wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pang-abay na Pamaraan

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Tukuyin ang pandiwa sa pangungusap.

Siya ay dahan-dahang umalis kaninang madaling araw.

a)

dahan-dahang

b)

umalis

c)

madaling araw

2.

Tukuyin ang pandiwa sa pangungusap.

Ang sanggol ay mahimbing na natutulog sa bisig ng kaniyang ina.

a)

natutulog

b)

bisig

c)

mahimbing

3.

Tukuyin ang pandiwa sa pangungusap.

Sumagot nang pasigaw ang tsuper ng dyip.

a)

tsuper

b)

pasigaw

c)

sumagot

4.

Tukuyin ang pandiwa sa pangungusap.

Masipag na nag-aaral ang mga kapatid ko.

a)

nag-aaral

b)

masipag

c)

kapatid

5.

Tukuyin ang pandiwa sa pangungusap.

Ang dyanitor ay nagmamadaling umakyat ng hagdan.

a)

dyanitor

b)

hagdan

c)

umakyat

6.

Tukuyin ang PANG-ABAY sa pangungusap.

Itinahi nang mahusay ni Aling Thelma ang mga bestida.

a)

itinahi

b)

mahusay

c)

bestida

7.

Tukuyin ang PANG-ABAY sa pangungusap.

Masigasig nilang ibinalot ang mga pagkain para sa mga nasalanta.

a)

masigasig

b)

ibinalot

c)

nasalanta

8.

Tukuyin ang PANG-ABAY sa pangungusap.

Ang mga apo ni Ginang Sanchez ay magalang na nakikipag-usap sa mga panauhin.

a)

apo

b)

nakikipag-usap

c)

magalang

9.

Tukuyin ang PANG-ABAY sa pangungusap.

Ang mga damit ay itiniklop ni Louise nang maayos

a)

tiniklop

b)

maayos

c)

damit

10.

Tukuyin ang PANG-ABAY sa pangungusap.

Maingat na ibinalik niya ang alahas sa lalagyan nito.

a)

Maingat

b)

alahas

c)

ibinalik

11.

Tukuyin ang angkop na pang-abay sa pandiwa sa pangungusap.

Ang sanggol sa kuna ay natutulog nang _________.

a)

malakas

b)

mahimbing

c)

mabilis

12.

Tukuyin ang angkop na pang-abay sa pandiwa sa pangungusap.

________ tumugtog ng byolin si Angela.

a)

Pabulong

b)

Maingat

c)

Mahusay

13.

Tukuyin ang angkop na pang-abay sa pandiwa sa pangungusap.

_______ na humihilik sa Warren sa gabi.

a)

Malakas

b)

Dali-daling

c)

Padabog

14.

Tukuyin ang angkop na pang-abay sa pandiwa sa pangungusap.

______ na tinawag ang pangalan ng lalaki.

a)

Matulin

b)

Pahiyaw

c)

Mahimbing

15.

Tukuyin ang angkop na pang-abay sa pandiwa sa pangungusap.

9. Sinabi ni Gemma sa akin nang _____ ang sikreto niya.

a)

isa-sa

b)

mahusay

c)

pabulong