Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

INTERMEDIATE (PHIL) D

Total questions: 10

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Kilala bilang lider ng sibiko, tagapagturo at tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines (GSP). Sa panahon ng pananakop ng Hapon, siya ay pinapatay sa hinala ng pagiging isang taga-simpatya ng mga gerilya.

(a)  

2.

Siya ay isang guro na nakipaglaban para sa kalayaan. Tinagurian siyang “Visayan Joan of Arc” dahilan sa kanyang pamumuno sa rebolusyon sa Visayas.

(a)  

3.

Siya ay tinaguriang “Ina ng Biak na Bato”. Kinilala siya sa panggagamot sa mga sugatang Katipunero at sa kanyang paglaban kasama ng mga kalalakihang rebolusyonaryo.

(a)  

4.

Sa anong aklat sa bibliya kinuha ni Dr. Jose Rizal ang pamagat ng kanyang unang nobela na Noli Me Tangere?

(a)  

5.

Sino ang sumulat ng isang tulang Espanyol na may pamagat na “Filipinas” na naibigan ni Pangulong Aguinaldo kaya ginawa itong liriko ng pambansang awit ng Pilipinas?

(a)  

6.

Ano ang samahan sa Gitnang Luzon na pinamunuan ni Luis Taruc na lumaban para sa mga Pilipino laban sa kalupitan ng mga Hapones?

(a)  

7.

Si Andres Bonifacio ay kinilalang lider ng Katipunan at isa sa nagtatag ng samahan. Siya ay nahatulan ng kamatayan dahil sa hindi niya pagkilala sa resulta ng eleksiyong naganap sa Tejeros kung saan naging pangulo si Emilio Aguinaldo. Sa anong bayan sa Cavite pinatay si Gat Andres?

(a)  

8.

Sino ang pangulong tinaguriang “Puppet President” na namuno sa Republikang Puppet na umiral sa bansa sa panahon pananakop ng mga Hapones?

(a)  

9.

Sa isang liham ni Jose Rizal kay Del Pilar noong ika-11 ng Hunyo 1890 isinulat niya ang mga katagang “hindi tayo nagkaroon ng kapalaran ng ibang mga binata na nakakapagpasiya sa kanilang panahon at sa kanilang kinabukasan; sa ati’y may nakaatang na isang tungkulin: ang pagtubos sa ating ina sa pagkakabihag: ang ina nati’y nasasanla; kailangang ating tubusin muna, bago tayo makapag-aliw.” Sino o ano ang tinutukoy ni Rizal na “ina natin”?

(a)  

10.

Sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na lubos na naapektuhan ang Pilipinas ay umalis ng bansa si Pangulong Manuel Quezon. Sa anong bansa siya pumunta upang dito sumakay ng barko patungo sa Estados Unidos?

(a)