wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q2M2 Elehiya (Pagsasanay)

Total questions: 13

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.
Ano ang tema ng "Elehiya sa Kamatayan ni Kuya"?
a)
Pag-iwan ng magulang sa kaniyang anak
b)
Pagkamatay ng minamahal sa buhay
c)
Paglisan ng minamahal
d)
Pangungulila ng anak sa magulang
2.
Paano makikilala ang isang tulang lirikong tulad ng elehiya?
a)
Ang elehiya ay makikilala sa pamamagitan ng tugma at sukat nito.
b)
Ang elehiya ay makikilala sa pamamagitan ng taglay nitong damdamin.
c)
Ang elehiya ay makikilala sa pamamagitan ng pag-alam sa mensahe nito
d)
Ang elehiya ay makikilala sa katangian nitong pag-alaala sa yumaong minamahal.
3.
Piliin ang tamang ayos mula sa mababa-papataas na sidhi damdamin. A - Pagkasaid B - Pagkawala C - Pagkaubos
a)

A B C

b)

B C A

c)

A C B

4.
Piliin ang tamang ayos mula sa mababa-papataas na sidhi damdamin. A - Naghari B - Namayani C - Nangibabaw D - Namayagpag
a)

C B A D

b)

D C A B

c)

C A B D

5.
Ang katangian ng elehiya ay _____.
a)

Tulang umiibig, umiirog, nagmamahal

b)

Tulang masalimuot, nagpupuri, pagdakila

c)

Tulang kasiyahan, kaligayahan, kagalakan

d)

Tulang pananangis, pag-aalala, pagpaparangal

6.
"Malungkot na lumisan ang tag-araw kasama ang pagmamahal na inialay ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita ang masayang panahon ng pangarap." Ano ang nais ipahiwatig ng saknong mula sa "Elehiya sa Kamatayan ni Kuya"?
a)

Hindi na maibabalik pa ang buhay na nawala.

b)

Kulang na ang pagmamahal matapos mawalan ng mahal sa buhay.

c)

Sa paglisan ng minamahal kasabay nito ang pagbabagong magaganap.

d)

Lubos ang kalungkutang nadarama matapos mawalan ng mahal sa buhay.

7.

" Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!" Ano ang nangingibabaw na damdamin sa mga taludtod mula sa "Elehiya sa Kamatayan ni Kuya"?

a)

pagkagalit

b)

pag-aalala

c)

paghihinagpis

d)

kawalan ng pag-asa

8.
Piliin ang tamang ayos mula sa mababa-papataas na sidhi damdamin. A - Iyak B - Hikbi C - Hagulgol D - Nguyngoy
a)

B A C D

b)

D C A B

c)

B D A C

9.
Ang tulang lirikong ito ay naglalarawan ng malungkot na damdaming nagpapaalala ng isang mahal sa buhay na yumao na.
a)
Oda
b)
Soneto
c)
Elehiya
d)
Himno/Dalit
10.
Bakit mahalagang gumamit ng simbolo sa pagsulat ng isang elehiya?
a)
Saklaw nito ang mensahe ng buong tula.
b)
Ang simbolo ay maaaring magpalawak ng ating isipan.
c)
Inihahambing nito ang iba’t ibang diwang ipinapakita ng elehiya.
d)
Nakatutulong ito upang maging makulay ang isinusulat na elehiya.
11.
Ang sumusunod ay kabilang sa mga katangian ng elehiya, MALIBAN sa _____.
a)
pag-aalala
b)
paghihinagpis
c)
pagpaparangal
d)
pagpapakasakit
12.

Piliin ang mga pares ng salita na may kaugnayan sa elehiya. (PUMILI NG 4)

a)

simbolo at damdamin

b)

banghay at tunggalian

c)

paksa at persona/tauhan

d)

wika at kaugalian/tradisyon

e)

pag-aalala at pagpaparangal

13.

Ano ang pamagat ng elehiya ni Amado V. Hernandez patungkol sa kawalan ng kalayaan ng Inang Bayan.

a)

Kung Tuyo na ang Luha mo, Inang Bayan

b)

Luha ng Buwaya

c)

Elehiya para kay Ram

d)

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya