Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q3 FIL 9 - TULANG LIRIKO

Total questions: 50

Worksheet time: 27mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tema ng Elehiya para kay Ram?

a)

A. Pag-iwan ng magulang sa kaniyang anak

b)

B. Pagkamatay ng minamahal sa buhay

c)

C. Paglisan ng minamahal

d)

D. Pangungulila ng anak sa magulang

2.

Walang katapusang pagdarasal

Kasama ng lungkot, luha, at pighati

Bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan

Mula sa maraming taon ng paghihirap

Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral

Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala

O’ ano ang naganap,

Ang buhay ay saglit na nawala

Kung ikaw ang persona sa tula,

alin ka sa pagpipilian batay sa naisaad sa itaas?

a)

A. Bibigyang-tuon ang paghahanap ng kaligayahan sa kabila ng kakulangan.

b)

B. Buong buhay na maghihinagpis dahil sa pagkawala ng minamahal.

c)

C. Hindi malilimutan ang naiwang alaala ng minamahal.

d)

D. Sa pagkawala ng minamahal maipagpapatuloy ang pag-aaral.

3.

Paano makikilala ang isang tulang lirikong tulad ng elehiya?

a)

A. Ang elehiya ay makikilala sa pamamagitan ng tugma at sukat nito.

b)

B. Ang elehiya ay makikilala sa katangian nitong pag-alaala sa minamahal.

c)

C. Ang elehiya ay makikilala sa pamamagitan ng taglay nitong damdamin.

d)

D. Ang elehiya ay makikilala sa pamamagitan ng pag-alam sa mensahe nito.

4.

I. Pagkasaid

II. Pagkawala

III. Pagkaubos


Unang bilang ang pinakamatindi at huling bilang ang karaniwang antas o tindi ng salita. Alin sa mga pagpipilian ang tamang ayos ng mga salita ayon sa tindi ng kahulugan?

a)

A. I,III,II

b)

B. I,II,III

c)

C. III,II,I

d)

D. II,I,III

5.

I. Namayani

II. Naghari

III. Nangibabaw

IV. Namayagpag


Unang bilang ang karaniwang antas at huling bilang ang pinakamatinding antas o tindi ng salita. Alin sa mga pagpipilian ang tamang ayos ng mga salita ayon sa tindi ng kahulugan?

a)

A. I,II,III,IV

b)

B. II,I,III,IV

c)

C. III,I,II,IV

d)

D. IV,III,II,I

6.

Ang lawak ng aking (sinta) sa iyo ay mula sa lupa hanggang sa langit.


Alin sa mga pagpipilian ang wastong salita na aangkop sa pangungusap?

a)

A. pagsinta

b)

B. sinisinta

c)

C. sintahin

d)

D. pagsisinta

7.

Ang katangian ng elehiya ay _________.

a)

A. Tulang panangis, pag-aalala, pagpaparangal

b)

B. Tulang kasiyahan, kaligayahan, kagalakan

c)

C. Tulang umiibig, umiirog, nagmamahal

d)

D. Tulang masalimuot, nagpupuri, pagdakila

8.

Malungkot na lumisan ang tag-araw

Kasama ang pagmamahal na inialay

Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita

Ang masayang panahon ng pangarap


Batay sa tekstong iyong binasa, ano ang nais ipahiwatig nito?

a)

A. Hindi na maibabalik pa ang buhay na nawala.

b)

B. Kulang na ang pagmamahal matapos mawalan ng mahal sa buhay.

c)

C. Lubos ang kalungkutang nadarama matapos mawalan ng mahal sa buhay.

d)

D. Sa paglisan ng minamahal kasabay nito ang pagbabagong magaganap.

9.

Unang bilang ang pinakamatindi at huling bilang ang karaniwang antas o

tindi ng salita. Alin sa mga pagpipilian ang tamang ayos ng mga salita ayon

sa tindi ng kahulugan?

a)

A. I,II,IV,III

b)

B. I,II,III,IV

c)

C. IV,III,II,I

d)

D. II,I,IV,III

10.

Epiko: Tulang Pasalaysay – Elehiya: _________

a)

A. Tulang Liriko

b)

B. Tulang Dula

c)

C. Tulang Patnigan

d)

D. Tulang Paglalarawan

11.

Ang tulang lirikong ito ay naglalarawan ng malungkot na damdaming

nagpapaalala ng isang mahal sa buhay.

a)

A. Alamat

b)

B. Elehiya

c)

C. Korido

d)

D. Patula

12.

Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga

Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!

Batay sa mga pahayag na nasa itaas, ano ang damdaming ipinapahiwatig

nito?

a)

A. pag-aalala

b)

B. paghihinagpis

c)

C. pagkagalit

d)

D. kawalan ng pag-asa

13.

Alin sa sumusunod na elemento ng elehiya ang tumutukoy sa pag-alaala sa

isang mahal sa buhay?

a)

A. Kaugalian

b)

B. Tauhan

c)

C. Tema

d)

D. Wika

14.

Bakit mahalagang gumamit ng simbolo sa pagsulat ng isang elehiya?

a)

A. Ang simbolo ay maaaring magpalawak ng ating isipan.

b)

B. Inihahambing nito ang iba’t ibang diwang ipinapakita ng elehiya.

c)

C. Nakatutulong ito upang maging makulay ang isinusulat na elehiya.

d)

D. Saklaw nito ang mensahe ng buong tula.

15.

Ang sumusunod ay kabilang sa mga katangian ng elehiya, MALIBAN sa

_____.

a)

A. pag-aalala

b)

B. paghihinagpis

c)

C. pagpapakasakit

d)

D. pagpaparangal

16.

­Ang isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guni-guni, pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.

a)

Maikling Kuwento

b)

Nobela

c)

Sanaysay

d)

Tula

17.

Ang tulang naglalarawan ng pagpapahalaga o pagmungkahi ng makata o akda sa isang pook o pangyayari ay tinatawag na tulang __________.

a)

Mapang-aliw

b)

Mapaglarawan

c)

Mapangpanuto

d)

Mapang-uroy

18.

Ano ang tawag sa linya ng isang tula?

a)

Saknong

b)

Sukat

c)

Tugma

d)

Taludtod

19.

Anong tawag sa parehong tunog ng huling pantig sa isang tula?

a)

Sukat

b)

Talinghaga

c)

Taludtod

d)

Tugma

20.

Mula sa tulang Puting Kalapati, Libutin Iyong Sandaigdig ni Usman Awang (malayang isinalin ni A.B. Julian)

a)

Mapanlinlang

b)

Sigurado

c)

Walang katiyakan

d)

Walang Pag-asa

21.

Maikling tula mula sa Japan na binubuo ng labimpitong pantig lamang.

a)

Ambahan

b)

Haiku

c)

Tanaga

d)

Tanka

22.

Anong damdamin ang nangingibabaw sa tulang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” ni Pat V. Villafuerte?

a)

Naghihinayang

b)

Nangungulila

c)

Nanunudyo

d)

Nasasaktan

23.

Ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na may pamagat na “Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan” ay nagpapahiwatig na ang kultura ay __________.

a)

Di itinuturo

b)

Di nagpapalit

c)

Naaalis

d)

Nagbabago

24.

Anong uri ng tula ang nagpapahayag ng damdamin ng makata?

a)

Tulang Liriko

b)

Tulang Padula

c)

Tulang Pasalaysay

d)

Tulang Patnigan

25.

Ang "Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng Kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan" ay isang halimbawa ng __________.

a)

Tulang Nagsasalaysay

b)

Tulang Naglalarawan

c)

Tulang Liriko

d)

Tulang Pandulaan

26.

1.       May sukat na walong pantig ang bawat taludtod

a)

Awit

b)

Korido

27.

      Mabagal ang pagbigkas nito kaya madamdamin

a)

Awit

b)

Korido

28.

Higit na makatotohanan dahil malapit ang paksa sa kasaysayan.

a)

Awit

b)

Korido

29.

Ang halimbawang obra maestra nito ay ang “Ibong Adarna”

a)

Awit

b)

Korido

30.

Ang paksa ay pantasya o mga tauhang nagtataglay ng kapangyarihang supernatural.

a)

Awit

b)

Korido

31.

Ang obra maestrang halimbawa nito ay “Florante at Laura”.

a)

Awit

b)

Korido

32.

Mabilis ang pagbigkas pag-awit nito

a)

Awit

b)

Korido

33.

Ang sukat nito ay labindalawang pantig bawat taludtod

a)

Awit

b)

Korido

34.

Higit na buhay at masigla ang damdamin nito

a)

Awit

b)

Korido

35.

May malalim na damdaming relihiyoso

a)

Awit

b)

Korido

36.

Ito ay isang uri ng tula na hindi nagpapahayag ng kwento na naglalarawan sa karakter at aksyon kundi ang kanyang damdamin, iniisip, at persepsyon

a)

Tulang Liriko

b)

Tulang Pasalaysay

c)

Awit

d)

Tulang Patnigan

37.

Ito ay isang liriko o tula nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o isang bagay.

(a)  

38.

Ito ay isang tula na may kinalaman sa guni-guni tungkol sa kamatayan

a)

Elehiya

b)

Oda

c)

Pastoral

d)

Balagtasa

39.

Ilan ang uri ng mga tula?

(a)  

40.

Ito ay isang tula na karaniwang pang relihiyon na inihahandog sa isang Diyos.

a)

Elehiya

b)

Oda

c)

Pastoral

d)

Dalit

41.

Ito ay isang uri ng tula na kung saan mayrron itong labing-apat na taludtod.

a)

Soneto

b)

Oda

c)

Elehiya

d)

Awit

42.

Ito ay halimbawa ng tula na kung saan hango sa buhay ng isang bayani at hindi kapani paniwala ang mga pangyayari.

a)

Mitolohiya

b)

Epiko

c)

Alamat

d)

Bugtong

43.

isang mahalagang elemento ng tula ay ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng saknong

a)

TUGMA

b)

SUKAT

c)

KARIKTAN

d)

PANTIGAN

44.

Isa pinakamahalagang elemento o sangkap ng tula ay pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita ng taludtod.

a)

TUGMA

b)

SUKAT

c)

KARIKTAN

d)

PANTIGAN

45.

Ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag.

a)

KARIKTAN

b)

TALINGHAGA

c)

TUGMA

d)

SUKAT

46.

TUKUYIN KUNG ANONG URI NG TALUDTURAN ANG TULA NA ITO:

Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha!

Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata.

Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata,

tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa

a)

KOPLA

b)

TRIPLET

c)

QUATRAIN

d)

SONETO

47.

TUKUYIN KUNG ANONG URI NG TALUDTURAN ANG TULA NA ITO:

Republika ba itong busabos ka ng dayuhan?

Ang tingin sa tanikala’y busilak na kalayaan.


Kalayaan! Republika! Ang bayani’y dinudusta

Kalayaan pala itong mamatay nang abang-aba!

a)

TRIPLET

b)

KOPLA

c)

SONETO

d)

SEXTET

48.

TUKUYIN KUNG ANONG KAYARIAN NG TALUDTURAN ITO:

Ang halik ng araw sa dapit-umaga: naiiwang

Sanlang hiyas na makinang na nakasisilaw

Sa maraming mata ang magandang tampok

Nag-iwan ng sugat ang maraming daan

a)

May sukat- may tugmang taludturan

b)

Malayang taludturan

c)

Di- tugmaang taludturan

49.

ANONG URI NG TAYUTAY ITO:

Bumaha ng dugo

Nang ang bayan ay lumaya.

a)

PAGMAMALABIS

b)

PAGTUTULAD

c)

PAGPAPALIT-SAKLAW

d)

PAGWAWANGIS

50.

ANONG URI NG TAYUTAY ITO:

Ang Pilipinas ay perlas sa kagandahan.

a)

PAGTUTULAD

b)

PAGWAWANGIS

c)

PAG-UYAM

d)

LARAWANG-DIWA