wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP REVIEWER (ASIA)

Total questions: 20

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Isa sa mga katangian o salik ng kabihasnan ay ang pagkakaroon ng sistema ng pagsusulat. Sinasalamin nito ang maayos na kumunikasyon ng mga tao. Sa kasalukuyan, pinagbabatayan ito ng galing ng mga Yaman Tao batay sa taas ng bahagdan ng mga taong marunong bumasa at sumulat o Literacy Rate. Kung ikaw ay magiging Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon. Paano mo higit na mapapataas ang Literacy Rate ng

bansa?

a)

Pagbuo ng Book Lovers Club

b)

Pagpapaunlad ng pagbabasa gamit ang makabagong teknolohiya

c)

Pagbuo ng programa tungkol sa pagbasa at lubusang pag-intindi ng binabasa

d)

Pag-alam at paggabay sa bilang ng mga mag-aaral na hindi marunong bumasa at sumulat

2.

Ano ang dalawang tanyag na kodigo na naglalaman ng mga batas para sa kababaihan?

a)

Kodigo ni Manu at Sargon

b)

Kodigo ni Hammurabi at Sargon

c)

Kodigo ni Hammurabi at Manu

d)

Kodigo ni Sargon at Nebuchadnezzar

3.

Ang pagkalakal sa mga kababaihan ay isa sa mga probisyon ng Batas ni Hammurabi. Naglalarawan ito na:

a)

Ang mga babae ay pabigat sa lipunan.

b)

Pantay ang pagtingin sa babae at lalaki.

c)

Maituturing na transaksyon pananalapi ang pag-aasawa.

d)

Malaki ang pwedeng maging kita ng lalaki mula sa asawang ibinenta.

4.

Kung paghahambingin ang pamahalaan ng kabihasnang Sumer at Indus, ano ang kanilang pagkakatulad na istilo?

a)

Sila ay pinamumunuan ng mga paring-hari

b)

Ang mga pinuno nila ay mga magigiting na mandirigmA

c)

Itinuturing na anak ng Diyos ang kanilang mga hari

d)

Sila ay pinamumunuan ng mga kababaihan

5.

Nagkaroon kayo ng Field Trip sa isang kweba, na pinaniniwalaang tirahan ng mga sinaunang tao at nakakita ka ng mga bakas na tila isang cave painting. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

Magpicture kasama ng mga guhit

b)

Hawakan at suriin kung ano ang guhit

c)

Magsulat ng pangalan bilang remembrance

d)

Iwasan na mahawakan o madumihan ang mga guhit

6.

Malalim ang impluwensya ng relihiyon sa pag-uugali at pananaw ng mga Asyano. Ayon sa mga Hindu, ang prinsipyo ng "Karma" ay pinaniniwalaang produkto ng aksyon at gawain sa buhay sa kasalukuyan. Ano ang

epekto nito sa pamumuhay ng mga tagasunod ng Hinduismo?

a)

Ang pagtugon ng masama sa kapwa ay bunga ng negatibong karanasan din sa kapwa.

b)

Natatakot dahil ang kalagayan nila sa buhay ay bunga ng mga nagawa nila sa nakaraan

c)

Naniniwala silang kapag gumawa ka ng mabuti sa kapwa, ito ay may kapalit na kabutihan din.

d)

Hindi agresibo sa pagharap sa kanilang buhay sapagkat naniniwala sila na naitakda na ang

kasalukuyan nilang buhay.

7.

Nais mong pag-aralan ang pamumuhay ng mga sinaunang tao sa Asya. Alin sa mga sumusunod ang

pinakamainam mong gawin upang madagdagan ang iyong kaalaman ukol dito?

a)

Manuod ng mga video na gawa ng mga vlogger

b)

Manood ng pelikula gaya ng Ice Age, 10,000 B.C at iba pa.

c)

Magbasa ng mga aklat at bumisita sa mga virtual museum sa internet.

d)

Maglaro ng mga computer games na may tema ukol sa sinaunang tao.

8.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa Walong Dakilang Landas/Daan ng Buddhismo?

a)

tamang pananalita

b)

tamang konsentrasyon

c)

tamang pagkilos

d)

tamang pananamit

9.

Ano ang posibleng maaaring mangyari kung bawat tao ay laging kinukumpara ang kaisipan o paniniwalang mayroon siya sa iba?

a)

Hindi pagkakaintindihan ng bawat isa

b)

Paninira sa iba at malubhang away

c)

Matinding kaguluhan at kawalan ng kaayusan

d)

Pagkakawatak-watak ng mga tao sa lipunan.

10.

Ang kalendaryo, pagkakaroon ng pinuno at sistema ng irigasyon ay ilan lamang sa mga bagay na nalinang ng sinaunang kabihasnan bilang solusyon o pagkontrol sa problema sa __________.

a)

pagbaha

b)

paglindol at pagkasunog

c)

paglusob ng mga kaaway

d)

pagkakaroon ng mahinang pinuno.

11.

Ang inyong grupo ay gagawa ng isang proyekto ukol sa mga kababaihang Asyano. Alin ang mas dapat ninyong bigyan ng diin sa inyong ipapasang proyekto upang magsilbing inspirasyon sa mga katulad sa mga kapwa babae?

a)

Mga kababaihang pinuno at naging pinuno sa Asya.

b)

Nagwagi ng mga Ms. Universe sa mga nakalipas na taon.

c)

Suliranin at tagumpay ng mga kababaihan sa iba't ibang larangan.

d)

Ang mga naggagandahang mga anyo at kasuotan ng mga kababaihan sa Asya

12.

Nakatatak na sa isipan ng ibang mga tao na ang karma ay parang sumpa o kamalasan ngunit hindi ito ang tunay na diwa ng karma. Ang tunay na diwa ng karma ay __________.

a)

mabuti at di-mabuting gawa ay may katumbas na mabuti at di-mabuting resulta

b)

paniniwala na ang gawaing mabuti ay resulta ng mabuting gawa lamang sa kapwa.

c)

kung ano man ang ating mga nagawa noon ay siyang paghubog kung ano tayo ngayon.

d)

pagtugon sa masamang pangyayari sa kapwa ay produkto ng negatibong karanasan din sa kapwa.

13.

Kilala ang mga kababaihang Haponesa sa pagiging matatag sa kanilang pamilya. Ang mga babaeng Pilipino naman ay kilala sa pagiging maalalahanin sa kanilang mga anak. Sa anong bagay magkatulad ang katayuan ng mga kababaihang ito?

a)

Mga walang pananagutan sa lipunan.

b)

Magkaiba ang pag-aaruga ng mga anak.

c)

Parehong nagpapatupad ng disiplina sa tahanan.

d)

Kapwa may malasakit sa kapakanan ng mga anak at tahanan.

14.

Ang mga Akkadian at Babylonian ay sumakop at nanirahan sa Mesopotamia. Sa kabila nito ginamit at tinangkilik ng mga ito ang iba't-ibang aspeto ng pamumuhay ng mga Sumerian. Ano ang mahihinuha mo ukol dito?

a)

Binalewala ng mga mananakop ang kultura ng kanilang sinakop

b)

Walang sariling kultura ang mga mananakop

c)

Mahina ang kapangyarihan ng mga bagong mananakop sa Mesopotamia

d)

Mataas ang pagtingin at hinahangaan ng mga mananakop ang kultura ng mga Sumerian

15.

Ano ang kahulugan ng "Mata sa Mata, Ngipin sa Ngipin" na mula sa Kodigo ni Hammurabi?

a)

Malupit na pamumuno

b)

Mahigpit na pagpapatupad ng batas

c)

Pagiging matapang sa panahon ng digmaan

d)

Mahirap na kabuhayan noong unang panahon

16.

Monoteismo ang paniniwala lamang sa iisang diyos. Alin sa mga sumusunod na relihiyon ang sumasamba sa iisang diyos?

a)

Hinduismo

b)

Islam

c)

Jainismo

d)

Shintoismo

17.

Naipamalas ng sinaunang lipunan ng Hapon ang mga sumusunod na pagpapahalaga MALIBAN sa:

a)

Pagtatangi sa karangalan ng pamilya.

b)

Pagpapahalaga sa kalikasan at kalinisan.

c)

Pagkilala at pagpapahalaga sa katayuan ng mga kababaihan sa lipunan.

d)

Paniniwala na dapat na magsilbing huwaran ang mga pinuno at hindi dapat gumamit ng dahas.

18.

Bilang lider ng klase, ano ang gagawin mo upang maipakilala at mapahalagahan ang mga ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya ?

a)

Magsasagawa ng quiz bee.

b)

Magtatakda ng quiz exhibit.

c)

Magtatakda ng mga paligsahan sa paggawa ng sanaysay

d)

Iulat sa klase ang mga natutunang ambag ng sinaunang kabihasnan sa Asya

19.

Saang mga bansa sa Asya isinasagawa ang tradisyong Female Infanticide sa mga sanggol?

a)

Pilipinas at Vietnam

b)

Thailand at Saudi Arabia

c)

Indonesia at Afghanistan

d)

India at China

20.

Paano isinasagawa ng mga kababaihan sa India ang suttee o sati?

a)

Naliligo ng gas at sinisindihan ang katawan upang masunog

b)

Tumatalon ang babae sa apoy habang sinusunog ang labi ng lalaki.

c)

Isinasama ang lalaki sa labi ng asawang namatay bilang tanda ng pagmamahal.

d)

Nagpapakamatay para kasama o kasabay sa paglilibing sa labi ng asawang namatay.