilala ng mga Amerikano na siyang nagpaunlad ng ekonomiya ng bansa. Anong saloobin ang dapat tandaan ukol dito?
A. Isaisip ang pagkakaroon ng malaking kita.
B. Maging patas sa mga gawain sa kalakalan.
C. Gumawa ng paraan upang maisahan ang kapalitan ng kalakal.
D. Samahan ng ipinagbabawal na produkto ang iyong kalakal upang malaki ang kikitain.
Anong tawag sa ahensyang itinaguyod ng pamahalaang upang humikayat sa mga Pilipinong tangkilikin ang sariling produkto?
A. NEDA
B. NEPA
C. Pilipino Muna
D. TESDA
Alin sa mga sumusunod ang DI-MABUTING epekto ng malayang kalakalan sa bansa?
A. Nagkaroon ng maraming suplay ng asukal at tabako.
B. Lumago ang industriya ng pagsasaka at pangingisda.
C. Nagkaroon ng maraming hanapbuhay ang mga Pilipino.
D. Humina ang benta ng mga produktong gawa sa ating bansa dahil sa laki ng kompetisyon mula sa mga dayuhang negosyante.
Nagkaroon ng magandang epekto ang kalakalan noong panahon ng mga Amerikano. Alin sa mga ito ang HINDI mabuting dulot sa ekonomiya ng bansa?
A. Pagkahilig sa mga imported na produkto.
B. Napataas ang kalidad ng mga produktong mabibili.
C. Lumawak ang pamilihan ng mga produkto sa bansa.
D. Tumaas ang kita ng pamahalaan sa pamamagitan ng taripa.
