NEW
Font size
WorksheetsAkasya o Kalabasa
Total questions: 10
Worksheet time: 20mins
Sino-sino ang mga nabanggit na tauhan sa anekdotang iyong binasa?
Ang mag-ama at ang punong-guro
Ang mag-ina at ang punong-guro
Ang mag-ama at ang magkapatid
Ang mag-asawa at ang mga anak
Bago tumungo ang mga pangunahing tauhan sa Maynila, ano ang nasa isip nito hinggil na may kaugnayan sa pag-aaral?
malaking pera ang kakailanganin sa pag-aaral
malayo ang paaralan mula sa kanilang tahanan
sapat na ang maikling kurso upang maagang makatapos
mas mainam kung mapaglalaanan ng mahabang panahon ang pag-aaral
Saan tagpo mababanaag ang pagbabago ng isip ng pangunahing tauhan hinggil sa kanyang pananaw sa pag-aaral?
Nang hikayatin siya ng kanyang anak sa nais nito.
Nang makita nito ang kagandahan ng paaralan.
Nang kausapin ito ng kinikilalang tao sa paaralan.
Nang kausapin siya ng ibang mga mag-aaral sa paaralan.
Anong kaisipan ang nais ipahiwatig sa diyalogong ito: Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan niya?
Kapag maikling kurso, mabilis makatatapos sa pag-aaral.
Kapag maikling kurso, makapagtatrabaho agad.
Kapag maikling kurso, maaaring sapat lamang din ang bunga ng pagsisikap.
Kapag maikling kurso, hindi magiging magastos ang pagtatapos.
Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag na ito: "A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa haiskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan."
natauhan siya sa kaniyang bigla-bilang desisyon
naliwanagan siya sa mas mainam na desisyon
natuwa siya sa narinig mula sa nakilala sa paaralan
naunawaan na niya ang halaga ng pag-aaral
Sa paanong paraan higit na ipinahiwatig ng manunulat na si Consolation P. Conde ang mensahe niya hinggil sa pag-aaral?
pinag-ugnay niya ang haba ng panahon na gugugulin sa pagpapalaki ng magkaibang halaman at gugugulin sa pag-aaral.
pinaghambing niya ang dalawang uri ng halaman batay sa katangian at haba ng panahon na gugugulin.
pagbabahagi ng makatotohanang pangyayari sa paraan ng pagdedesisyon ng mga magulang.
paglalahad ng makatotohanang pangyayari sa tungkulin ng paaralan hinggil sa pag-aaral.
Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng isang Anekdota?
nasa anyong pasalaysay
taglay nito ang mga elemento gaya ng tauhan, tagpuan, tunggalian, at iba pa
tinuturing din na makabagong o kontemporaryong panitikan
kadalasan halaw sa isang bahagi ng buhay ng tao na nag-iwan ng aral sa mambabasa
Masasabi ba natin na ang Maikling Kuwento at Anekdota ay iisa lamang kung pagbabatayan natin ang binasang Akasya o Kalabasa?
Oo, sapagkat pareho lamang silang nagsasalaysay.
Oo, sapagkat pareho lamang silang kayang basahin sa isang upuan.
Hindi, sapagkat ang isa ay halaw sa pangyayari sa bahagi ng buhay ng manunulat.
Hindi, sapagkat ang isa ay pawang kathang isip lamang.
Kaugnay sa iyong naging kasagutan sa naunang bilang, alin sa mga ito mabibigyan mo ng patunay ang iyong pananaw hinggil sa anekdota at maikling kuwento?
Unang bahagi. Kung saan nabanggit ng manunulat na hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay malaki ang tubo katulad ng paghahanda sa pag-aaral.
Pataas na bahagi. Kung saan nakipag-usap ang guro saan malikhaing nailarawan ang mga aktwal na tagpo sa paaralan.
Gitnang bahagi. Kung saan makabuluhan ang naging pag-uusap ng pangunahing tauhan sa iba pang tauhan hinggil sa nais na kurso para sa kaniyang mag-aaral.
Pababa/ Huling bahagi. Kung saan sa puntong pauwi na ang pangunahing tauahan ay doon niya tuluyang napagtanto ang naging desisyon.
May isang mag-aaral na nasa pareho mong gulang ang nais ng magtrabaho sa kadahilanan na doon din naman patutungo ang lahat ng pagsisikap na ito. Sa iyong palagay, magagamit ba natin ang anekdotang ito sa nasabing mag-aaral?
Oo, sapagkat katulad siya ng ama na may parehong pag-iisip hinggil sa pag-aaral.
Oo, sapagkat tulad ng agarang pagdedesisyon maaaring hindi magiging mabunga ito.
Hindi, sapagkat walang kinalaman sa pag-aaral ang nais ng nasabing mag-aaral.
Hindi, sapagkat mahihirapan ang mag-aaral na iugnay ang sarili sa karanasan na nasa akda.
