WorksheetsESP 5
Total questions: 25
Worksheet time: 1hrs 13mins
Nag-uusap sina Gng. Limbo at Gng. Sebuc sa may pintuan ng inyong silid-aralan. Ibig mong pumunta sa palikuran, ngunit kailangan mong dumaan sa pagitan nila. Ano ang sasabihin mo?
A. Paraan muna, mga guro.
B. Makikiraan po, mga guro.
C. Bakit dito po kayo nag-uusap?
D. Huwag po kayong mag-usap dito, walang mararaanan.
Nanghiram ng pambura sa iyo si Annie. Nang iaabot mo na sa kanya ang hinihiram nito, napansin mong nakapagitan sa inyong dalawa sina Kyla at Lilah. Alin ang wastong sasabihin sa kanila?
Iabot nga ninyo ito kay Annie.
Pakiabot naman nito kay Annie.
Pahiramin nyo na lang ng pambura si Annie
Kayo na lang ang mag-abot nito sa kanya.
Nakatanggap ka ng regalo mula sa iyong mga magulang noong kaarawan mo.
Magandang umaga po!
Maaari po bang mang-abala?
Maraming salamat po.
Paki-kuha naman po.
Mag-uumpisa na ang klase ninyo. Naalala mong naiwan ang wallet mo sa kantin noong rises. Paano ka hihingi ng pahintulot sa guro mo?
Lalabas lamang ako sandali.
Gng. Santos, may nakalimutan po ako sa kantin.
Gng. Santos, maaari po bang lumabas sandali?
Naiwan ko ang wallet ko sa kantin, kaya lalabas muna ako.
Nakaharang sa iyong daraanan ang mga kaklase mo, kailangan mo ng lumabas.
Tabi kayo riyan!
Makikiraan !
Alis muna kayo sa harapan ko.
Paalam po!
May kamag-anak kayong dumating mula sa probinsya. Nagkataong ikaw lamang ang nasa bahay. Paano mo sila tatanggapin?
ASino ba kayo?
Tuloy po kayo, maupo po muna kayo.
Wala rito sina inay at Tatay; bumalik na lang kayo mamaya.
Nandito na naman kayo, anong kailangan n’yo?
Hapunan na ng dumating mula sa opisina ang iyong mga magulang.
Magandang araw po!
Magandang gabi po!
Bakit ang tagal ninyong umuwi?
Marami pong salamat.
Nais mong magpasama kay Leigh Anne sa pagpunta sa National Library para gumawa ng pananaliksik. Paano mo siya ipagpaaalam sa nanay niya?
Aalis na po kami.
Pasasama ako kay Leigh Ann sa National Library.
Pupunta kami ni Leigh Anne sa National Library.
Maaari po bang magpasama kay Leigh Anne sa National Library?
Hindi mo naintindihan ang direksyong ibinigay ng guro tungkol sa paggawa ng proyekto.
Maaari po bang magtanong?
Ituro mo sa akin ang paggawa ng proyekto.
Ikaw na lang ang gumawa at hindi naiintindihan.
Patawad po!
Ang pagsunod sa tuntunin ay naipakikita mo kung ikaw ay
patagong lumalabas ng bahay
nag-aaral ng mga aralin
nagmamaktol tuwing inuutusan
Napagkasunduan ninyo na ikaw ang maghuhugas ng
pinagkainan ngayong araw. Hindi mo pa tapos ang modyul na iyong binabasa. Kailangan mo itong tapusin kaya
sasabihin mo na hindi ka puwedeng maghugas
maghuhugas pa rin habang naiinis
maghuhugas pa rin at mag-aaral pagkatapos
Palaging hindi sinusunod ng bunso mong kapatid ang
napagkasunduan tuntunin kaya
aawayin siya nang paulit-ulit
isusumbong siya sa nanay o tayay
kakausapin siya at papaalalahanan
Ano ang kahulugan ng salitang magalang?
Mapagmahal
Marespeto
Maalaga
Maunawain
Batay sa teksto, ano ang kahulugan ng salitang “kaugalian”?
Kaasalan
Kapangyarihan
Kasanayan
Kaisipan
Ang pagmamano ay nangangahulugang _____.
Pakikipagkamay sa nakakatanda
Pagkaway sa nakakatanda
Paglapat ng kamay ng matanda sa noo
Paghalik sa pisngi
Ano ang katumbas ng salitang utos?
Habilin
Gawain
Tuntunin
Aralin
Ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling o pagsang-ayon sa katotohanan. Itinuturing ding isang lason na humahadlang sa kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon. Anong patunay na ito’y natural na masama?
Sapagkat inililihis ang katotohanan.
Sapagkat sinasang-ayunan ang mali.
Sapagkat ito ay isang uri ng pandaraya.
Sapagkat ipinagkakait ang tunay na pangyayari.
Ang salitang “paggalang” ay nagmula sa salitang Latin na “respectus” na ang ibig sabihin ay ______________.
pagmamahal
halaga
pakikipagkapwa
paglingon o pagtingin muli
Bago pumasok sa kwarto ng mga magulang mo, kumatok ka muna sa pinto bilang pagpapakita ng ____________.
pag-aalala
paggalang
pag-aaruga
wala sa nabanggit
Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng paggalang at pagsunod sa mga nakatatanda maliban sa;
Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na makakabuti sa kanila.
Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa lalo na sa pagiging matiisin at matiyaga sa maraming bagay.
Huwag makinig sa kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang dulot ng kanilang mayamang karanasan sa buhay.
Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na pakikipag-usap.
Ang paggalang ay isa sa mga katangian na dapat taglayin ng isang indibiwal.
TAMA
MALI
Huwag insultihin o pagtawanan ang iba.
TAMA
MALI
Ang pakikitungo nang may paggalang at pagpaparaya ay hindi mabuting gawa.
TAMA
MALI
Ang mga katutubo ay isang grupo ng tao kung saan ay matagal na naninirahan sa isang lugar.
TAMA
MALI
Huwag tayong maging sensitibo sa damdamin ng iba
TAMA
MALI
