wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

INTERMEDIATE (PHIL) AVERAGE

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Anong kwentong bayan ng mga Pilipino ang isinumite ni Rizal sa Trubners Record, isang journal sa Europa na nakatuon sa liheslatura ng Asya upang maipalimbag?

a)

Ang Kuwento ng Pinya

b)

Ang Kuwintas at ang Suklay

c)

Ang Matsing at ang Pagong

d)

Kung Bakit may Kaliskis ang Isada

2.

Si Apolinario dela Cruz na kilalang relihiyoso na namuno sa pag-aalsa sa mga Espanyol para sa kalayaan sa relihiyon. Alin sa mga sumusunod ang iba pang kilalang pangalan niya?

a)

Hermano Pule

b)

Jacinto Zamora

c)

Jose Burgos

d)

Mariano Gomez

3.

Sino ang Sultan na kinilalang pinakadakilang bayani sa Mindanao na matagumpay na nakapagtatag ng kumpederasyon ng mga Sultan sa kanyang lalawigan upang palakasin ang kanilang puwersa laban sa mga Espanyol?

a)

Kabungsuwan

b)

Kudarat

c)

Lapulapu

d)

Tamblot

4.

Sino ang itinuturing na “Ama ng Wikang Pambansa” at naging pangulo ng Pamahalaang Komonwelt sa ilalim ng pamahalaang Amerikano noong simula ng ika-20 siglo?

a)

Manuel L. Quezon

b)

Manuel Roxas

c)

Manuel Pangilinan

d)

Manuel Cruz

5.

Sino ang ika-7 Pangulo ng Pilipinas na kilala bilang "Presidente ng Masang Pilipino"? Bilang pangulo, binuksan niya ang pintuan sa mga mamamayan kung saan sila ay binigyan ng pagkakataong lumapit sa kanya nang direkta at bigyan sila ng higit na kalayaan upang ipahayag ang kanilang pagdurusa.

a)

Elpidio Quirino

b)

Fidel Valdez Ramos

c)

Ramon Magsaysay, Sr.

d)

Ramon Revilla Sr.

6.

Siya ay kinikilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" at itinuturing na William Shakespeare ng Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at impluwensya sa panitikang Pilipino. Ang sikat na romantikong pag-iibigan ng ika-19 na siglo, ang Florante at Laura, ay ang kanyang pinamainam na likha.

(a)  

7.

Sino ang itinuring na tagapayo ni Andres Bonifacio na sinasabing “Utak ng Katipunan”?

(a)  

8.

Siya ay kilala bilang Dakilang Lumpo at Utak ng Rebolusyon. Isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbigay-suporta sa Kilusang Pang-reporma.

(a)  

9.

Ano ang tawag sa larawang iginuhit ng Pilipinong pintor na si Juan Luna na isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa Colosseum sa Roma? Ang nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay maaring itulad sa mga kasawian ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya.

(a)  

10.

Sino ang namuno sa pinakamahabang pag-aalsa na naitala sa ating kasaysayan?

(a)