wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

G7- 3rd Quarter Review Quiz

Total questions: 20

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

"May limang pusa sa bubong. Tumalon ang isa, ilan na ngayon ang natira?"

Anong uri ng kaalamang bayan ito?

a)

Palaisipan

b)

Bugtong

c)

Tugmang de Gulong

d)

Tulang Panudyo

2.

"Siya ay babaeng maganda,

Halos lahat nagkakagusto sa kaniya

Ngunit ugali niya'y 'di masikmura."

Anong uri ng kaalamang bayan ito?

a)

Palaisipan

b)

Bugtong

c)

Tugmang de Gulong

d)

Tulang Panudyo

3.

Alin sa pagpipilian ang halimbawa ng isang Bugtong?

a)

Tumingin ka sa akin, ang makikita mo'y ikaw rin. (Salamin)

b)

Magbayad muna bago bumaba.

c)

Ano ang nasa gitna ng mundo?

d)

Siya ay matapang na lalaki

Ngunit sa tunog ng butiki

Siya ay napapatili

4.

Alin sa pagpipilian ang halimbawa ng isang Tugmang de Gulong?

a)

Tumingin ka sa akin, ang makikita mo'y ikaw rin. (Salamin)

b)

Magbayad muna bago bumaba.

c)

Ano ang nasa gitna ng mundo?

d)

Siya ay matapang na lalaki

Ngunit sa tunog ng butiki

Siya ay napapatili

5.

Alin sa pagpipilian na ang ibigsabihin ay ipinakilala niya kay Jessi at Jackson ang kaniyang pinsan na si CL?

a)

Jessi, Jackson ang pinsan ko at CL.

b)

Jessi Jackson, ang pinsan ko CL.

c)

Jessi at Jackson, ang pinsan ko, si CL.

d)

Jessi at Jackson! Ang pinsan ko, CL?

6.

Alin sa pagpipilian ang nangangahulugang may sunog sa Alabang?

a)

May sunog sa Alabang?

b)

May sunog sa Alabang!

c)

May, sunog sa Alabang.

d)

Wala sa nabannggit.

7.

Alin sa pagpipilian ang nangangahulugang si Jopay ay maganda?

a)

Hindi maganda si Jopay.

b)

Hindi, maganda si Jopay.

c)

Hindi maganda si Jopay?

d)

Wala sa nabannggit.

8.

"/Bu.kas/ na namin bibisitihan si lola."

Anong ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan sa pangungusap?

a)

tomorrow

b)

open

c)

rice

d)

rise

9.

"Matuto sana tayong pahalagahan ang /bu.hay/ natin habang maaga pa."

Anong ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan sa pangungusap?

a)

life

b)

alive

c)

awake

d)

enthusiastic

10.

"Grabe yung /sayah/ ni Mijin kanina."

Anong ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan sa pangungusap?

a)

happy

b)

sad

c)

skirt

d)

palda

11.

Sino ang sumulat ng kuwentong "Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao"?

a)

Simplicio Bisa

b)

Bisa Simplicio

c)

Datu Sampulna

d)

Sabsafung

12.

Alin sa pagpipilian ang ibig sabihin ng Alamat?

a)

Kuwentong patungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.

b)

Kuwentong tungkol sa tradisiyon at kultura ng isang lugar o tao.

c)

Kuwentong tungkol sa mga kakaibang nilalang.

d)

Kuwentong tungkol sa Diyos o Diyosa.

13.

Alin sa pagpipilian ang ibig sabihin ng Kuwentong-Bayan?

a)

Kuwentong patungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.

b)

Kuwentong tungkol sa tradisiyon at kultura ng isang lugar o tao.

c)

Kuwentong tungkol sa mga kakaibang nilalang.

d)

Kuwentong tungkol sa Diyos o Diyosa.

14.

Alin sa pagpipilian ang HINDI nagsasaad sa kahulugan ng isang Mito/Myth?

a)

Kuwentong nagsasaad ng kultura at tradisyon ng isang tao o lugar.

b)

Kuwentong may kinalaman sa Diyos o Diyosa.

c)

Kuwentong tungkol sa mga kakaibang nilalang.

d)

Kuwentong tungkol sa mga diwata o nimpa.

15.

TAMA o MALI: Ang "Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao" ay isang uri ng kuwentong Alamat, Kuwentong-Bayan, at Mito.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Panuto: Piliin ang A kung sa tingin mo ito ay nagpapahayag ng tamang impormasyon. Piliin naman ang B kung ito ay may tamang pahayag, C naman kung sa tingin mo ang dalawang pahayag sa A at B ay PAREHONG TAMA at piliin naman ang D kung sa tingin mo ang dalawang pahayag ay MALI.

A. Ang kuwentong Bulkang Mayon ay isang Alamat.

B. Ang pangalang Bulkang Mayon ay mula sa pangalan ni Daragang Magayon.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

17.

Panuto: Piliin ang A kung sa tingin mo ito ay nagpapahayag ng tamang impormasyon. Piliin naman ang B kung ito ay may tamang pahayag, C naman kung sa tingin mo ang dalawang pahayag sa A at B ay PAREHONG TAMA at piliin naman ang D kung sa tingin mo ang dalawang pahayag ay MALI.

A. Sa huli, si Pagtuga ang siyang pinili ni Daragang Magayon dahil mayaman ito.

B. Nagpakasal si Pagtuga at Magayon at nabuhay ng masaya at maligaya.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

18.

Panuto: Piliin ang A kung sa tingin mo ito ay nagpapahayag ng tamang impormasyon. Piliin naman ang B kung ito ay may tamang pahayag, C naman kung sa tingin mo ang dalawang pahayag sa A at B ay PAREHONG TAMA at piliin naman ang D kung sa tingin mo ang dalawang pahayag ay MALI.

A. Nasawi ang dalawang magkasintahang si Magayon at Panganuron.

B. Nabuhay ng masaya sa huli ang magkasintahang si Magayon at Panganuron.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

19.

Anong tawag sa bulkang nasa larawan, na siyang makikita sa Albay?

a)

Bulkang Mayon

b)

Bulkang Taal

c)

Mt. Fuji

d)

Mt. Everest

20.

TAMA o MALI: Ang Bulkang Mayon ang pinakamagandang bulkan sa buong mundo dahil sa perpektong hugis apa nito.

a)

Tama

b)

Mali