Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 5 Sinaunang Lipunang Pilipino

Total questions: 15

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ang kapangyarihan ng Datu ay nakabatay sa dami ng kayamanan, bilang ng alipin, lawak ng nasasakupan at kabantugan (fame).

a)

Tama

b)

Mali

2.

Bakit mahalaga ang "umalohokan" sa isang Barangay?

a)

dahil siya ang nagpapayo sa pinuno kapag may mga suliranin sa Barangay.

b)

dahil siya ang namamahala sa mga gawaing espiritwal.

c)

dahil siya ang taga-kalat ng mga impormasyon na nais iparating ng datu sa komunidad.

d)

dahil siya ang nagproprotekta sa pinuno, barangay, at mga mamamayan nito.

3.

Ito ang tawag sa pamayanang binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya na pinamumunuan ng isang datu o rajah. Ito rin ang pinakaunang organisadong lipunan.

a)

Barangay

b)

Komunidad

c)

Bansa

d)

Teritoryo

4.

Ito ang sasakyang pandagat na ginamit ng mga Austronesian upang makarating sa kapuluan ng Pilipinas

a)

balangay

b)

basangay

c)

balalay

d)

balanay

5.

Pinunong espiritwal ng barangay at gumaganap bilang manggamot

a)

Raha

b)

Timawa

c)

Umalohokan

d)

Babaylan o katalonan

6.

Ano ang ginamit ng mga sinaunang tao bilang libingan o sisidlan ng mga buto ng namayapang tao?

a)

Kabaong

b)

Bangang Manunggul

c)

Bangka

d)

Lupang bakuran

7.

Ito ay nagsisilbing palatandaan o simbolo ng katapangan ng sinaunang Pilipino:

a)

Putong

b)

Bahag

c)

Batok

d)

Gintong Kwintas

8.

Ito ay mga inukit na bato o kahoy bilang representasyon ng Diyos ng sinaunang Pilipino:

a)

Banal na Bata

b)

Anito

c)

Balanghai

d)

Bangang Manunggul

9.

Ito ang alpabeto ng sinaunang Pilipino na ginagamit pangkomunikasyong pasulat o pasalita. Ang alpabetong ito ay kilala rin sa tawag na Alibata.

a)

Abjad

b)

Bahasa

c)

Baybayin

d)

Nahuati

10.

Ito ay transportasyon ng sinaunang Pilipino.

a)

Kalesa

b)

Dyipni

c)

Trambiya

d)

Balanghay

11.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pinakamataas na sangay o antas ng sinaunang lipunang Pilipino?

I. Dayang, Lakan, Lakambini, at Prinsipe o Prinsesa

II. Datu o Raha o Sultan

III. Oripun

IV. Kaanak o Kamag-anak ng Pinuno ng Barangay

a)

I

b)

II

c)

III

d)

IV

12.

Ang sumusunod ay mga maaaring paraan para maging isang datu maliban sa isa. Alin ito?

I. pumasa sa pagsusulit ng datu

II. anak o galing sa angkan ng mga datu

III. matapang, matalino at nagmana ng mga kayamanan

a)

I

b)

II

c)

III

d)

I, II, at III

13.

Aling sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa antas na Timawa?

I. Bagani o Mandirigma

II. Mayayamang mamayan

III. Malayang mamayan

IV. Mangangakal

a)

I

b)

II

c)

III

d)

IV

14.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama?

I. Ang alipin ay tagasilbi sa mga pinuno o mayayamang tao sa barangay.

II. Paring maging malaya sa pagkakaalipin ay kailangang magbayad ng buwis ang alipin.

III. Ang aliping saguiguilid na pinakamababang antas ng lipunan ay mga taong nahuli sa sagupaan, naparusahan o binili ng isang mayaman.

IV. Ang aliping namamahay ay walang tirahan at walang karapatang magkaroon ng pamilya.

a)

I

b)

II

c)

III

d)

IV

15.

Ang mga sumusunod ay tungkulin ng isang datu o raha maliban sa isa:

I. Tagapamahala ng barangay

II. Namumuno sa digmaan

III. Namumuno sa pag-aalay

IV. Tagalikha at Tagahatol ng batas

a)

I

b)

II

c)

III

d)

IV