WorksheetsIKATLONG MARKAHAN M3 (Dokumentaryong Pampelikula:TAYAHIN)
Total questions: 6
Worksheet time: 4mins
Sa iyong palagay, ano kaya ang pagkakaiba ng Tunog mula sa Musika tungkol sa ating aralin na tinalakay?
Ang Tunog at Musika ay walang pagkakaiba.
Ang Tunog at Musika ay parehong mahalaga bilang isang elemento ng Dokumentaryong Pampelikula.
Ang Tunog ay nagbibigay diin lamang sa diyalogo ng isang tauhan, samantalang ang Musika ay nagbibigay diin sa damdaming nais palutangin.
Walang wastong kasagutan sa mga pagpipilian.
Base sa iyong natutuhan sa paksang tinalakay, ano ang iyong mahihinuha mula sa Manoro(Magturo) at sa aralin?
Ang Manoro(Magturo) ay may koneksyon sa aralin sapagkat maituturing itong Dokumentaryong Pampelikula.
May kaugnayan ang aralin sa Manoro(Magturo) sapagkat itinuring itong Dokumentaryong Pampelikula dahil sa mga suliranin, wikang ginamit, at Cinema Verite na nagpapakita ng reyalidad upang buksan ang ating isipan tungo sa katotohanan.
May kaugnayan ang aralin sa Manoro(Magturo) sapagkat itinuring itong Dokumentaryong Pampelikula dahil sa mga elementong tinataglay nito na napag-aralan sa modyul.
B at C
Ang Manoro(Magturo) ay isang _____________ nilikha ni Brillante Mendoza na kinikilala bilang mahusay na direktor.
obrang
pelikulang
temang
Dokumentaryong Pampelikulang
temang
Mahalaga kayang malaman ang iba't ibang uri ng pagkuha ng mga senaryo gamit ang mga iba't ibang klase ng anggulo o shot ng isang kamera sa isang Dokumentaryong Pampelikula? Ipaliwanag.
Opo, sapagkat nagbibigay ito ng kaalaman sa atin upang magamit ang iba't ibang klase ng anggulo ng kamera.
Opo. Mahalaga ito upang ating magamit nang wasto ang iba't ibang uri ng anggulo o shot kapag may nais tayong bigyang diin at mabilis din nating malalaman ang nais bigyang pansin sa isang senaryo ng isang Dokumentaryong Pampelikula.
Hindi, sapagkat naniniwala akong may kaniya-kaniya tayong diskarte sa pagkuha ng isang senaryo na maaari pa ring magbigay buhay o kahulugan sa isang Dokumentaryong Pampelikula.
Opo, mahalaga ito dahil kapag ating alam ang iba't ibang uri ng pagkuha ng isang senaryo(anggulo o shot), maipakikita nito kung ano ang nais nating pagtuunan ng pansin sa isang Dokumentaryong Pampelikula.
Sa tingin mo, ano kaya ang pagkakaiba ng "Close-up Shot" mula sa "Extreme Close-up Shot"?
Sa tingin ko, walang pinagkaiba ang dalawang ito sapagkat parehas lamang ito na nais mabigyang diin ang isang bagay mula sa malapitan.
Sa tingin ko, ang pagkakaiba ng dalawa ay nais pagtuunan ng "Close-up Shot" ang kabuuan nang malapitan, samantalang ang "Extreme Close-up Shot" ay nais bigyang pagtutuon ang isang bahagi lamang ng kabuuan nang malapitan.
Sa tingin ko, ang pagkakaiba ng dalawa ay pinagtutuunan ng "Close-up Shot" ang kabuuan nang malapitan, samantalang ang "Extreme Close-up Shot" ay kabuuan din ang binibigyang pansin subalit mas malapit itong kinukuha kumpara sa "Close-up Shot".
Hindi pa malinaw sa akin ang pagkakaiba ng dalawang uri ng anggulo ng kamera.
Ang ilan sa mga kasagutan ay wasto patungkol sa pagkakaiba ng "High Angle Shot" mula sa "Bird's Eye View Shot" piliin lamang ang kasagutang hindi angkop o nabibilang.
Ang "High Angle Shot" at "Bird's Eye View" ay kinuha mula sa taas na may pagbibigay diin sa ibaba.
Ang "High Angle Shot" at "Bird's Eye View" ay parehong kinuha mula sa itaas na binibigyang diin ang ibaba ngunit ang "High Angle Shot" ay hindi gaanong mataas ang posisyon ng kamera, samantalang ang "Bird's Eye View" ay higit na mas mataas ang posisyon ng kamera.
Ang "High Angle Shot" ay kinuha mula sa ibaba na ang anggulo ay nasa itaas, samantalang ang "Bird's Eye View" ay kabaliktaran nito.
Ang "High Angle Shot" ay kinuha mula sa itaas ngunit nagbibigay tuon ito sa isang bagay na nasa ibaba, samantalang ang "Bird's Eye View" ay kinukuha rin mula sa itaas at nagbibigay pokus sa ibaba subalit mas mataas ito kumpara sa isang uri.
