Font size
WorksheetsEL FILIBUSTERISMO (BASILIO, ISAGANI AT PLACIDO)
Total questions: 15
Worksheet time: 21mins
Piliin ang wastong kahulugan ng salitang pahilis sa loob ng pangungusap.
Ang kahirapan ang nag-udyok sa kanya para magsikap.
nag-utos
nanghimok
nagsulsol
nagbuyo
Matinding paghihinagpis ang nadarama ng pamilya dahil sa pagkamatay ng kanilang kaisa-isang anak.
katuwaan
kagalakan
kahirapan
kalungkutan
Nahihilam sa luha ang mga mata ni Placido dahil sa matinding galit sa mga prayle.
bumubuhos ang luha
kalabuan ng mata
nababalot ng luha
tumutulo ang luha
Pinakabantog sa paaralan ni Padre Valerio si Placido Penitente.
pinakamaingay
pinakamahusay
pinakasikat
pinakamatalino
Umiwas tayo sa mga magusot na suliranin para wala tayong makaaway o masaktang ibang tao.
malungkot
magulo
mahirap
malabo
Ano ang kahulugan ng pangalan ni Placido Penitente?
mapayapang nagdurusa
mapaghimagsik
matampuhin
madaling mainis
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga dahilan kung bakit ninais ni Placido na tumigil na sa pag-aaral?
hindi siya pinapansin
araw-araw siyang walang baon
lagi siyang ipinapahiya sa klase ng kanilang propesor
laging tampulan ng tukso sa klase
Ilang taon ang nakalipas mula nang maulilang lubos si Basilio?
10
12
13
14
Ano ang dahilan kung bakit napadpad si Basilio sa Maynila?
Para hanapin ang kaniyang kapatid at ina
Para bigyang-katarungan ang pagkamatay ng kaniyang ina at kapatid
Para manilbihan bilang utusan sa bahay sa isang mayaman at makapag-aral
Para makapaghiganti sa mga prayleng mapang-abuso
Sino ang tumulong at tumanggap kay Basilio upang makapag-aral?
Kapitan Tiyago
Padre Florentino
Padre Salvi
Simoun
Batay sa larawan, magbigay ng mga ilang pangyayari mula sa kuwento nina Basilio at Placido na maaaring iugnay sa kanilang mga naging sariling karanasan.
Bilang isang mag-aaral paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa edukasyon katulad ng ginawa at ipinakita nina Basilio, Isagani at Placido sa kabila ng kanilang mga naging karanasan sa buhay?
Ibigay ang sariling opinyon tungkol sa kaisipan sa naging pahayag ni Isagani.
“Laging ipinapayo sa akin na isipin ko ang aking kapwa ng katulad ng aking sarili. Hindi ako pumunta rito para sa aking sarili kung hindi para sa iba na nangangailangan ng aking tulong.”
Gumuhit ng emoji na umaayon sa iyong nararamdaman tungkol sa naging kuwento nina Basilio, Isagani at Placido.

Batay sa iginuhit mong emoji na umaayon sa iyong naramdaman sa naging kuwento nina Isagani, Placido at Basilio, ipaliwanag kung bakit ito ang iyong naging sagot.
