NEW
Font size
WorksheetsQ3-AP3 Week-4
Total questions: 15
Worksheet time: 15mins
Ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ay namatay dahil sa pagbaril sa kaniya ng mga Espanyol. Kailan ito naganap?
Disyembre 30, 1896
Disyembre 30, 1996
Disyembre 12, 1896
Saan ipinakulong ng mga Espanyol si Dr. Jose Rizal at iba pang mga Pilipinong nagtanggol sa karapatan ng mga Pilipino noon?
Calamba, Laguna
Bagumbayan
Fort Santiago (Intramuros, Manila)
Ang bantayog na ito ay matatagpuan sa plaza Lawton. Inialay ito ng pamahalaang lungsod ng Maynila bilang pag-alala sa ika-sandaang taon ng kapanganakan ni Andres Bonifacio noong 1963.
Liwasang Maynila
Liwasang Bonifacio
Monumento
Ito ang opisyal na tirahan ng pangulo ng Pilipinas simula 1935. Ang pangalan nito ay nagmula sa pahayag na "may lakan diyan".
Palasyo ng Malacañang
Palasyo ng mayayaman
Palasyo ng pangulo
Ang dambanang ito ay dating tirahan ni Apolinario Mabini na matatagpuan malapit sa Nagtahan Bridge.
Apolinario Mabini Shrine
Rizal Shrine
EDSA Shrine
Ipinatayo ito bilang pag-alala sa naganap na People Power Revolution I noong Pebrero 22-25, 1986.
Rizal Shrine
EDSA Shrine
Mabini Shrine
Ipinatayo din ito bilang tanda ng naganap na People Power Revolution noong 1986, matatagpuan sa Temple Hill Drive, EDSA.
People power monument
Balintawak monument
Rizal Monument
Siya ay kinilala bilang "Ama ng Wikang Pambansa". Siya rin ang naging ika-dalawang pangulo ng Pilipinas.
Emilio Aguinaldo
Jose P. Laurel Sr.
Manuel L. Quezon
Kailan naganap ang makasaysayang Sigaw sa Pugad Lawin sa pamumuno ni Andres Bonifacio kung saan pinunit ng mga katipunero ang kanilang mga sedula bilang tanda ng paglaban sa mga Espanyol.
August 23, 1896
August 12, 1996
August 30, 1896
Tinawag siyang "Tandang Sora" ng mga katipunerong lumalaban sa mga Espanyol. Dinakip siya at ikinulong ng mga Espanyol dahil tinulungan niya ang mga katipunero.
Gabriela Silang
Josefa Llanes Escoda
Melchora Aquino
Itinayo ang monumentong ito bilang parangal kina Guillermo Manalo, Eusebio Hermosa at iba pang mga taga-Pateros na lumahok sa Rebolusyong 1896.
Dulong Bayan Monument
Pinaglaban Monument
Bagumbayan Monument
Ano ang pangalan ng bantayog na ipinatayo bilang parangal sa dalawang bayani na sina Macario Almeda at Marcos Lozada?
EDSA Shrine
Manggahan Shrine
Bantayog ng Bayani
Sino ang nagtatag ng kilusang Kagalang-galangan, Kataas-taasang Katipunan (KKK) upang lumaban sa mga Espanyol na sumakop sa ating bansa?
Apolinario Mabini
Andres Bonifacio
Emilio Aguinaldo
Ito ay isang light house. Sa lugar na ito lihim na nagpupulong ang mga katipunero noon. Dito sila nagpaplano ng mga gawain upang labanan ang mga Espanyol.
Parola, Napindan
Fort Bonifacio
Light House
Ito ang libingan ng mga sundalong Pilipino na namatay para sa kalayaan ng bansa. Tinatawag itong "Libingan ng mga Bayani". Saan ito matatagpuan?
Fort Bonifacio, Taguig City
Fort Santiago Intramuros, Manila
Himlayang Pilipino
