Font size
WorksheetsPAGBASA AT PANANALIKSIK
Total questions: 26
Worksheet time: 13mins
Ang _____ay naglalayong maipinta ng awtor sa isipan ng mambabasa ang isang bagay na inilalarawan. Gumagamit ng detalye ang isang awtor upang ipinta ang isang larawan sa pamamagitan ng kanyang mga salita.
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Prosidryural
Tinuran nina _____ (2008), na sa paglalarawan, kailangang ibigay ang katangian ng isang tao, bagay o pangyayari upang ito’y ganap na makilala. Dapat na piliin ang pinakaangkop na salita. Piliin din ang sangkap ng paglalarawan na makatutulong sa pagbuo ng diwa ng bumabasa.
Montero, et al
Montera, et al
Montera, et ol
Montero, et ol
(LIMANG COHESYONG GRAMATIKAL)
- Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging
_____ ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.
Reperensiya
Substitusyon
Ellipsis
Pang-ugnay
Kohesyong Leksikal
(LIMANG COHESYONG GRAMATIKAL)
- Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
Reperensiya
Substitusyon
Ellipsis
Pang-ugnay
Kohesyong Leksikal
(LIMANG COHESYONG GRAMATIKAL)
- May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging
malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap.
Reperensiya
Substitusyon
Ellipsis
Pang-ugnay
Kohesyong Leksikal
(LIMANG COHESYONG GRAMATIKAL)
- Nagagamit ang mga _____ tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap.
Reperensiya
Substitusyon
Ellipsis
Pang-ugnay
Kohesyong Leksikal
(LIMANG COHESYONG GRAMATIKAL)
- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng _____. Maaari itong mauri sa dalawa: ang reiterasyon at ang kolokasyon.
Reperensiya
Substitusyon
Ellipsis
Pang-ugnay
Kohesyong Leksikal
Dalawang Uri ng Reperensiya
Anapora
Katapora
Reiterasyon
Kolokasyon
- kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy.
Anapora
Katapora
Reiterasyon
Kolokasyon
- kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto.
Anapora
Katapora
Reiterasyon
Kolokasyon
- Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauri sa tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at pagbibigay-kahulugan.
Anapora
Katapora
Reiterasyon
Kolokasyon
- Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t
isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari ding magkasalungat.
Anapora
Katapora
Reiterasyon
Kolokasyon
(HALIMBAWA)
- Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.
Anapora
Katapora
Reiterasyon
Kolokasyon
(HALIMBAWA)
- Siya ang nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi. Ang matatamis niyang ngiti at mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para makapawi sa kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong kapatid na mag-iisang taon pa lamang.
Anapora
Katapora
Reiterasyon
Kolokasyon
(HALIMBAWA)
- Nanay- tatay ; guro- mag-aaral ; hilaga- timog
Puti- itim ; maliit- malaki ; mayaman- mahirap
Anapora
Katapora
Reiterasyon
Kolokasyon
(Tatlong Uri ng Reiterasyon)
- Maraming bata ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang mga
batang ito ay nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.
Pag-uulit o repetisyon
Pag-iisa-isa
Pagbibigay-kahulugan
(Tatlong Uri ng Reiterasyon)
- Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong, itaw, kalabasa at ampalaya.
Pag-uulit o repetisyon
Pag-iisa-isa
Pagbibigay-kahulugan
(Tatlong Uri ng Reiterasyon)
- Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naiisantabi kapalit ng ilang aryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
Pag-uulit o repetisyon
Pag-iisa-isa
Pagbibigay-kahulugan
(HALIMBAWA)
- Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
Substitusyon
Ellipsis
Pang-ugnay
Kohesyong Leksikal
(HALIMBAWA)
- Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
Substitusyon
Ellipsis
Pang-ugnay
Kohesyong Leksikal
(HALIMBAWA)
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
Substitusyon
Ellipsis
Pang-ugnay
Kohesyong Leksikal
(PAGLALARAWAN SA DAMDAMIN O EMOSYON)
- Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo. Nagdidilim na ang kanyang paningin at nanlalambot na ang mga tuhod sa matinding gutom na nadarama. Dalawang araw na pala nang huling masayaran ng pagkain ang nanunuyo niyang mga labi.
Pagsasaad sa aktwal na nararanasan ng tauhan.
Paggamit ng diyalogo o iniisip
Pagsasaad sa ginawa ng tauhan
Paggamit ng tayutay o matatalinhagang pananalita
(PAGLALARAWAN SA DAMDAMIN O EMOSYON)
“Ate, sa likod po ang pila. Isang oras na kaming nakapila rito kaya dapat lang na sa hulihan kayo pumila!”
Pagsasaad sa aktwal na nararanasan ng tauhan.
Paggamit ng diyalogo o iniisip
Pagsasaad sa ginawa ng tauhan
Paggamit ng tayutay o matatalinhagang pananalita
(PAGLALARAWAN SA DAMDAMIN O EMOSYON)
“Umalis ka na!” ang mariing sabi ni Aling Lena sa asawa habang tiim bagang na nakatingin sa malayo upang mapigil ang luhang kanina pa nagpupumilit bumalong mula
sa kanyang mga mata.
Pagsasaad sa aktwal na nararanasan ng tauhan.
Paggamit ng diyalogo o iniisip
Pagsasaad sa ginawa ng tauhan
Paggamit ng tayutay o matatalinhagang pananalita
(PAGLALARAWAN SA DAMDAMIN O EMOSYON)
Ito na marahil ang pinakamadilim na sandali sa kanyang buhay. Maging ang langit ay
lumuha sa kalungkutang dulot ng pagyao ng pinakamamahal niyang si Berta.
Pagsasaad sa aktwal na nararanasan ng tauhan.
Paggamit ng diyalogo o iniisip
Pagsasaad sa ginawa ng tauhan
Paggamit ng tayutay o matatalinhagang pananalita
Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Layunin nitong makapagbigay ng sunod-sunod na direksyon at impormasyon upang tagumpay na maisagawa ang mga gawain sa ligtas at angkop na paraan.
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Prosidryural
